Chapter 8

1542 Words
Sa pagpasok ni Russ sa banyo, buti nalang at nakakita siya ng bathrobe doon. Kaya agad niyang sinuot iyon. Napapamura naman siya sa sarili kung bakit hindi niya kaagad sinunod ang instinct niya kay Kenny. Sa kanyang paglabas sa banyo nakita niya si Gwen na nakaupo lang sa edge ng bed hanggang sa napalingon ito sa kanya. "Tinawagan ko si Rihana." saad ni Gwen. His mouth fell open. "Kailangan kong may matawagan." Napaupo siya sa silya sa tapat ni Gwen. "Pero bakit ang kapatid ko pa?" "Sinong gusto mo si General? Papunta na nga rito si Rihana dala ang mga damit mo." pahayag pa nito. "Wag kang mag-alala, wala akong sinabi sa kanya. Pero kailangan ko bang tumawag ng pulis? Ano naman ang sasabihin ko sa kanila?" "Hindi ko alam." aniya habang panandaliang ipinikit ang mga mata. Sumasakit na naman kasi ang ulo niya. "There must be a reasonable explanation." ani Gwen sa nanginginig na boses. Her quavering voice threatened to break his heart. Pero masakit talaga ang ulo niya para sagotin ang mga pang-usisa ni Gwen. Siguro napurohan lang talaga siya sa pagkapalo ng kanyang ulo. Na para bang nagka hangover siya kahit hindi naman siya masyadong uminom ng alak kagabi. "Everything has a reasonable explanation." she said. "Aaplayan lang siguro natin ng logic tiyak masasagot natin ang misteryong ito." Nakita naman niyang pursigido talaga si Gwen na mahanapan ng sagot ang pagkawala ng kanyang asawa that made his heart ache. "Nagtalo ba kayo ni Ken kagabi? Stephen told me that there was some kind of disturbance at the reception." "Hindi kami nagtatalo. Nag walked out kasi si Kenny sa reception dahil nairita siya sa photographer ni Desirie Herrera." "Desirie Herrera...parang pamilyar ang pangalan niya." "Isa kasi siya sa sikat na magazine at newspaper columnist dito sa bansa. Ayaw kasi ni Kenny na may taga media na mag cover sa wedding namin. Pero hindi naman siya galit sakin. Alam kong hindi. Masaya pa nga kami nong papunta kami sa aming honeymoon suite. B-binuhat pa nga niya ako papasok sa loob." natigilan ito sandali sa pagsasalita tas nagpatuloy rin ito. "Nalasing lang talaga ako sa ininom namin na champagne kagabi hanggang sa...nag passed out ako." Napakunot-noo naman si Russ nang makita nga niya ang champagne bottle sa side table ng bed. Konti lang naman ang nabawas nito. Bakit kaya sinabi ni Gwen na nalasing siya kagabi. Agad naman niyang sinuri sa trash bin kung may empty bottle ba ng champagne na tinapon roon. Pero wala. Nakita rin ni Stephen si Gwen kagabi na sinundan nito si Kenny pero hindi naman raw mukhang lasing ang babae. "Sinundan mo si Kenny mga around ten, di ba?" "Pano mo nalaman?" "Nakita kita, di ba sinabi ko sayo na nasa labas lang ako kagabi, tinulongan ko si Stephen mag parking sa mga sasakyan ng bisita mo. Hindi ka naman mukhang lasing nong nakita kita." "Lasing na ako non. Pero ang huling naalala ko ay nag-inoman pa kami ni Kenny ng champagne. Heto nga eh, nakatulog ako sa kalasingan na suot pa itong wedding dress ko." Russ made an effort to ignore the implication that Gwen and Kenny hadn't consummated their wedding vows. Knowing Ken, na tuso rin ito sa mga babae. A knock on the door startled them. Napatingin naman silang dalawa sa isa't isa, at nakita niyang nagsimula ng mag panic si Gwen. "Be cool." he said. Tinampal nito ang sariling noo. "What am I going to say?" The knocking turned insistent. "Baka si Rihana yan." He hoped. Before he could suggest na magpalit muna ito ng damit, nabuksan na ni Gwen ang kumakatok. Wala namang pag-aalinlangan na pumasok si Rihana kung kaya't nakita siya nito. "Russ? What are you doing here? Alam mo ba itong ginagawa mo? Ano nalang ang masasabi ni General at ni Mom. Malaking kahihiyan itong pinasok mo, Russ." Russ backed away from the finger Rihana shook in his face. Rihana is a strong-willed, ambitious and outspoken, iyan ang mga katangian ni Rihana kung kaya't paborito ito ng kanilang ama. He wished they were twelve and ten years old again so he could sit on her and make her shut up. "Pardon me, Rihana." Pasimula pa ni Gwen. "Nawawala kasi si Kenny, at biktima lang kami ni Russ sa isang krimen." "Krimen? Anong klaseng krimen?" Kapwa silang hindi nakaimik kaya inabot nalang ni Rihana kay Russel ang hininging mga damit ni Gwen at kaagad din naman itong tinanggap ni Russel saka siya pumasok sa loob ng banyo. When he emerged from the bathroom Rihana had calmed down considerably. She gave him a suspicious glance, but continued listening to Gwen explain what had happened. "I