Chapter 3

2191 Words
Third Person's POV "Grabe Tricia! Bugbog sarado daw si Vince kahapon! Si King daw ang hinamon kaya ayun 50-50! Ang yabang kasi buti nga sa kanya! Pasalamat siya sa tatay niyang mafia at walang nagtatangkang galawin siya." "Tama ka dyan girl! Oh my gosh! Lalo tuloy akong nalulunod sa pagmamahal kay King! Gwapo, mayaman, malakas, sikat at SUPER HOT! San ka pa? Package deal ang dating!" Kasalukuyang nagchichismisan ang mga kaklase ni Yuka habang kinikilig na para bang wala ng bukas. Kalat na kalat na kasi ngayon sa buong Shinhwa Academy ang malagim na sinapit ni Vince Pascual. Leader ng Black Night g**g. Ayon sa balita na kumakalat ay comatose daw ito ngayon kaya kinailangan pa syang dalhin sa ibang bansa para ipagamot. Hindi daw kasi sapat ang kakayahan at gamit ng mga doktor dito sa Pilipinas para sa kasalukuyang lagay ng kondisyon nya. Isang Underground battle ang biglaang naganap kagabi dahil biglaan din ang paghahamon ni Vince kay King Daryl Smith. Ang leader ng pinaka kinatatakutang Gang....na Bloodshed g**g. Habang nagchichismisan ang halos lahat ng estudyante ay sobrang gulat at kaba naman ang nararamdaman ngayon ni Yuka. Alam naman nya na leader ng Bloodshed g**g ang kanyang pinakamamahal pero gayun pa man ay hindi pa din sya mapakali sa tuwing humaharap ito sa pakikipaglaban. Nag-aalala sya dahil baka may malalang naging pinsala sa katawan si Daryl. Hindi maipaliwanag ang takot na nararamdaman nya ngayon kaya lumabas sya at paulit ulit itong tinawagan kahit walang sumasagot. Sa ngayon ay eala na siyang pakialam kung ma-late man sya o hindi na makapasok pa sa first subject nila. Hindi naman napansin ng mga kaklase niya ang kanyang paglabas dahil abala pa din ang lahat sa pagkukwentuhan. *ring ring ring ring* "Pls. Daryl sumagot ka." pabalik balik siya ng lakad kaliwa't kanan habang nakatapat pa din ang cellphone sa tenga niya at umaasang may sumagot sa kabilang linya. Naka apat na ring na at hindi pa din nito sinasagot. Lalong dumoble ang kaba niya. Dahil sa mukhang wakang patutunguhan ang kanyang pagtawag, nag send na lang siya ng sms. To: Hubby >> Sinubukan kong pumunta sa hideout nila. Wala naman akong nadatnan. Pagpasok ko sa loob ni isa sa kanila wala akong nakita. Nakakainis naman! Bahala sya di ko sya kakausapin! Hmph. Umuwi na lang ako sa bahay. 7pm na siguro nang makauwi ako. "Bakit ngayon ka lang ha?! Umpisahan mo na yung assignment ko! Aalis ako. " inihagis sakin ni Tricia yung limang notebook tsaka umalis. Ang dami pa naman naming assignments ngayon. "Hep hep! yung akin din." sabay bato din sakin ni Trixie nung kanya. Tumama tuloy sa ulo ko yung dulo ng notebook at DUMUGO! Woah!!! takot ako sa dugo! Tumakbo na na lang ako papunta sa lababo ng nakapikit para di ko makita yung dugo at dali daling hinugasan yung sugat. Ang hapdi! Huhuhuhuhuh. Kumuha na lang ako ng band-aid. Buti na lang meron pa sa first aid kit. Pagkatapos kong gamutin ang sugat ko ay tinignan ko na 'yung mga assignments ng mga kapatid ko na kailangan kong tapusin. Para akong sinintensyahan. Pano ko na magagawa yung akin neto?? Haayy bahala na nga. Sinimulan ko ng gawin yung sa kanila. Huli na yung akin. after 5316517356482 decades..... TAPOS NA.. . . . 'yung assignments nila. Yung akin wala pang nagagalaw. Hindi naman kasi pwedeng pare-pareho kami ng sagot kundi patay kami este AKO LANG PALA. Tumingin ako sa orasan at 3am na!!! Omo! Kaya pala pumipikit na 'din ang mga mata ko. Natulog na lang ako. Bukas ko na lang gagawin yung akin. Kinabukasan Halos dalawang oras lang tulog ko kasi gumising ako ng 5am. Naligo at ginawa lahat ng rituals ko every morning. 6am umalis na 'ko ng bahay. Tulog pa silang lahat. Iniwan ko na lang sa lamesa yung mga assignments nila. Ang aga kong umalis at pumunta sa may malapit na park sa school. Bahala na mamaya kung mapagalitan ako ni Auntie kasi di ako naglinis. Umupo ako sa may damuhan at sinimulan ng sagutan ang aking mga assignments. Natapos ko na yung sa Math, Filipino, English, at T.L.E. YUNG SCIENCE HINDI PA!! Kailangan kasi namin mapagana itong instrument na ginawa namin. Binigyan kami ng mga materials na gagamitin at mali mali yata pagkakakabit ng mga wire nung akin!!! Huwah! Buti na lang hindi sakin pinagawa ng mga kapatid ko yung ganito nila!! Pero pano na to??!!! 7:30 na!! late na ko! Requirement pa naman sa Finals namin 'to!! Tumakbo na lang ako ng mabilis para makarating agad ng school. Time check 7:55 so I ran as fast as I can! Dire-diretso ako sa pagtakbo. Hindi na din ako nakapag preno kaya tuloy tuloy ang kong nabuksan ang pinto ng classroom kahit na ayaw umilaw ng Project ko. Bahala na si Batman. Pero napalakas yata pagbukas ko ng pinto. "S-sorry *hingal* po *hingal*" Dahil sa pagod ko eh nakayuko pa ko habang hinahabol ang hininga ko. Grabe hinihingal talaga ako. Pero ramdam ko ang titig sakin ng lahat. "MS. NAKASHIGE!!!!!! " oh my! Yung masungit na baklang si Mr. Far pala ang teacher namin ngayon! LAGOT NA KO NETO!!! "DON'T YOU DARE TO SHOUT AT HER!" Nagulat naman ako dun sa katabi ni Sir na sumigaw. Pagka-angat ko ng ulo ko. ANONG GINAGAWA NILA DITO?? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD