Chapter 23 Third Person's Point of View "DARYL!!" Halos mapatid ang ugat sa leeg na sigaw ni Yuka sa kanya. Pero wala na. Nakaalis na ito. Laglag balikat na bumalik na lang ang dalaga sa Taxi habang patuloy sa pagkawala ang mahihinang hikbi nito. Pinahid niya ang kanyang mga luha bago lumabas ng taxi at dumiretso sa attic. Wala na naman ni isang tao sa bahay nila kaya mas naging madali sa kanya ang makapagpahinga ng maaga. Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan ang binata. *riing riing~~ riiiing riiiing~~* 'The number you have dialled is out of coverage area please try your call later' Pero hindi pa rin ito sumuko kahit sampung beses na niya itong paulit ulit na tinatawagan at kahit alam niyang patuloy lang din itong binabalewala ni King. Hanggang sa napapapikit na s