want to deny it, but I can't. Kenny has been kidnappened." Narinig niyang sabi ni Gwen. "Sabi ni Gwen na may nakita ka raw na kahina-hinala na tao, Russ. Bakit hindi mo tinawagan si General?" "Na misplaced ko kasi yong phone ko." "Ang sabi rin ni Gwen na nagkaroon ka raw ng bukol dahil sa may pumalo sa ulo mo kaya ka nawalan ng malay. Let me see kung may totoong bukol ka nga." He sat so she could examine the back of his skull. Pero ang bigat ng mga kamay ng kapatid niya habang sinusuri nito ang kanyang bukol, hindi gaya ni Gwen na sobrang gentle kung makahawak sa ulo niya. "Aray! Maging gentle ka naman Rihana." aniya at tinabig ang kamay ng kapatid. "Ang OA mo talaga, Russ. Maliit na bukol lang yan eh." bulalas ng kapatid niya at tinampal siya ng malakas sa noo. Naku! Napakasadista talaga nitong kapatid niya. Battered brother ba naman siya. "Hay naku my dear brother, kulang lang yan ng yakapsule at kisspirin." dagdag ng kapatid niya at tumawa ito ng malakas. "Sige tawa pa, Nene." "Don't call me, Nene. Hindi na ako bata noh." "Naniniwala akong nagsasabi ng totoo si Russ." biglang sabat ni Gwen. "Rihana, napansin mo ba ang asawa ko sa baba?" Kung hindi lang sana sumulpot ang kapatid niyang si Rihana, malamang he offer his shoulder to Gwen to cry on. "Hindi ko siya nakita sa baba, Gwen." napatingin naman si Rihana sa kanyang relo. "The restaurant isn't open yet. Hindi ko rin siya ni minsan nakita sa may lobby, and I just can't believe he's been kidnapped. May iniwan bang ransom note ang mga kidnapper?" Napapailing naman si Gwen. Russ stepped between them and give his sister a pointed look. "Gwen, magbihis ka muna. We'll figure this out." Tumalima naman si Gwen at pumasok ito sa banyo para makapagbihis. Nang tuloyan ng makapasok si Gwen sa loob ng banyo, binalingan naman ni Russel ang kapatid.  "There's something fishy here." "Anong ibig mong ipahiwatig, Rihana?" "Don't play stupid, Russ. Nakita ng lahat dito kung gaano kayo ka sweet ni Gwen last week. Hindi kaya may napansin si Kenny?" "Hinaan mo nga yang boses mo, Rihana." She lowered her voice, but her temper seemed to increase. "Siguro wala lang para sayo na paglaruan ang mga babaeng nakilala mo. Pero iba sa kanila si Gwen, Russ. Engaged na siya nong nakilala mo siya. Siguro napansin ni Kenny na may something sa inyong dalawa ni Gwen kaya siya biglang umalis." Si Rihana lamang sa mga kapatid niya ang palaging nangangaral sa kanya. Palibhasa'y ito ang panganay sa kanilang magkapatid. Pero ang lahat naman ng ipinaratang nito ay pawang hindi totoo. "Pasalamat ka Rihana at kapatid kita..dahil kung hindi--" "Dahil ano?" She put up her fists. Hanep! May pa gulat-gulat pang nalalaman itong kapatid niya. "My God Rihana, Wala kaming relasyon ni Gwen." "Then bakit umalis si Kenny?" Tumingin siya sa bathroom door. Grasping Rihana by the shoulder, he lowered his head until their faces were only inches apart. "Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sakin, but don't you dare say a single word about Gwen." "So anong dapat kung iisipin? Na friends lang kay--" "Tumahimik ka at makinig sakin. Nagsisinungaling si Kenny sakin." "Nagsisinungaling sa ano?" "Tungkol kay Gwen. Sabi niya business deal lang daw itong pagpapakasal niya kay Gwen. A marriage-of-convenience kind of thing." Nakita niyang nalilito ang mukha ng kapatid. "Every time I spoke to Gwen about the wedding arrangements I got the impression she was madly in love with him." Napakibit-balikat lang siya. "It was none of my business why they got married. Hindi naman binabanggit ni Gwen ang tungkol sa kanila ni Ken, and I didn't have anything to say about him, either. Hindi naman namin pinag-usapan ang relasyon nilang dalawa." Nanlaki bigla ang mga mata ni Rihana. "OMG Russ! You actually care about her." "I care about a lot of people." Defensive niyang sagot para ipamukha sa kapatid na mali talaga ang mga pagdududa nito. "You really care about her." tudyo pa rin ng kapatid. "Magkaibigan lang kami, nothing more." "Then look at me straight in the eye," mando nito. "At sabihin mo sakin that you aren't having an affair with her." "Hindi ako nagsisinungaling tungkol samin ni Gwen. Friends lang talaga kami." "But you lie to the General all the time." "Iba naman yon. Palagi nalang kasing may ipupuna siya sa akin." "Russ..." "Wala talaga kaming affair ni Gwen, Rihana." Pinagkrus naman ni Rihana ang kanyang mga braso. "Kung ganon, bakit umalis si Kenny?" Sana alam niya ang sagot non. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD