Yuka's POV
"Bakit ngayon ka lang? You are supposed to be here at 8am. It's now 11:05. 3 hours, 5 minutes, and 25 seconds late." he asked and reminded me like a scary and authoritative principal. He even raised an eyebrow and wait for my reasonable reason.
Patay...
"Na-late ako ng gising. Hehehe," naningkit ang mga mala-tsokolate, mapupungay, at mapang-akit niyang mata. Oh hindi! He's seducing me! Shems! Nadidistract ako sa pagpapalusot!
"Really?" paninigurado niya. Sa tono ng kanyang boses at sa titig niya, ipinahihiwatig niya sa konsensiya ko na wala bang halong kasinungalingan iyan, ineng?
White lies lang naman eh kaya 10x yata akong tumango. Napahawak tuloy ako sa ulo ko. Whew! Nahilo ako dun ah!
"Ouch! Para 'san yon?" reklamo kong tanong at napahawak ako sa bangs ko.
Ay! Wala pala akong bangs. Hehehe. Pinitik niya kasi ako sa noo. Pero mahina lang. OA much lang makapag-react.
"You sucks when you lie,"
Napakamot tuloy ako ng ulo. Pero wait! Wala po akong kuto ah! Mukhang pumalpak ang mumunti kong palusot. He's now looking at me impatiently. Oh my intelligent brain! I need your cooperation right here, right now!
I gulped and my heart beats four times fast of its normal circulation. Then suddenly my eyes started to make the first move for me.
*puppy eyes*
Unfortunately, he just looked at me in disbelief. "Don't use to me that secret weapon of yours, lady. Tell me what really happened." seryosong sabi niya. Napaka super fail ko talaga. Iyong mga kilay niya ay nagiging pretzel knots na. Iyong mga mata niya'y nagiging literal na umaapoy na tsokolate at unti unting natutunaw kaya umaagos na ito mula sa kanyang noo!
Okay. Tama na ang kabaliwan. May chocolate bang umaapoy at mula sa mata ay tumulo mula sa noo? Gutom lang talaga ako.
Huminga ako ng malalim. "Ganito kasi 'yan. Dapat kasi talaga kanina pa ako. Kaya lang pinaglinis pa ako ni Auntie kaya hindi ako nakapasok sa dalawa kong subject. Nagsabi naman ako na may exam ako kaya kung pwede mamaya na lang. Eh kaya lang di s---- oh my gosh!!" napatakip ako ng mabilis sa bibig ko at tumingin sa sahig.
Did I just tell him...EVERYTHING?!
Istupido, Yuka! Mismong bibig ko ay inunahan ako. Ang daldal talaga! Pag-angat ko ng ulo ko, huli na ang lahat para tumakas dahil nilalamon na ako ng mga kulay chestnut niyang mata. Teka nga! Kakasabi ko lang kanina na tsokolate, ngayon chestnut naman? Nagha-hang na yata ang utak ko. Pero kung sabagay magkakulay lang naman sila. Parehong brown.
"Auntie? May Auntie ka? And why did she do that? You're not a damn maid!" muli ay napakagat ako sa ibaba ng labi ko at napayuko. Hindi naman talaga ako maid. Pinalayas ni Auntie lahat ng kasama namin sa bahay nang bumalik si Daddy sa Japan. Pero may magagawa ba ako? May karapatan ba akong magreklamo at kontrahin siya? Wala.
Oo nga pala. Walang alam ang lalaking ito. Hindi niya alam. Wala siyang alam sa mga nangyayari sa'kin. At sa kinadaldalan na naman ng bibig ko, lumabas ang mga salitang hindi ko inaasahang masasabi at maipagtatapat ko sa kanya.
"Si Mama. Sabi nya kasi 'wag ko daw siyang tatawaging Mama kasi hindi naman daw niya ako anak. Sabagay totoo naman diba? Saka ayos lang iyon. Hindi naman ako masyadong napagod." ngumiti ako sa kanya at muling yumuko dahil ayokong makita niya na naiiyak ako. Napaka iyakin ko talaga nakakainis. May gamot ba para dito? Pero hindi bale na nga. Baka mahal. Nagtitipid ako eh.
Habang nakayuko ako naramdaman ko ang maiinit niyang palad na humahaplos sa likod ko. Ang dibdib niyang sinandalan ko. Kapag ginagawa nya 'to pakiramdam ko ay palagi akong ligtas. Wala akong nararamdamang kahit anong takot at lungkot. Nawawala lahat ng sama ng loob ko. Pakiramdam ko nga ay masyado na 'kong dependent sa kanya to the point na hindi ko kakayanin ang mawala siya sa tabi ko. Silang dalawa na lang ni Daddy ang meron ako. Ang dalawang kayamanang pinaka iingatan ko.
"Damn it, Coleen! How could you not tell me about your real situation?!" kahit na nakayakap ako sa kanya ay ramdam ko ang galit niya. Masaya ako kasi may taong nagmamalasakit at nagmamahal pa sa'kin ng ganito. Patuloy pa rin sya sa pagsasabi ng mga hindi ko maintindihang salita o mura. Lalo tuloy akong naiyak. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala siya sa tabi ko.
"Sshhh. Stop crying now, Wife. I'm really sorry I wasn't able to defend you,"
I shook my head. "Wag mong sabihin 'yan, Daryl. Kaya nga nananatili akong matatag dahil sa 'yo. I'm still lucky because I have you,"
He is my strength. He is the million reasons behind my smiles every second despite of the miserable life I have at home.
"My offer's still available," he suddenly blurted out in the middle of my wandering soul. Charot. I thought he already forgot about that. He offered me to live with him when he learned about Dad marrying again and I have to live with my new family, alone after the wedding.
"Alam mo namang kahit anong gawin ko hindi ko sila pwedeng layasan. They're still my family though they don't count me as one,"
It has been 2 years since he started bagging me about that matter and I kept on declining it. Hindi pa naman ako masyadong nahihirapan. Keri pa ng powers ko ang magtiis. Para sa Daddy ko na lang. Ayokong mag-away pa sila ng dahil lang sa'kin.
"Hindi ba pwedeng kahit minsan lang maging masama ka? We're totally opposite. Inangkin mo na yata lahat ng kabaitan sa mundo," aniya. He held my chin and made me face him.
"Smile now, my Wife. Pangako, simula ngayon bubugbugin ko ang sino mang manakit sa'yo tandaan mo 'yan," hinahaplos niya lang ang pisngi ko habang sinasabi iyon. "Gangster yata ang asawa mo."
Parang kanina lang ay nagugutom ako at nagwawala ang mga bulate ko sa tiyan. Ngayon, ay nagmistula ng nag pipyesta with matching fireworks display pa ang mga hindi ko mawaring insekto sa tiyan ko! Pakiramdam ko nag-iinit ang mga pisngi ko! Shems! Kinikilig yata ako!
"We're not married yet. At tsaka ang bata pa natin. Baliw ka talaga."
Tumingin ako sa sa side. Nahihiya kasi ako. Mukha na siguro akong makopa sa sobrang pink ng mukha ko.
"We don't need to get married para tawagin kitang asawa ko. Basta para sa'kin, you're my one and only wife. Mine only,"
"Tsk," napagaya tuloy ako sa trademark niya. Speechless ang lola niyo eh. He gently kissed me on the forehead and I was giggling literally like a minion.
"Wife, you're blushing,"
Shemay kalamay talaga 'tong lalaking to! Nahihiya na nga ako, ipinamukha pa niya sa harap ko.
"Hindi noh. Makopa cheeks lang talaga ako," depensa ko.
"My denial wife. Just admit the fact--" hindi niya naituloy iyong sasabihin niya dahil sa pag-eksena ng tiyan ko. "Tara na nga. Nagwawala na 'yang mga alaga mo," hinigit niya ako papuntang parking space.
"Sige mang-asar ka pa," hindi ko napigilang hindi mapanguso. "Pero teka---bakit ka pala nandito?! Paano kung may makakita sa'yo?!" napatigil kami sa paglalakad.
"Not too loud, Wife. Of course it's because I'm missing you,"
Ako na ang humila sa kaniya at naglakad kami ng mabilis. "Bilisan mo at baka may makakita pa sa atin dito." dumaan kami sa tagong shortcut dito sa school namin. Mahirap nang may makahagip na may kasamang Hari ang isang taong pangkalawakan na katulad ko.
Nakarating kami sa may parking at nandoon ang kanyang nagniningning na bagong sports car. Papalit palit lang siya ng sasakyan kada linggo. Dati nga araw araw kaya lang pinagsabihan ko kaya linggo linggo na lang. Hayaan nyo na. Mayaman e. Tayo na ang hampas lupa.
Nag-drive siya sa paborito kong restaurant malapit sa school. Mahal dito kaya lang libre naman niya eh. Ehehe. Madalas kami dito.
"Good morning Ma'am and Sir! Welcome to Angels," nakangiting bati sa amin nung mga staff. Nakakatawa nga ang restaurant na ito dahil mamahalin siya, pero iyong pangalan ay medyo matatawa ka kung first time mong maririnig. Para kasi iyong sikat na buy 1 take 1 na burger. Sa unang kagat ay tinapay lahat.
"Good morning din po!" bati ko pabalik sa kanila, pero iyong kasama ko eh ayun tuloy tuloy lang. Wala talagang manners sa katawan!
Nakita kong kausap niya iyong manager ng kaya lumapit ako sa kanila.
"Good morning, Hija."
"Good Morning din po Mr. Chili!" kumaway din ako pagkabati. Natawa silang dalawa sa'kin.
"Ikaw talagang bata ka! Pasalamat ka malakas ka sa'kin!"
"I know right! Kaya nga po we're friends 'diba? Diba?" sabi ko kasi friends na kami since walang gustong makipag kaibigan sa'kin sa school.
"Alam na alam mo talaga paano bolahin si Mr. Chil--este Mr. Lee." tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Nahahawa na rin si Daryl sa'kin.
Sinamaan siya ng tingin ni Mr. Chili. Ang cute! Ako lang kasi ang pwedeng tumawag sa kanya nun. Sa totoo lang super sungit niyang manager. Sa akin lang siya nagpapauto-- ay este! Mabait pala!
Hinatid kami ni Mr. Chili sa usual table namin. Si Daryl na ang umorder dahil alam naman niya kung ano ang mga paborito ko. Si Mr. Chili ang kumuha ng order namin. O diba sosyal? Special kami e.
"Ang baboy mo talagang kumain," kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Aaminin ko madungis talaga akong kumain. Lalo na kapag ice cream cone. Tinanong nga ako noon ni Daryl kung pinanghihilamos ko raw ba iyong ice cream. Binatukan ko nga!
"Excuse me, Ma'am. Pinapabigay po ni Mr. Lee." nakangiting sabi ng waiter at saka inilapag ang isang super ganda at kaakit akit na ice cream sa aking harapan.
"Talaga? Sure na sure? Diba wala naman kayong ganito sa menu?" sunod sunod kong tanong habang pinagmamasdan ang mala-sining na istruktura ng sorbetes na ito. Sa tagal ko ng kumakain dito, ngayon lang sila nag serve ng ganito dito.
"Bago po 'yan sa menu, Ma'am. Pero by next month pa po siya isasama sa menu list. Ibig sabihin, kayo po ang unang customer na makakatikim ng special ice cream na iyan." nakangiting paliwanag nito. Pakiramdam ko tuloy napaka swerte ko ngayong araw na ito para maparangalan ng ganitong klase ng gantimpala!
"Sige pakisabi kay Mr. Chili salamat ha!" umalis na iyong waiter at kinuha ko iyong special ice cream. Dahan dahan ko pa itong inilapit sa'kin para hindi madisporma. Nginitian ko saglit si Daryl nang magtama ang mata naming dalawa subalit nabalik din agad ang atensyon ko sa aking sorbetes.
Nagrereklamo ngayon itong kasama ko kung bakit siya daw ay wala kaya heto at ako ang pinepeste niya kakatalak ng mga hinaing niya sa hindi makatarungan daw nilang serbisyo.
Labag man sa aking puso't damdamin at sa kaibuturan ng aking mga buto-buto, kailangan ko ng kainin ito dahil unti unti na siyang natutunaw.
"Say aaaahhhhhh," utos ko kay Daryl. Sabi kasi sa simbahan, share your blessings.
Sinubuan ko siya. Nganga kasi ng nganga eh. Pinagtitinginan na nga kami dito kasi parang bata 'tong kasama ko. Ang laki laki na eh nagpapasubo pa.
'Ang cute naman ng couple na yon.'
'Oo nga. Ang gwapo nung lalaki at ang cute naman nung babae.'
'Bagay na bagay sila.'
Naririnig naming nagbubulungan iyong mga customer. Napatingin naman ako sa kasama ko at nag lapad ng ngiti! As in ganito.
(^____________________^)
Samantalang ako ay tila hindi na maipinta ang mukha lalo na nang mapansin kong, kakasubo ko kay Daryl, naubusan na ako! Ni hindi ko man lang natikman! Kaligayahan talaga'y sadyang panandalian lamang. Haay.
Napatingin ako sa may entrance at naagaw ang buong atensyon ko sa tatlong babaeng pumasok.
Dulot ba ito ng sama ng loob ko dahil hindi ko natikman ang ice cream ko kaya kung ano ano na ang nakikita ko? Jusmiyo sana nga ay imahinasyon ko lamang ito!
Ang step-mom and step-sisters ko!
Dinampot ko agad iyong menu book at iniharang sa mukha ko. Anong gagawin ko?! Hindi nila ako pwedeng makita dito dahil world war 3 ang mararanasan ko mamaya sa bahay kapag nagkataon!
"D-Daryl nandiyan sila. Anong gagawin ko?" grabeng mangalampag sa kaba ang dibdib ko! Grabe ang lakas ng kabog!
Ibinaba ng kaunti ni Daryl ang menu book na hawak ko at tinignan ako sa mata. "Calm down and don't panic. Ako'ng bahala sayo."
Hinawakan niya ang isang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Medyo huminahon naman ako ng konti. Pero kinakabahan pa rin talaga ako!
Naramdaman kong pumwesto sila sa tabi ng table namin. Oh my gosh!! Aatakihin yata ako ng 'di oras sa puso!!
Hinigpitan ni Daryl ang hawak sa kamay ko. Ramdam niya siguro ang kaba ko.
"Mommy! Gusto ko sa Daryl International College mag-aral!" narinig namin na sabi ni Tricia. Isa sa kambal. Kambal kasi ang dalawa kong step sisters.
"It's up to you, Darling."
"Me too, Mom! Next week na ang entrance exam. Sana makapasa tayo! Balita ko kasi hindi ka basta basta makakapasok doon. Mga mayayaman daw at mula sa mga kilalang pamilya ang mga estudyante kaya siguradong bagay na bagay tayo eskwelahang iyon!" sabat ni Trixie.
Oo nga pala graduating na kami this year. Kaya magka-college na rin ako. Kaklase ko sila kasi magkakasing edad lang kami.
"How about Yuka, Mommy? Saan kaya siya mag-aaral? Ayoko siyang maging ka schoolmate nakakahiya!" saad ni Trixie.
"Don't worry, Sis. Sigurado namang hindi siya makakapasok sa Daryl International College. Wala siyang connections. Busy naman si Daddy para asikasuhin pa iyon. Sigurado ako at sa mga pipitsuging University lang sya papasok. At isa pa, hindi sya bagay doon. Like duh?! Cheap siya,"
Tama si Tricia, ang mas matured sa kanilang dalawa. Pero pareho naman silang maarte. Masyado nga namang abala si Daddy para ipaasikaso pa sa kanya iyon. Pero ayos lang naman din sa'kin kahit saan. Kahit hindi sikat na school okay lang basta makapag-aral.
Tumayo bigla si Daryl kaya nagulat ako at napatingin sa kaniya. Lumapit siya sa'kin at--- binuhat ako bigla ng bridal style!
Itinago ko iyong mukha ko sa dibdib niya para hindi nila ko makita. Buti naman at naisip 'to ni Daryl. Hindi ko na rin kasi kaya pang marinig yung usapan nila. Baka may iba pa 'kong marinig, mahirap na.
Namroblema tuloy ako bigla sa papasukan kong school sa College. Wala pa akong kaplano plano at ni hindi pa nga ako nag-iinquire kahit ilang months na lang ay ga-graduate na 'ko.
"Oh my gee! King is here!! Baka sister niya! I know he's single! Waiting for me eh!"
Pero teka! Boses ng kambal yun ah? King? Si Daryl ba tinutukoy nila? King Daryl Smith kasi full name ni hubby.
