Suzy “Waaah finally! Fresh air!” Alexa said habang nakataas ang magkabilang kamay sa ere. “First time?” pang-aasar naman sa kanya ni Alice kaya napanguso siya. “Whatever, bitch.” Nag-aasaran sila sa gilid ko habang ako ay tinatanaw ang malalakas na alon ng dagat. Lumapit ako sa alon at hinayaang mabasa ang mga paa ko. Hayy. Mas masaya siguro kung nandito ang masungit na ‘yun, kahit na kill joy ‘yun mas enjoy kung kumpleto kami. Pero naalala kong hindi nga pala kami pumunta dito para mag-enjoy lang. Naramdaman kong may braso na umakbay sa balikat ko. “Let’s go?” tumango lang ako kay Adrian at sabay kaming naglaad patungo sa Villa. Napapaligiran ng puno ang harap ng villa na nakakatulong para makapag-relax kami. Sabay-sabay kaming pumasok lahat dala ang mga gami

