Ang tunog ng telepono ay ang nagpagulantang kay Gwen mula sa kanyang mahimbing na pagtulog. Nakatulog nalang kasi siya sa kakaiyak. Tumunog ulit ang telepono at nanalangin muna siya na si Kenny ang tumawag bago niya sinagot ang telepono. "Hello? Hello? Sino to?"
"Nasaan na ang manloloko?"
Boses ng babae ang nasa kabilang linya. Tiningnan naman ni Gwen ang wall clock. It was past two o'clock in the morning. "Pardon me?"
"Where is he? We had a deal. Hindi pwedeng lokohin na naman niya ako ngayon. Hindi na yon patas. Ang gusto ko lang ay ang mabawi ang pera ko."
Napakurap-kurap si Gwen. "Ang tinutukoy mo ba ay si Kenny? Ikaw ba ang kidnapper ng asawa ko?"
Nanahimik ang kabilang linya at ang tanging naririnig lamang niya ang background noise nito, kaya tuloy akala ni Gwen na nanaginip lang siguro siya. Napatuwid naman siya ng upo at nilibot niya ang mga mata sa paligid. Nasa hotel suite pa rin siya. So napatanto niya na hindi talaga ito isang panaginip.
"Hello? Are you still there?"
"Look, ibigay niyo nalang sakin ang check, okay? Nangako kasi siya. Na hindi ko siya sasaktan kapag naibigay na niya ang pera. Ibalik niyo lang sakin ang pera ko!"
Nababaliw na ba ang babaeng ito o lasing lang? Pero gayunpaman patuloy pa rin niyang pinakinggan ang patutsada ng babae sa kabilang linya. "Manloloko at magnanakaw siya." ngayon napatanto na ni Gwen na ang tunog ng background ng babae ay parang nasa isang bar.
Mas lalo tuloy siyang nagugulohan. Isang lasenggera ba ang kidnapper? o na wrong number lang ito? Panic tightened her chest.
"Look," pilit niyang kinalma ang boses. "Pakawalan mo lang ang asawa ko at ibibigay ko sayo ang perang hinihingi mo. Okay? Please, wag mo lang siyang sasaktan."
Tumawa lang ang babae sa kabilang linya. "Sabihin mo nalang ito sa kanya, sweetheart. You tell him I'm not quitting. He can't hide from me. Dahil hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya maibalik sakin ang pera ko. Papatayin ko talaga siya. Kuha mo?"
Panandalian namang napamaang si Gwen sa sinabi ng babae. "No! Please, wag mo siyang sasaktan."
"How about kung ikaw nalang kaya ang papatayin ko!" huling sabi ng babae saka ibinagsak ang telepono.
"Hello? Hello?"
Pero disconnected na talaga ang kabilang linya. She leapt from the bed and raced to the door where she double-check that the bolt and security latch were in place. Tas tinawagan niya ang front desk. Napag-alaman niya na dumaan pala yong tawag sa front desk bago na transfer ang call sa kanya. Hindi rin naman sinabi ng caller kung sino ito, basta nagpatransfer lang ito ng call sa kwarto niya. At dahil sa hindi niya alam ang gagawin, kaya tinawagan niya si Russ. He promised to be there in three minutes.
By the time he arrived, nakapagpalit na siya ng damit pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Russ grasped her by the shoulders.
"Hey, hey, hey, it's okay, you're safe here. Sabihin mo nalang sakin ang nangyari."
Sinabi niya kay Russel ang tungkol sa babaeng lasing na tumawag, at kung gaano ito ka upset to the point na pinagbantaan siya. "Ang sabi niya na ibalik daw namin ang pera niya. Gusto pa nga niya na bigyan ko siya ng cheke. Akala ko ba ang hihingin ng mga kidnappers ay cash."
Russ guided her to a chair and urged her to sit. "Hmm. Ken likes to gamble. Nong minsan nagkasabay kaming mag casino, he dropped a couple of grand in the slot machines."
"He's a respectable businessman." she said stiffly.
"Even businessmen can pick up bad habits." pahayag naman ni Russ.
Ayaw na naman niya ang talas ng dila ni Russ. "Hindi ako pinakasalan ni Kenny ng dahil sa mga utang niya. Besides, legitimate creditors do not call in the middle of night, and drunk from a bar."
"I didn't say legitimate creditors. Tatawag nalang siguro tayo ng pulis."