Only child kaya siya. Sagot ko na lang sa isipan ko.
Nakarating na kami sa kotse at pumasok. Tahimik lang kaming dalawa.
"Daryl, salamat."
"For what?"
"For getting me out of there. Kinabahan ako dun noh!"
"Saan ka nga pala papasok ng college? "
Bakit bigla naman niyang natanong? Hindi ko pa nga alam kung saan ako papasok.
"Hindi ko pa alam eh. Hindi pa kasi namin napag-uusapan ni Daddy. Pero nung last na nabanggit niya yun sinuggest nya na sa Japan ako mag-aral para naman daw magkasama kami."
Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha nya. Parang dumilim nakakataCUTE sya!
Haha. Ang cute talaga ng hubby ko. Sabi ko na nga ba magiging ganyan reaksyon niya kapag sinabi kong sa Japan ako mag-aaral. Pero 'wag mag-alala dahil wala naman akong balak na mag-aral doon.
"So you're planning to leave me?"
"Iiwan? Bakit kita iiwan? Wala naman akong sinasabing doon ako mag-aaral. Ang sabi ko po SINUGGEST lang ni daddy."
I saw that he sighed in relief then lumapit siya sakin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. "Thank you. Ayokong mawala ka sakin Coleen. Promise me na hinding hindi mo 'ko iiwan."
I smiled and faced him. "I Yuka Coleen Nakashige, 17 years of age, promising that I would never leave King Daryl Smith until the last breathe of my life."
Lumiwanag ng kanyang mga malalamlam na mata at saka kinuha ang kamay ko at hinalikan. "I, King Daryl Smith, 18 years of age, promising that I would never leave Yuka Coleen Nakashige until the last breathe of my f*cking life."
"Wow para lang tayong ikinakasal ah? Ahahahaha." Wedding vows lang ang peg!
"Bakit? Gusto mo pakasal na tayo? Tatawag na 'ko ng simbahan."
"Hoy itigil mo nga 'yang iniisip mo. Loko mo talaga. Haha. Darating din tayo diyan. Hehe." Excited much si Hubby? Hindi pa nga ko ready eeeeeeh. Anubey.
"HAHAHAHA. Just tell me wife kung gusto mo ng magpakasal at ipapa-arrange ko agad."
"Sira. Ayusin mo naman ang pagpo-propose. Bahala ka magpakasal mag-isa."
"Nga pala. Ako na ang bahalang mag-enroll sayo sa college."
"PAANO? SAAN?"
"Where else? Of course at Daryl International College!"
"Eehh?? Malabo namang makapasok ako doon. Gaya ng sabi kanina ni Tricia eh wala akong connections kung wala si DADDY."
"Mag-isip ka nga. Sino pa ba sa tingin mo tutulong sa'yo? Edi ako. Tss."
"Ahahahah..Ang bata mo para magka connections."
"Try to figure it out CAREFULLY."
"Ok sige. Gusto ng HUBBY ko na si KING DARYL ay sya ang mag enroll sakin sa DAR...."
"Oh ano?"
"Wait.. King Daryl. Daryl, Daryl, Daryl....KAYO ANG MAY ARI NG KING DARY INTERNATIONAL COLLEGE??"
Napatakip siya ng tenga.
Bakit ba hindi ko naisip yun? Alam ko naman na doon siya nag-aaral. First year college na kasi siya samantalang ako graduating palang ng high school. 1 year ahead siya sakin.
"Correction. AKO ang may-ari ng D.I.C. It was a gift from my parents when I turned 18."
"Psh. Ayos ang regalo. School? Ikaw na!"
"So, it's a deal. Ako na mag-eenroll sa'yo. Ang mismong owner ang magiging connection mo. And don't worry Wife. You won't be school mate with those two witches." sabi niya ng may kasiguraduhan at nakakalokong ngiti. Hindi maganda ang hinala ko dito. Mukhang may binabalak na hindi kaaya-aya.
"Ayoko yang ngiti mong yan Daryl." kunot noong sabi ko sa kanya. I feel sorry for my step-sisters.
100% sure na doon na ako mag-aaral. Si BOSS nagsabi kaya wala na akong magagawa. 'Wag lang siyang gagawa ng kalokohan dahil sasakalin ko siya! Pero siyempre JOKE LANG! Hihihi.
***