Nang dumating ang mga pulis sa hotel, Chief Inspector Briones interviewed Gwen and Russ in an efficient, but sympathetic manner. Then accompanied by General and Russ, he investigated the Honeymoon Luxury Suite at pati si Stephen ay ininterbyu din ng chief tungkol don sa lalaking nakita nito sa hating-gabi na dala-dala ang isang malaking bagahe.
Samantalang si Gwen naghihintay lang siya sa office ni Alicia Del Valle. Habang umiinom ng kape nanalangin siya na sana makakita ng clue ang mga pulis tungkol sa pagkawala ni Kenny.
"Mrs. Andales?" The chief asked from the doorway.
Inihanda na niya ang sarili sa kung anuman ang matutuklasan ng mga pulis. "Ano po ang mga natuklasan ninyo?"
May kinausap muna ito sa likuran nito bago pa ito pumasok sa office at isinara ang pinto. Umupo ito sa isang silya roon. Pero bakit wala itong kahit na anong dala? Hindi ba ito mag ti-take note?
"Ang sabi sakin ni Mr. Roman Del Valle na may pagtatalo raw kagabi sa reception."
"Hindi naman iyon malaking pagtatalo o isang malaking argumento. Hindi lang po kasi nagustohan ng asawa ko ang presensya ng medya na inimbitahan ng kaibigan ko."
"Pinagtalunan ba ninyo iyon pagkatapos ng reception?"
"Hindi po. Hindi nga niya nabanggit iyon pagkatapos. Ikaw po chief, naniniwala ka bang kusa siyang umalis? Dahil kung ako lang po ang tatanongin, hindi po ako naniniwalang kusa siyang umalis. Mayaman kami chief at ang daddy ko ay isang abogado, wala po akong maisip na rason kung bakit siya umalis." then she turned her worried gaze toward the window. "Ang sabi sakin ni Daddy na baka po kinidnap siya, pareho po kami ng hinala. Baka nga po kinidnap siya for political purposes."
"Bakit meron bang political connections si Mr. Andales?"
Napatanto nalang niya na hindi pala niya alam ang iba pang kaibigan ni Kenny, eh mas lalo na sa mga political affiliations nito. Tuloy napahiya siya sa sinabi niya kay chief. "Ahmm..ano po kasi real-estate developer siya. So pwede siya maging target ng mga environmental terrorists."
"Mrs. Andales, wala po kaming ebidensya sa krimen. No signs of struggle. Walang nakarinig ng disturbance kagabi. Every indication points to your husband leaving on his own. Yong bellboy ninyo rito ay nakapagpatunay na may nakita nga siyang lalaki na umalis sa hating gabi dala-dala ang malaking bagahe. Since hindi rin namin makita ang bagahe ni Mr. Andales, kaya kumbinsido ako na ang nakitang tao ni Stephen ay ang asawa mo."
She began shaking her head and kept shaking it as the chief reasonably explained why he could not investigate Kenny's disappearance as a crime. Gagawa nalang daw ito ng report patungkol sa nawawalang tao pero pagkatapos pa ng bente-kwatro oras.
"KINIDNAP PO SIYA!"
"Mrs. Andales, huminahon po kayo." kalmadong saad nito na parang sumasaway ito ng batang nagta-tantrums. "Ano ba ang body-build ng husband mo?"
"Um, about six feet, two inches tall. Perhaps two hundred and twenty pounds siya."
"At ikaw Mrs. Andales, sa tingin ko five foot four ka, at siguro hundred and ten pounds ka?..Ito kasi yon, kung magkasama lang kayo buong gabi ng asawa mo, at ipagpalagay natin na kami yong kidnappers, syempre ang tatangayin namin ay yong madaling madala. Di ba sinabi mo na mayaman rin kayo?"
"Paano nga kung ang kumidnap sa kanya ay ang mga evironmental terrorists?"
"Pati rin po ba bagahe niya dadalhin ng mga kidnappers? Besides, sa laki ng tao ng asawa mo hindi man lang siya nakapanlaban?"
She kept shaking her head.
"Alam kong upset ka sa mga sandaling ito, Mrs. Andales, but this kind of thing happens all the time. Pwede ring nagtampo siya sayo, kaya hindi na siya nagpaalam sayo na umalis. Baka nga nandoon na siya sa bahay ninyo, naghihintay lang sayo at nag-iisip kung pano makabawi sayo."
