“Bakit hindi mo ko tinulungan?” tanong ko kay kuya. Oo masaya akong tinulungan at napansin na ako ng crush ko, pero masakit pa rin sa loob ko nung makitang wala man lang ginawa ang sarili kong kapatid. “Ayaw mong malaman ng iba na magkapatid tayo ‘di ba?” hindi man lang niya ako nagawang lingunin dahil abala siya sa paglalaro ng lecheng video game na ‘yun habang nakatutok sa TV. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “But still, sobra na ang ginawa nila sakin, sana naman nagkaroon ka man lang ng pake.” I almost murmured. Napayuko ako nang lumingon siya sakin upang hindi niya mapansin ang nagbabadya kong luha. “Buti pa si Lucas, nagawa niya kong ipagtanggol.” I pouted. He breathed heavily. “Hindi sa lahat ng oras pupunta kami para ipagtanggol ka, bakit hindi kasi mo turuang l

