Yuka's Point of View
"Naku po!! Late nanaman ako! Waaaahhhh!! Lagi na lang!"
Lumabas ako ng kwarto ko. Ay mali! Tumakbo na pala ako! Bahala na kahit hindi pa ako nakakapagsuklay!
"Tigil!!" impit na sigaw ng isang boses na nakasanayan ko ng marinig sa araw araw na ginawa ng Diyos. Napa-preno ako kaya ang kinalabasan ay na-out of balance ang istupido kong katawan.
"Aray!" hindi ko sadyang sigaw dahil sa apat na baitang ng hagdan na kinahulugan ko. Yung tipong bumagsak ka isa isa pababa? Lamog ng bonggang bongga ang dalawa kong mini monay!
"At saan ka pupunta babae?" mataray na tanong nito sa akin habang naka pamaywang at tila nakikipagkumpitensya ang kilay nito sa kataasan ng Mt. Everest.
"Papasok po?" medyo obvious kong sagot. Bukod sa naka-uniform ako, oras na talaga ito ng aking pag-pasok sa eskwela.
"Pinipilosopo mo ba ako?!" nanggagalaiti niyang tanong sa akin, dahilan para mapa-atras ako mula sa kinatatayuan ko.
"H-hindi po." may takot na sagot ko sa kanya at saka yumuko. Naglakad ito palapit sa akin.
"Hindi ka pa naglilinis ng bahay, lalayas ka na?! Baka gusto mong ikaw ang ilampaso ko sa sahig?!" galit na pagturan nito sa obligasyon ko. Ramdam na ramdam ko ang panggigigil sa boses niya kaya hindi ko nanaman naiwasan ang kabahan. Naiintindihan ko naman na may pagkamainitin talaga ang ulo niya kaya ganyan siya kaya lang hindi ko pa rin mapigilan ang matakot sa kanya sa tuwing papagalitan niya ako.
"Pero, Mama, male-late na po ako. May exam po kami ngayon." mahinahon kong paliwanag, baka sakaling palagpasin niya ako sa oras na ito. Pakiusap pumayag ka na po. Taimtim kong bulong sa aking isipan.
"Hindi." matigas na saad nito. "At isa pa, ilang beses ko na bang paulit-ulit ipinasok diyan sa kokote mo na huwag na huwag mo akong tatawaging mama? Malinaw naman siguro diyan sa utak mong walang laman na hindi ako ang ina mo, hindi ba? Hindi kita anak."
Shoot!
Tumalikod na siya at ako? Heto umiiyak na naman. Haaay. Lagi namang ganito bakit ba hindi na ako nasanay? Kung nagtataka kayo kung bakit niya sinabi sakin iyon, simple lang. Kasi nga hindi niya ako anak.
Siya ang step mom ko. Hindi ko nga kilala kung sino ang tunay kong mama dahil kahit mukha niya ay hindi ko alam. Kapag tinatanong ko si Daddy tungkol sa kanya ay agad lamang itong umiiwas sumagot kaya hindi na ako nagtatangka pang muling magtanong.
Mabait sakin ang step-mom ko kapag nandiyan si Daddy kaya lang minsan lang siya umuwi dito dahil sa Japan siya naka-base at nandoon ang kumpanyang iniwan sa kanya ng lolo kong Hapon na pumanaw na bago pa man ako maipanganak.
Todo asikaso ang step mom ko sakin kaysa sa mga anak niya kapag kaharap si Dad. May anak siyang dalawa so that means may dalawa akong step sisters. Pero hindi ko rin naman sila kasundo. Minsan nga napapaisip ako na para pala akong si Cinderella na may masungit na step-mom and step-sisters. Kapag iniisip ko iyon ay medyo natatawa ako. Hindi dahil sa trato sakin ng step-family ko, kung hindi dahil ako si Cinderella! O 'di ba ang bongga ko? Prinsesa ako.
Kinagat ko na lang ang ibaba ng labi ko para pigilan ang mga hikbi kong nais kumawala at tawanan na lang ang nangyayari sa akin. Baka marinig pa niya ako at pagalitan na naman. Hindi na lang ako papasok ng first subject. Hindi naman siguro ako babagsak kung hindi ako makakapag exam ngayon. Susubukan ko na lang na kumuha ng special test tutal ay mabait naman iyong teacher ko sa trigo.
Kaya ko 'to! Fighting!
Sinimulan ko na ang paglilinis.
Pinakintab ko ang marmol naming kusina. Iyong tipong makakapagsalamin na sila sa kintab at maaring ikasanhi ng pagkadulas at pagkabagok ng ulo nila. Joke lang! Pero seryoso, makintab nga.
Tinungo ko ang sala namin at sinimulang walisin at pagpagin ang carpet na naglakbay pa mula Egypt. Pinasadya pa ito ni Daddy kaya naman kahit na alikabok na nagmumula sa sikat ng araw sa bintana na tinatawag na Tyndall Effect ay hindi ko pinalagpas na makapasok. Sinarado ko ang mga bintanang pinagmumulan nito at ibinaba ang mga kurtinang dinaig pa ang kurtina sa palasyo ni Sleeping Beauty sa kapal nito para hindi tumagos ang sikat ng araw.
Inisa-isa ko ang limang kwarto. Tatlo sa taas at dalawa sa ibaba. Nag research pa ako kung paano ang maintenance na ginagawa ng mga hotel staff sa mga suite nila kaya ayun! Bongga! Nai-transform ko ito katulad ng mga room sa Shangri-La Hotel.
At pinakahuli, garahe. Kaunting walis lang dahil sabon at brush ang kailangan nito. Inisa isa ko ang mga sasakyan. Whoa! Grabe nakakapagod! Para akong nag part time sa isang car wash shop.
Nang masigurado kong pulido na ang trabaho ko, Finally I'm done! Mission Accomplished! Yehey!
Time checked! 11am. Dalawang subject pala na missed ko.
Napahawak ako sa aking tiyan. Nagsisimula ng magreklamo ang mga alaga kong bulate. Ramdam ko na ang pagpapatintero nila mula sa small intestine ko papuntang large intestine. Naghananap ako ng pagkain sa kusina. Tumingin ako sa taas, baba, kaliwa, at kanan.
FAILED.
Walang pagkain kaya napabuntong hininga na lang ako.
Mukhang sa mamahaling restaurant nanaman sila kakain. Araw araw ganon ang routine ng buhay ko kasama sila. Samantalang ako ay nagtitipid. Ayoko kasing maging gastador kahit na sobra sobra yung allowance na binibigay sa akin ni Daddy. Buti na lang sa account ko niya hinuhulog iyong allowance ko dahil kung kay Mam--este Auntie pa niya pinapadaan ay malamang mahirap pa ako sa daga.
Papasok na nga lang ako at mamaya na kakain! Diet diet din 'pag may time. Hehehe.
Nilakad ko na lang. Malapit lang kasi. Sayang naman ang 7 pesos ko kung mamasahe pa ako. Maaga pa naman para sa third subject ko.
Pagkalipas ng sampung minuto kong paglalakad, sa wakas ay narating ko na ang patutunguhan. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang nanlalagkit kong pawis sa noo.
Naisipan kong dumaan muna sa CR para makapag refresh ng kaunti. Pagtingin ko sa salamin. Huhuhuhu.
Namamaga yung mata ko. Pinigilan ko na nga ang umiyak kanina pero medyo halata pa rin pala ang pamamaga. Paano na lang kaya kung itinuloy ko pa ang bugso ng aking damdamin? Baka malamang ay mukha na akong ipis ngayon!
Binuksan ko ang faucet at naghilamos ng malamig na tubig. Nagsabon ng baon kong Johnson's Baby Soap at nagpunas. Nagpulbos ng Johnson's Baby powder siyempre! Oily na ng mukha ko eh, Yikes! Then wisik wisik ng Johnson's Baby Cologne! Ayan I'm so fresh na!
Paglabas ko ng CR ay naglakad na 'ko papuntang classroom. Baka nga wala pang tao doon kasi lunch break na.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa aking silid aralan.
"Hoy."
Napatigil ako. OMG! That handsom-- este manly-- I mean, familiar voice! Hindi ako pwedeng magkamali! Kinalma ko ang sarili ko bago lumingon lingon sa paligid ko. Sinigurado ko munang walang ibang estudyanteng nakatambay sa tabi bago ko siya hanapin.
Sinuyod ng aking paningin ang paligid hanggang sa natagpuan ko siyang naka-crossed arms habang nakasandal sa pader.
"Bakit ngayon ka lang?" inip na tanong nito sa akin, suot suot ang kanyang 'di matatawarang poker face.
Oh Lord! Bakit po kayo nagpapadala ng ganito ka-hot na nilalang sa kainitan ng panahon?!
***