"What about the cars? Hindi naman pwedeng magmamaneho si Kenny ng dalawang kotse."
"Ang hinala ko, siya ang nagmamaneho sa kotse niya at siguro may pinakiusapan siyang kaibigan na ipagmaneho rin ang kotse mo. Kung away kasi ng mag-asawa, kaming mga pulis hindi na namin e dig up pa kung ano ang mga pinag-awayan ninyo. Ang payo ko lang sayo ma'am, umuwi na kayo. I'm ninety-nine percent sure na naghihintay lang sayo ang asawa mo sa inyo." anang chief and gave her a reassuring smile. "Naiintindihan ko ang pinagdaan mo ngayon ma'am, aalis rin kasi ako ng walang paalam kung may pagtalunan kami ng misis ko. Kaysa naman lalaki pa ang away."
Hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa makaalis ang mga pulis. Lumabas na rin siya sa office ni Mrs. Del Valle, at naabotan na lamang niya sa labas si Russ na parang hinihintay siya. Ayaw pa naman sana niyang harapin ito, o kahit na sino pa.
"Do you want me to drive you home?" tanong ni Russ.
But she walked past him. "Babalik muna ako sa Honeymoon Suite."
Nagmamadali siyang lumakad dahil baka bigla nalang bumagsak ang mga luha niya na kanina pa niyang pinipigilan. Hindi kasi niya akalain na ang kanyang dream romance had turned into a nightmare.
Bubuksan na sana niya ang suite gamit ang keycard nang agawin ito ni Russ at ito na ang nagbukas. Pagkapasok niya sa loob, positibo siyang naroon lang sa loob si Kenny at hinihintay siya. Seated on a chair, perhaps wearing a sheepish grin, at naghahanda lang ito ng speech para makahingi sa kanya ng paumanhin.
Pero walang tao sa loob ng suite, kaya hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pang gustong kumawala.
Russ gathered her into his arms and pressed her cheek to his shoulder. "I know this is awful, sweetie. I know." Russ petted her hair and held her tight as he murmured soothing nonsense.
Nang mapantanto niya na ibang lalaki pala ang nakahawak sa kanya ay kaagad niya itong itinulak sa dibdib.
He released her, but reached for her face. Pero nag-iwas siya ng tingin.
"Pack your stuff. I'll have Rosela check you out, then I'll drive you home."
"Maghihintay lang ako dito. Tatawag pa sakin ang mga kidnappers." Nakaupo lang siya sa gilid ng kama at hindi nilubayan ng titig ang telepono.
"Gwen, wala namang mga kidnappers."
"It's the only reasonable explanation. Makikita mo rin, tatawag sila sakin at manghihingi ng ransom."
"You're in shock, you're upset. I understand."
"Wag mong isipin na matigas ang ulo ko Russ, pero salamat at naintindihan mo ako."
"Matigas nga ang ulo mo eh," paangil nito. "Hindi ko nalang sana hinayaan na makasal ka sa kanya."
"That's a ridiculous thing to say, Russ. Hindi mo naman ako mapipigilan eh, at wala kang karapatan na pigilan ako."
Nagmamarunong pa ang playboy na ito, sa isip niya. Pero ngayon lang yata niya nakita ang galit sa mukha ni Russel. Marahil biktima rin kasi ito ng mga kidnappers, paalala niya sa sarili. But still, she sensed that part of his anger was directed at her.
"Nong una palang kitang nakilala, I knew Ken was a liar and a jerk. Sa ginawa niyang ito sayo, napakalupit niya. Hindi siya deserving sa mga pag-alala mo."
Napapitlag siya sa mga sinabi ni Russ. "How dare you?"
"Alam mo ba na one month ago, may ka double date kaming mga model ni Kenny and then we f**k them afterwards. Pero ni minsan hindi nabanggit ni Kenny na engaged na kayo. I didn't know na may girlfriend na pala siya until sinabi niya sakin na dito gaganapin ang kasalan ninyo."
"Sinungaling ka."
"Five days ago, ipinagtapat din niya sakin na marriage of convenience lang pala ang kasalanan ninyo. Na ikaw mismo ang nagproposed sa kanya na magpakasal kayong dalawa."
