Yuka's POV "A-Aray." napangiwi ako sa hapdi at sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay gumalaw lang ako ng konti, made-deform ang skeletal system ko. I tried to stand up from my bed but I failed two times. Sinubukan ko ulit. Dahan dahan kong inalalayan ang sarili ko para hindi matumba. Humarap ako sa salamin.Tinitigan kong mabuti ang imaheng nasa harapan ko. Sabog sabog ang buhok, puro pasa ang bawat parte ng katawan at madaming galos sa mukha. Hindi ako makapaniwala na ako 'to.Naalala ko tuloy lahat ng nangyari kagabi pahkauwi ko ng bahay. Flashback Pagkatapos naming kumain sa Angel's Restaurant ay nag-mall kaming pito. Naglaro sa Quantum at nag foodtrip kami ni Dennis. Treat nya ko eh. Hahaha. Nanood din kami ng sine. Showing na pala ang Breaking Dawn 2. Grabe! Sana magka-anak din ka