"Wag!" She reached out a hand to stop him. If Kenny was in debt, hindi na kailangang ma involve pa dito ang mga pulis. "Wait. I don't have anything to tell the police. Hindi ko kilala ang tumawag. It could have been a prank call. Baka tatawag siya ulit, and we can find out more. Ayaw ko ng makaharap ang mga pulis kung ang sasabihin lang nila ay kusang umalis si Kenny."
Pinagkrus ulit ni Russ ang kanyang mga braso at nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "All right, we'll wait."
Kahit pilit mang linabanan ni Gwen ang kanyang antok dahil baka tumawag pa ulit yong caller, pero hindi niya nagawa dahil nagising nalang siya na umaga na.
"Breakfast is here." sabi ni Russ.
"Tumawag ba ulit yong babae?" untag niya kay Russ at agad siyang bumaba sa kama.
"Hindi. Kumain ka na. I ordered breakfast."
Walang siyang gana. A woman in her state shouldn't be thinking about food, pero nakita niyang napakasarap ng breakfast na hinanda sa kanya ni Russ. The sight and smell made her mouth water and her belly grumple. Tas may kalakip pang isang pulang rosas sa gilid.
"I suppose it was a prank caller." aniya pa at sinimulan na niyang kainin ang breakfast na binigay sa kanya ni Russ.
Kakatapos lang niyang kumain ng may biglang kumatok sa pintuan. Naisip kaagad niya na baka mga pulis yon o di kaya yong babaeng tumawag sa kanya sa madaling araw.
"Ako na ang magbubukas." sabi ni Russ.
Be brave, matatapang ang mga Lacsamana, ani Gwen sa sarili. Baka may balita na ang mga pulis tungkol kay Kenny.
Samantalang binuksan na ni Russ ang kumakatok. Si Rihanna pala. Pinapasok siya ni Gwen. Tuloy naiilang si Gwen sa sarili dahil kahapon pa siya walang ayos sa sarili kumpara ni Rihanna na napaka blooming nito tingnan.
Napameywang naman si Rihanna pagkapasok nito at matalim na tinitigan ang kapatid. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?"
Napangisi lang naman si Russ. "May lininaw lang ako kay Gwen, eh ikaw?"
"I have some business to discuss with Gwen."
He crossed his arms and smiled. Si Gwen naman ay hindi mapalagay dahil baka ano na naman ang iisipin ng kapatid ni Russ. Kung ibang tao kasi ang makakakita sa mga ayos nila ay para silang gumagawa ng milagro. Pareho sila ni Russ na magulo ang mga buhok na parang kagigising lang, at ang kama niya ay hindi pa rin naaayos simula pa kahapon. Tapos may breakfast for two pa, kaya nga it looked exactly like a sleazy affair.
Tinapik naman ni Gwen ang balikat ni Rihanna para makuha nito ang atensyon. She nodded at the folder Rihanna held tucked under one arm. "Ano yong gusto mong e-discuss sakin, Rihanna?"
"It's better if you split, Russ." malumanay na saad ni Rihanna.
Mas lalo namang nadagdagan ang paghihinala ni Rihanna ng makita nito si Russ na half-open ang zipper ng pantalon nito.
Napatuwid ng tayo si Gwen at kalmado pa ring hinarap ang kapatid ni Russ.
"Please, finish your breakfast, Russ," aniya ng balingan ang lalaki. "Miss Del Valle, please state your business."
Nanlaki ang mga mata ni Rihanna sa turan ni Gwen. Nagkatitigan naman ang dalawang babae.
"Well..I know this is a bad time and you're feeling awful, but I've got a problem here. I apologize for having to bring this up." Binuksan na ni Rihanna ang dala nitong folder na naglalaman ng check. "Yong pinangbayad mo samin na check ay nag bounced."
Napapailing lang si Gwen. "I've never bounced a check in my life. There must be a mistake."
Rihanna handed her the check, may nakatatak nga sa bangko na insufficient funds. Ito kasi yong checke na pinangbayad niya sa whole wedding arrangement. Nagugulohan naman si Gwen kung bakit nangyari ang lahat ng ito. She'd maintained this checking account for twelve years and had never even incurred a service charged for allowing her balance to dip below five hundred thousand. She had overdraft protection, too, by keeping a savings account with the same bank.
"Nakakahiya naman sa inyo, I don't quite know what to say." ani Gwen.
