Veronica Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakadukdok lang sa manibela ng kotse ko. Nasa tapat na ako ng bahay ko pero wala pa rin akong balak na lumabas. Nakatulala lang ako sa kawalan, pakiramdam ko namanhid na ang katawan ko sakit. I felt empty. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago dahan-dahang inangat ang ulo. Kinuha ko ang phone ko at pangalan agad ni Lucas ang hinanap ko sa contacts ko. Hindi pa niya pwedeng malaman lahat, gusto ko ako mismo ang magsasabi sa kanya para makita ko kung paano siya masaktan, tulad ng ginawa niya sa’kin noon. “H-Hello?” napapaos ang boses ko dahil sa sobrang pag-iyak. “Why is your voice like that? Are you crying?” “Pwede mo ba akong puntahan? I-I need you right now.” Nanginig ang boses ko. Hindi siya agad nakasagot

