Yuka's Point of View Pagdating ko sa classroom halos nasa loob na lahat ng kaklase ko. Nakita kong nakaupo na din si Prince dun sa tabi ng chair ko pero naka-ubob yung mukha nya sa desk. Puyat lang? Naupo na din ako. Haay nakakainip naman ng wala si Bessy. Parang 'di na ko sanay ng walang kumakausap sakin dito. Kinuha ko na lang sa bag ko yung notebook at ballpen ko. Doodle doodle din 'pag bored. Dinrawing ko yung asar na mukha ni Daryl. Grabe ang dami kong tawa. Hirap magpigil baka mapagkamalan akong baliw. May talent pala ko sa pag guhit? Kinuha ko naman yung cellphone ko at pinicturan tapos SINEND ko kay Daryl! Hahahahahha Dennis's Point of View "F*ck! I don't know how did that happen!" inis na reklamo ni King. Pabagsak siyang umupo sa table nya habang kami nakaupo sa may living

