Chapter 21 Yuka's Point of View Pangsampung beses na yatang nag-ring hindi pa din niya sinasagot. Malamang galit nanaman yun. Halata naman sa dami nyang text at missed calls sakin. *sigh* Mamaya pa namang 3pm ang last subject ko kaya nandito ako ngayon sa rooftop at tinatawagan si Daryl. And after ng ilang butil ng alikabok na nalanghap ko dito, sa wakas sumagot na siya! (What?) Walang gana niyang bungad sakin mula sa kabilang linya. "Ba't ang tagal mong sumagot? *pout*" tanong ko sa kanya. "Nothing." Ayan ganyan 'yan pag nagtatampo. Limitado lang sa isang salita ang sagot. "Where are you?" (Why?) I rolled my eyes. Kailangan pa bang itanong kung bakit? "Basta nasan ka ba kasi? Siguro nambababae ka noh?!" (Tss.) Naiimagine ko tuloy ang pag-irap niya. "Daryl naman eh. Nasan k