"Your credit card was refused as well. I know the timing is terrible. Maybe it's a mix-up because of the wedding and everything."
"Imposible to." napapailing siya habang tinitigan ang nakatatak na "insufficient fund" sa check. "I'm very careful with my checking account." Kinuha niya ang kanyang checkbook and credit-card log. Her father had disliked credit cards, calling them funding for fools. So she kept one only for emergencies and always paid any bills in full as soon as she received them. Inisip naman niya kung kailan ang huling beses niyang gumamit ng credit card. Last month pa yata yon.
"Hey come on, Rihanna, hindi naman yan big deal. You know Gwen is good for it." Napatayong saad ni Russ.
"Stay out of this." his sister snapped.
"I will call my accountant immediately." turan ni Gwen. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa checking account ko, but I promise you, I will straighten out this matter before close of business today."
Napakunot-noo naman si Rihanna. "I'll have to ask for a money order or cash. It's our policy."
"Rihanna, pwede bang--"
Nag-init man ang pisngi ni Gwen sa sinabi ni Rihanna, dahil sobrang na humiliate na talaga siya sa kanyang sitwasyon, but then to be defended like a foolish child was more than she could bear. Kaya niya pinutol kaagad ang sasabihin pa sana ni Russ. "Naiintindihan ko."
"I'll leave the check and the bills here. Give me a call when you find out what the problem is." huling saad ni Rihanna bago ito lumabas sa kanyang suite.
Napatalon naman siya nang muling magsalita si Russ. "I won't let her get away talking to you like that." anito at napakuyom ito sa kanyang kamao.
"Ginawa lang niya ang trabaho niya Russ. Tatawagan ko muna ang aking accountant."
"Trabaho niya? Eh mas higit pa nga siya sa isang jail guard. Pababalikin ko siya at pahihingiin ko siya sayo ng tawad."
"My check bounced." she said slowly with emphasis. "Kaya karapatan niyang singilin ako sa aking pambayad."
"Eh kung makapagsalita kasi siya parang katapusan na ng mundo. Na para bang wala kang ipambabayad."
"I have never bounced a check in my life. At hindi ko ma imagine kung bakit nangyari to. This is humiliating."
Russ leaned on the back of a chair. "Alam kong sobrang stress ka ngayon, but bounced check are no big deal."
Hanggang ngayon lutang pa rin si Gwen dahil hindi siya makapaniwala na nag bounced ang kanyang pinambayad na check. Kailangan na talaga niyang matawagan ang kanyang accountant.
Gregoria Velez answered and as soon as Gwen identified herself, Gregoria exclaimed, "Gwen! How is our happy bride today? Talagang masaya ako para sayo. May gift pala ako sa inyo ni Kenny. I know I should have given it to you before, but I had to special-order it and it only arrived this morning. Kumusta ang--"
Pinutol ni Gwen ang sasabihin pa sana ng accountant. "May problema ako."
"Oh! I'm sorry. Anong maitutulong ko sayo?"
Nilamon na lamang ni Gwen ang kahihiyan at ipinagtapat niya sa accountant ang tungkol sa bounced check. Bigla namang nanahimik ang kabilang linya.
"Gregoria?"
"I don't see how this happened. Tatawagan ko nalang ang bangko ngayon din." tas panandaliang napa hang-up ito. "Gwen, can you put the bills on your credit card?"
"It's been refused."
"My God! Pero wag kang mag-alala, Gwen. Once I finish with those idiots at the bank, they'll wish they'd never been born. Ibigay mo nalang sakin ang phone number mo diyan. I promise to get back to you in fifteen minutes."
Napanatag ang loob ni Gwen dahil sa sinabi ni Gregoria, kaya binigyan niya ito sa phone number ng resort at room number niya. Matapos niyang ibaba ang telepono, parang nawala ang lahat ng tensyon sa kanyang katawan. Gregoria had been her father's accountant and now she handled Gwen's books. Gusto rin niya ang ugali ng accountant dahil competent ito at efficient. Magaling din ito sa computer.
Bigla namang napatanong si Russ. "May access ba si Kenny sa checking account mo?"
Pero parang walang narinig si Gwen at nakatutok lang ang kanyang paningin sa telepono.
"Gwen?"
