Mukhang tinotoo nga ni Kuya ang sinabi niya dahil madalas na kaming nagkaka-usap ni Lucas sa school. Well, hindi naman ganun kadalas pero at least nag-improve unlike noon na maski sulyap hindi niya ako napapansin. Hindi ko alam kung paanong napapayag niya si Lucas na makipag-mabutihan—naks! Move on to the next level na talaga hihi. As I was saying, hindi ko alam kung anong magic word ang sinabi ni Kuya at nagawa akong pansinin ng nag-iisang Lucas. I mean, sino ba naman ako? Wala pa ko sa dumi ng kuko ng mga fans niya, tapos ako palang ang nagtagumpay na makapasok sa buhay niya. Eeeeh! Keleg nemen se eke! “Bakit nangingiti ka diyan?” mabilis akong napalingon kay Lucas na nagtatakang nakatingin sakin. Baka iniisip niyang nababaliw na ko dahil ngumingiti akong mag-isa. Nakakabaliw naman tal

