Veronica Halos ilang oras ang inabot ng biyahe pero nakuha ko pa rin siyang sundan sa kabila ng layo na narating namin. Sa tingin ko ay nasa isang probinsiya kami, mamaya ko nalang titingnan sa Waze kapag uuwi na ako. Hindi naman ako magtatagal, gusto ko lang talagang malaman kung sino ang taong tinutukoy niya. Bigla kong tinapakan ang brake nang makitang huminto ang sakay niyang kotse hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Dito na ba? Pinatay ko agad ang headlights ng kotse ko nang makitang lumabas siya ng sasakyan. Mabilis kong pinatay ang makina at lumabas rin ng sasakyan para sundan siya. Umikot ang tingin ko sa paligid at halos lahat ng kabahayan sa paligid ay nakapatay na ang ilaw pero may iilan pa rin na may liwanag pa, malalim na rin kasi ang gabi. Sumunod ako sa direks