Nababalot na ng luha ang kanyang mga mata, at hindi niya alam kung bakit sinabi ni Russ ang lahat ng natuklasan nito sa kanya. But all she could do was to stare at him.
"Gusto mo ng pruweba? Ang babaeng nakadate lang naman niya ay isang sikat na supermodel sa labas. Ang sakin naman ay isang sikat na Venezuelan model. Pwede kitang bigyan ng number nila. Call them, dahil sa napag-alaman ko na palagi pa ring nakipagkita si Ken sa dalawang babae."
"Sinungaling ka talaga!" singhal niya.
"Ang sabi pa nga niya last week na ako lang daw muna ang bahala sayo habang nagbabakasyon ka dito sa hotel namin. Bored ka daw kasing kasama."
Tinakpan na lamang niya ang dalawang tenga upang hindi na niya marinig ang mga sasabihin pa ni Russ. "Sinungaling! Sinungaling ka!"
"Si Ken ang sinungaling Gwen, hindi ako. He lied to me and he lied to you. Kaya hindi ako naniniwalang kinidnap siya."
"Lumabas ka na. GET OUT!"
"I know I'm stepping way out of line here. Masakit man ang katotohanan, Gwen. Pero ang mas masakit kung ipagpatuloy mo ang iyong paniniwala na kinidnap nga si Kenny. He's not worth of your agony."
Nanginginig naman ang daliri niyang dumuduro sa pintuan. "GET OUT RIGHT NOW! Ang lupit mo." hagulgol niya. "I never want to speak to you again as long as I live."
"Gwen--"
"GET OUT!" ubod lakas na sigaw niya at naghahanap siya ng ipangbato kay Russ.
Walang nagawa si Russ kaya umalis na lamang siya kaysa naman mabukol pa siya.
Pasalampak naman na humiga sa kama si Gwen at nagtakip ng unan habang patuloy parin na umiiyak. Masamang bangungot lang ito, sabi niya sa sarili ng paulit-ulit. Masamang bangungot lang ito kaya any moment now ay kailangan na niyang magising.
-----
Nasa kanyang terasa lang si Russel at may malalim na iniisip. Nakatingin kasi siya sa kawalan. Alam niyang galit sa kanya ang lahat ng kapamilya niya. Lalo na ang kanyang ama na hanggang ngayon ay mas lalong nagagalit sa kanya, simula pa nong hindi siya nagtagumpay bilang isang PMAer. Ang kasundo naman niyang mga kapatid na babae at ang kanyang ina ay galit rin sa kanya. Oo, palagi silang nagtatalo ni Rihanna, pero ang dalawa pa niyang kapatid na babae ay kadalasan naman sa kanya pumapanig. But not this time. Siya yata ang sinisi sa lahat sa pagkawala ni Kenny.
Ang matinding galit naman sa kanya ni Gwen ay ang nagpasama ngayon sa kanyang pakiramdam. Sinabi lang naman niya ang totoo, pero siya pa tuloy ang mukhang masama sa paningin ni Gwen. Kaya wala siyang ginawa buong maghapon kundi magkulong sa kwarto at sinusuntok-suntok ang kanyang punching bag. Now, bored with self-recrimination, he figured it was time to straighten out this mess.
Unang habang: hihingi siya ng paumanhin kay Gwen.
Nasa harapan na siya sa suite ni Gwen, unang katok pa lang niya ay hindi kaagad siya nakakuha ng sagot mula sa loob. Iilang katok na ang kanyang nagawa pero wala pa ring sumasagot. Na hintakutan na siya na baka may ginawang masama sa sarili si Gwen. Nakahinga lang siya ng maluwag nang pagbuksan siya nito sa wakas after several knocks.
Bumungad sa kanya ang puyat na mukha at namamagang mata ni Gwen. He wanted to sweep her into his arms and hold her until she slept.
Inabot na niya sa babae ang dala niyang makapal na sandwich na siya mismo ang gumawa. "You must be hungry," aniya. "Roast beef and cheddar cheese ang laman ng sandwich. Makakabusog talaga yan."
"Ayaw kitang kausapin." nanginginig ang mga labi nito pero tinanggap pa rin naman ang dala niyang makain.
"Too late dahil kinausap mo na ako." nakangiting wika niya. "Narito ako para humingi ng tawad. Please Gwen, let me come in."
****