Yuka's POV Naaamoy ko na ang aking Beef Steak. Yippee! Kami lang nina Dennis at Kevin ang nakaupo ngayon dito sa table. Nag CR kasi si Kuya John at Jasper. May kausap naman sa telepono si Daryl at si Kris kinakausap yung tab nya. Hahaha. Joke lang! May ka-meeting yata from japan at magkausap sila online. "Mukhang may mabubundat na naman sa kabusugan neto AH?. Princess, baka naman tumaba ka nyan bahala ka at baka ipagpalit ka ni King. AHAHAHA!" napasimangot ako sa sinabi ni Dennis. 'Di nga? Tumataba na ako? No!! Parang ayoko na yatang kumain. Nawalan na 'ko ng gana. Hinawakan ko naman ang tiyan ko. Flat pa naman kahit medyo may laman ng slight. Tinignan ko si Dennis na ngayon ay nakangiti sakin. Baka naman pinagloloko ako ng intsik na 'to? "Ang bad mo talaga Dennis! Kahit madami akong