"Syempre, wala. Kahit pa siguro alam nito, hindi naman siguro pakialaman ni Kenny yon ng walang pahintulot sakin. Honestly Russ, para bang siya ang inaakusahan mo. Pero di bale malalaman natin yan matapos e traced yon ni Gregoria sa loob ng fifteen minutes."
Hindi nalang niya sinabi kay Russ ang buong katotohanan. Na alam ni Kenny ang kanyang checking account nong na short ito sa kanyang cash.
Napabalik lang siya sa kanyang presensya nang tumabi sa pag-upo sa kanya si Russ. "Anong iniisip mo ngayon?"
"Wala." agad na sagot niya.
"Inisip mo noh, kung may access ba talaga si Kenny sa iyong checking account. Tama ako, di ba?"
Binuksan niya ang kanyang checkbook at itinuro niya ang kanyang pangalan na naka imprinta sa cheke. "Ang napagkasunduan namin ni Kenny na kahit kasal na kami dapat magkahiwalay pa rin ang mga account namin. Hindi naman siguro siya magka interes sa pera ko dahil mayaman rin siya."
"Okay, fine. Sagotin mo nalang itong huli kong katanongan at manahimik na ako."
"Ayoko pang sumagot ng mga katanongan ngayon."
Napalis naman ang ngiti sa mga labi ni Russ. She leaned to the side, away from him.
"Bakit ibibigay mo sa kanya ang bago mong bili na kotse?"
"What?"
"Yong bagong bili mo na BMW. It's a nice set of wheels. Fully loaded. Magkano ba ang bili mo non? Kung may pera pa si Kenny na pambili ng kotse, bakit bibigyan mo siya?"
"Wedding gift ko sa kanya. At wala ka ng pakialam don."
"Whether you like it or not, may pakialam ako sayo, Gwen."
Hinawakan naman ni Russ ang baba ni Gwen. "Ideya niya ang regalohan mo siya ng kotse, right?"
Tumaas naman bigla ang dugo ni Gwen dahil sa pahayag ni Russ. Though she wanted to move, desperately needed to move, but all she could do was to stare into his eyes as he carressed her chin and cheek.
Hindi naman niya nagustohan ang mga sinabi sa kanya ng lalaki kung kaya't sinampal niya ito. "Don't you dare imply that he deserted me. Mabuting tao si Kenny. Mahal ko siya kaya he'd never do anything to hurt me."
"Ikaw lang ang palaging nagsasabi na mahal mo siya, ikaw ba ay minahal rin niya?"
"Siya ang perpektong lalaki para sakin. Our family attorney checked his credentials most thoroughly, gaya ng payo sakin ni dad."
"Sigurado ka bang aprobado talaga siya ng daddy mo?"
"Dad said that the world is full of predators who only want to take advantage of me. Kaya piliin ko daw ang isang lalaki na hindi oportunista. Kenny doesn't need my money dahil mayaman na siya kaya alam kong hindi siya oportunista."
Cocking his head one way, he stroked his chin, then tilted his head in the other direction. His eyes narrowed contemplatively. "Yan ba ang pinaniniwalaan mo sa kanya?"
"Yes, and besides money is my only attractive asset."
"I don't know where you got the idea that money is your only attractive asset, but it's nuts." ani Russ, then he tucked her hair behind her ear. "The truth is you're beautiful."
Gustohin man ni Gwen na maniwala kay Russ pero alam niyang nambobola lang ito.
Ang biglang pagtunog ng telepono ay ang nagpagulantang sa kanila. Tinakbo agad ito ni Gwen. Pero malas niya dahil nadulas siya. Agad naman siyang inalalayan ni Russ na makatayo, pero tinabig niya ang kamay nito saka inabot ang handset. "Hello?"
"Gwen?" anang boses ng kanyang accountant.
"Gregoria, ako to. Nakita mo na ba kung anong problema?"
"Hindi ko alam kung pano to sabihin sayo, Gwen. Imposible talaga."
Parang nanindig naman ang lahat ng balahibo sa katawan ni Gwen kahit sa maikling pahayag ni Gregoria. Bigla siyang nanginginig at hindi maintindihan ang pakiramdam. "Huminahon ka muna, Gregoria...Okay, sabihin mo na kung ano ba talaga ang problema sa account ko?"
"Wala na, Gwen. Nawala na ang lahat ng pera mo. Ang checking, ang savings, trust fund at credit line mo. Ang lahat ng iyon ay...wala na."
*****