Sa pagpasok ni Russ, inilibot agad niya ang paningin sa loob ng kwarto. Bakit kaya ang dilim dito? Nakabayad naman sila sa Meralco ah. Kinapa niya ang switch at binuksan ang ilaw. Nang lumiwanag na sa loob ng kwarto, nakita niya ang nagkalat na crumpled tissue sa sahig. Pinulot niya isa-isa ito at itinapon sa basurahan.
"Ano na ang usap-usapan sa labas?"
"Wala naman." aniya at umupo sa sofa roon.
"Hindi ka dapat nandito. Baka mapag-usapan na naman tayo. Yon kasi ang inakala nila na kaya ako iniwan ni Kenny ng dahil sayo."
"Kainin mo na yang sandwich mo." aniya at pumasok siya sa banyo. Sa kanyang paglabas naabotan niya si Gwen na kinakain yong sandwich. Kung pwede lang pakiusapan niya ito na huwag ng malungkot, pero ayaw na niyang mangialam pa dahil baka mamasamain na naman ni Gwen. Alam niyang mahirap ngayon ang pinagdaanan nito, lalo na't walang paalam na iniwan ka ng taong mahal mo. Hindi niya tuloy ma imagine sa kanyang sarili iyon. Nainggit nga siya kay Kenny dahil may totoong babaeng nagmamahal nito, kahit hindi naman ito deserving sa pagmamahal ni Gwen.
He started a pot of hot water in the coffeemaker so Gwen could have some tea.
"Umalis ka na, Russ. Baka ano na naman ang sasabihin ng mga tao dito."
Napabusangot siya. "Who cares?"
"Kailangan kong panatiliing malinis ang reputasyon ko."
"Reputations are highly overrated. Mabuting tao ka Gwen, kaya walang makakasira sa reputasyon mo dahil wala naman tayong masamang ginagawa." aniya at napaluhod sa harapan ni Gwen. "Walang karapatan ang ibang tao na humusga sayo. Biktima lang din naman tayo. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoong nangyari, but I intend to find out." He stared until she looked at him. "Pasensya na sa mga nasabi ko. Nasobrahan yata ang pagka tactless ko, nahihiya tuloy ako sayo dahil nasaktan ko ang damdamin mo." Hinawakan naman niya ang tuhod ni Gwen. "Forgive me. Please."
Nakita niyang lumiwanag ang mukha ni Gwen sa sinabi niya. "You're quite..persistent."
"Yeah that's me. Mr. Persistence..So, friends na ulit tayo?"
Napatango ito.
Napatayo agad siya. "Good, ubosin mo na yang sandwich mo. I'll make you some tea."
"Inaamin ko na may tama nga sa sinabi mo. Hindi nga siguro kinidnap si Kenny."
"Bakit mo nasabi yan?"
"Dahil kung pera talaga ang kailangan ng mga kidnapper, sana kanina pa sila humingi. At kung environmental terrorists nga ang kumidnap kay Kenny, bakit hanggang ngayon hindi pa sila nagpaparamdam?" turan niya at binuksan ang TV. "Buong araw akong nanonood ng TV. Nagbabakasaling ibalita ang pagkawala ni Kenny. Pero wala. Kung sino man ang tumangay kay Ken--"
"Teka lang. Tinangay ba talaga si Kenny o kinidnap?"
"Pwede ba Russ, hindi ito oras ng biruan. Kung nag-aalinlangan si Kenny na magpakasal sakin, why did he show up in the first place? Bakit pinakasalan niya pa rin ako? Wala naman siyang ipinapakita na hint na ayaw niyang magpakasal sakin. He never expressed a single doubt or regret." at kinagat nito ang pinakahuling slice ng sandwich. "Ni minsan hindi ka rin niya nabanggit. Ibig sabihin, hindi ka niya pinagseselosan."
"Delayed reaction naman yata yan, Gwen."
"I believe somebody is trying to make it look as if Kenny left on his own."
"Pero bakit pati kotse mo ay nawala rin?"
"Actually, plano ko talagang ibigay sa kanya yon pagkatapos ng kasal. Ang totoo, pangalan nga niya ang naka rehistro non."
"Binili mo talaga yon para sa kanya?" Naningkit ang mga mata ni Russ sa nalalaman.
"Hindi na mahalaga yon..at kung talaga ngang kusang umalis si Kenny. Baka..baka may gustong manakit sa kanya o sakin kaya siya lumayo."
