Veronica Wala na bang mas ibo-bored pa ang araw ko? Bukod sa panonood ng tv at pagkain, wala na akong ibang magawa. Halos malibot at makalikot ko na rin ang mga gamit sa bawat sulok ng kwarto. Tapos wala pa ‘kong ibang kasama dito, ayos lang sanay naman na talaga akong mag-isa. Pero hindi ako sanay ma-bored! Tss. Napalingon ako sa phone ko nang mag-ring ito. Ano na naman kayang kailangan sa’kin ng makulit na ‘to? “Oh?” walang gana kong tanong. “Grabe, sobrang ganda ng mood mo ngayon, Love. Nakakatanggal ng excitement.” He sarcastically said. I rolled my eyes kahit hindi naman niya ako nakikita. “May kailangan ka ba?” “Magpapaalam lang sana ‘ko hehe.” “Okay, bye.” “Love naman eh!” I chuckled. “Ano ba kasi ‘yun?” “I have something important to