"At sino naman ang gustong manakit sayo?"
Her gazed evenly at him, at nakita niyang kinagat ni Gwen ang pang-ibabang labi nito, distracting him for a moment. Tuloy naalala niya kung gano ka tamis ang halik na kanilang napagsaluhan kaninang umaga. Last week pa lang niya inaasam-asam na mayakap at matikman ang mga labi nito..at buti nalang at nasa tamang pag-iisip pa siya dahil kung hindi, wala talagang kasalang magaganap sa pagitan nina Kenny at Gwen.
"Wealth creates enemies." diretsong tugon ni Gwen.
Her utter conviction baffled him. "Sino naman ang nagsabi sayo niyan?"
"People who know. All my life I've had to be cautious. The world is full of those who would harm me out of envy or greed."
Napakamot na lamang si Russ sa kanyang ulo. She made herself sound like a walking moneybag whose only redeeming quality was the size of her bank account. Napag-alaman rin niya mula rito na napaka overprotective pala ng parents nito sa kanya. Ni hindi raw ito papayagan ng parents na mag travel mag-isa sa ibang lugar. Kaya nga hindi niya maintindihan kung pano napapayag nito ang mga magulang na magpakasal sa isang lalaki na kagaya ni Ken.
He poured a cup of tea and added a packet of creamer and two sugars while he considered the idea of a complicated plot. Nararamdaman naman niyang parang kanina pang namamaga ang kanyang kaliwang braso, kaya tiningnan niya kung saang parte sa braso niya ang masakit. "Mukhang tama ka."
Biglang sambit niya na ikinalaki sa mga mata ni Gwen.
"Kabaliwanan man itong iniisip ko, but look at this." He pushed up his shirtsleeve on his left arm, high on his shoulder. "Hindi ko kasi yan lubos makita, so sabihin mo nalang sakin kung ano yan." turo niya sa parte ng braso na masakit.
Ang layo naman ng distansya sa kanya ni Gwen at parang umiwas nga ito na mahawakan ang balat niya. Sinuri lamang nito ang parte ng braso niya sa pamamagitan ng kanyang mga mata.
"May spot dito sa braso mo na parang kinagat ng bubuyog." at don pa lamang nito hinawakan ang braso niya. "Hindi pala parang kinagat. Kundi pasa talaga ito. Masakit ba?"
"Para akong iniksyonan ng flu shot." aniya saka binaba na niya ang sleeve. "Pagkagising ko kanina, nararamdaman ko na agad na may parte sa braso ko na masakit. Pero binalewala ko lamang yon dahil mas nangingibaw ang pagsakit ng aking ulo. Hindi naman ako masyadong uminom kagabi, so hindi ito hangover."
"Masakit ba ang mga mata mo?" kunot-noong tanong ni Gwen. "Na para bang tinusok-tusok ng karayom ang mga mata mo?"
"Exactly. I think I was drugged. Eh ikaw?"
Napapaisip bigla si Gwen.
"Nakabukas na ba yong bottle ng champagne na ininom ninyo kagabi?"
Hindi agad nakakibo si Gwen.
"Hindi ko na matandaan. Basta pagising ko kanina sumasakit rin ang mga mata ko at para akong nahihilo. Eh champagne lang naman yong ininom namin..at pagkatapos non wala na akong maalala."
Her complicated plot theory gained credibility. "It make sense to drug Ken. He's sloppy, but big. Baka nga nilagyan ng druga ang ininom naming champagne kagabi para madali lang nilang mabuhat si Kenny."
He agreed with her reasoning to a point.
"Tatawag ako ng pulis." saad pa ni Gwen.
"What for?"
"We have now evidence of a crime. Yong empty bottle ng champagne at yong pasa mo sa braso pwede na yang gawing ebidensya. Pwede rin tayong magpa blood tests kung meron bang isang druga na nakapasok sa ating sistema."
"Wala na tayong magagawa diyan."
He felt positive that he and
Gwen had been drugged. Ang hindi siya sigurado ay kay Kenny kung pati rin ba ang lalaki. "Wala akong alam tungkol sa modus ng mga kriminal na yan. Pero sa palagay ko, isang set-up itong nangyari satin."
"Teka lang." anito at kumuha si Gwen ng isang ballpen at papel.
"Taking notes?"
"Makakatulong ito upang makapag-isip ako."
"Okay, nakita ko pala kayo ni Ken kagabi na umalis sa reception mga bandang alas diyes na."
Isinulat naman iyon ni Gwen.
"Ang huling guests ninyo na nakita kong pumasok mga nine forty-five na. Isang babae at isang lalaki."
"Si Deserie Herrera yon yong sikat na reporter at saka yong photographer niya. Sila kasi yong huling dumating. Sila rin yong inaayawan ni Kenny dahil ayaw nga nito ng publicity. Don nag walked out si Kenny at kaagad ko siyang sinundan."
Nagtaka siya kung bakit ang isang kagaya ni Ken na palaging gustong magpapansin ay umiwas sa isang publicity. "Yong mga huling bisita mo ay umalis sila mga eleven forty-five na rin. After nong sinasabi mong reporter at photographer, wala ng iba pang dumating sa reception. At walang umalis na guest mo unless Stephen and I brought their car around."
"Baka sobrang ingat ng mga kidnappers kaya hindi sila ninyo nakita na dumating."
Nakatitig lang siya sa mukha ni Gwen habang nagsasalita ito. Kung pwede lang niyang mapawi ang dinaramdam ng babae ngayon sa pamamagitan ng kanyang halik at yakap ay gagawin niya.
"Pwede rin."
"Sigurado ka ba talaga sa oras na sinasabi ni Stehen tungkol don sa taong nakita niya na may dala-dalang malaking bagahe?"
Napatango lang siya.
"Sigurado rin ako na si Kenny at ako had been drugged, para ng sa ganon hindi kami makapanlaban."
"At bakit ako idinamay pa nila? Hinubaran nila ako at pinatabi sa pagtulog mo. Besides, kidnapping is a major crime. If I were a kidnapper, gusto ko na agad makalayo sa lugar at hindi na ako mag-abala pa na mag set-up ng ibang tao."
Nakita niyang namumula si Gwen sa sinasabi niya, pero wala pa rin itong kibo.
Nakuha naman niya kung ano ang ikinapula sa mukha ng babae, kaya nangako siya sa sarili na hindi na niya muling babanggitin pa kay Gwen ang kanilang bed incident.
Itinabi na ni Gwen ang kanyang ballpen at papel. Kaya napagpasyahan na lamang ni Russ na sumang-ayon nalang sa pinaniniwalaan ng babae kung ito man ang makapagpaligaya sa kanya. But he knew Ken was a liar and he knew kidnappers would never bother with taking luggage. "Maghanda ka, dahil hahanapin natin si Kenny."
Hindi agad nakapag react si Gwen. Napakurap-kurap lang ito.
"Wag mo akong tingnan na para akong nasisiraan. Gusto ko lang malaman ang katotohanan at gusto kong ako ang tumuklas non. Kaya it's time for action."
"Pero pano nga kung may nagaganap ngang kidnapping? Baka sila nanahimik sa ngayon, para ng sa ganon hindi kaagad ako makatawag sa mga awtoridad."
Pinagkrus ni Russ ang kanyang mga braso.
"I can't take the chance, Russ. Please wag ka nalang magalit sakin kung yan talaga ang pinaniniwalaan ko."
"Kung matalino nga yong mga kidnapper, kinuha na nila yong home number mo..teka hindi mo ba tinanong ang parents mo kung may tumawag na ba sa inyo?"
She glanced between him and the telephone, her delicate face shows a conflicting emotions.
Tiningnan naman ni Russ ang kanyang relong pambisig. "Okay, let's give them until noon tomorrow. Kung wala pa ring tatawag sayo, we assume something is going on that doesn't involve ransom. Nakatawag ka na ba sa inyo?"
"Oo, pero walang sumasagot. Tinawagan ko rin pati ang opisina ni Kenny, pero voice mail lang ang sumasagot."
"May nalaman ka bang nakahidwaan ni Kenny?"
"Anong klaseng hidwaan yan?"
Consideng how Kenny had cheated on Gwen and the lies he'd told, Russ figured either woman trouble or business trouble. "Ikaw yang nag-isip na kinidnap si Kenny. Alam mo ba kung sino ang mga nakahidwaan niya?"
"Hindi ko alam, I don't even know his friends." ani Gwen at napapahilot ito sa kanyang sentido. "Nalilito na talaga ako. Sa totoo lang, konti lang talaga ang alam ko tungkol sa kanya." nanginginig na sambit nito habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. "I don't know if I should be angry, afraid, or just very, very ashamed of myself."
*****