Chapter 14: The Reunion

1568 Words
Dwayne's POV. Dali-daling bumaba si Ashley sa sasakyan ko. Samantalang nanatili akong nakaupo habang iniisip yung babaeng nagmamaneho ng violet galaxy lamborghini. Hawig na hawig nya si Klaire pero imposible naman kasi yun. Mukhang wala ng balak bumalik ang babaeng yun. Bumalik ako sa realidad dahil sa pagkatok ni Ashley sa bintana ko at sinenyasan akong pumasok na sa mall. Lumabas ako ng sasakyan. "Sweetheart, ano bang nangyayari sayo? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Ashley na mukhang nag aalala na dahil sinalat pa nito ang noo ko. "Wala, I'm fine" sagot ko. "Tara na" yaya ko sa kanya. Nang palapit na kami sa entrance ay saktong inaalis ng sales lady ang pulang linya na may nakasulat na "For VVIP only" "Tamang tama lang po ang dating nyo ma'am and sir. Sarado po kasi ito kanina dahil namili ang isa sa mga young mistress ng bansa. Please come in and welcome po" sabi nitong nakangiti at ni-lead way kami papasok. "Magsusukat ka pa ba ng gown?" tanong ko kay Ashley. "Hindi na. May nakita na kong gown dito. Tara puntahan natin pina reserved ko na. Kaso sweetheart ang mahal" sabi ni Ashley. "Ako na ang magbabayad" sabi ko. Ngumiti sya at dali dali akong hinila kung nasaan yung gown nya. Palapit na kami ng isinarado nung sales lady ang isang engrandeng estante. Mukhang kakalagay pa lang nya ng kulay green na gown. "Miss, nasaan na yung gown dyan na kulay navy blue?" tanong ni Ashley. "Naitago nyo na ba kasi pina reserved ko yun kagabi" dagdag nya. "Ayy ma'am! Pasensya na po pero binili na po yun ng VVIP namin ngayon-ngayon lang po" sagot nito. "Ano?! Pina reserved ko yun! Akin na dapat yun. Sino ba yang VVIP na yan? Di nyo ba nakita na VVIP din ang boyfriend ko? Di mo ba sya kilala?" angil nito sa sales lady kaya naman hinawakan ko na sya at pinigilan. "Kilala ko po sya ma'am. Sya si Sir Dwayne. VVIP rin po sya dito pero ma'am, importanteng tao po talaga yun at sad to say na di po kami nagbibigay ng impormasyon about sa aming client. Hope you understand ma'am" saad ng sales lady. Nakita kong naiinis pa rin si Ashley kaya tinitigan ko sya ng don't-make-a-scene-here-look kaya huminga sya ng malalim at itinuro ang green na gown at nagsabing "I'll take that" bago sya padabog na naglakad patungong cashier. Klaire's POV. Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko na mauuna na ko sa kanila at sumunod na lang sila sa party dahil maaga akong pinapupunta nila mama. Bago ako lumabas ay tumingin ako sa full length mirror ko dito sa kwarto. Napangiti ako sa hitsura ko. Sinong mag iisip na yung dating parang manang na yun nung college days ay magiging ganito kaganda? Di naman sa nagbubuhat ako ng bangko haha. Nagsasabi lang kasi ako ng totoo. Litaw na litaw ang kaputian ko dahil sa navy blue nitong kulay. Pakiramdam ko nga ay pupulmonyahin ako dahil sa pagka backless nito. Medyo kita rin ang cleavage ko. Pero hayaan na, minsan lang naman to. Fitted din ito sa katawan ko. Kaya kitang kita ang kurba ng katawan ko. Naka light make up lang ako with cherry lipstick. Samantalang mas pinakulot pa ang buhok ko na nasa left side ko lang lahat at sa right side ko naman, sa taas ng tenga suot ko ang clip ni mama na bumagay sa outfit ko. I looked sophisticated, elegant and sexy. Maya maya pa ay may kumatok saking kwarto. Pinapasok ko iyon which is Ate Caren and Bea. "Wow! Ate parang porselana yung kutis mo! Iba talaga ang nagagawa ng amerika hahaha. Ang ganda ganda mo! Kaya ayaw ka naming nandito ni Ate Caren, natatalbugan mo kami" sabi ni Bea bago yumakap sakin. Naka sky blue na kulay ng gown ito. "Naku naman, binola pa ko. Mas maganda ka no! Lahat tayo maganda diba ate?" sabi ko habang niliyad ang kamay ko kay ate na inabot naman nito at yumakap din samin. "Oo naman! Manang mana tayo sa parents natin haha" sabi ni ate na naka brown na gown. Maya maya lang ay kumatok na si Mr. Mark para ipaalalang oras na para umalis. Third Person's POV. *Hotel: Walshein University Reunion* Dumating na si Klaire lulan ng kanyang violet galaxy lamborghini, sinalubong sya ni Niall na naka white tuxedo na napaka gwapo ngayon "You look wonderful tonight" sabi nito kay Klaire. "Parang kanta yun ah" sabi ni Klaire sabay hampas nito sa braso ng binata. Luminga si Klaire at dito nya nakita ang mga kapatid nya. Nakita nya si Bea na mukhang tinatawagan ang nobyo nitong walang iba kundi ang kapatid ni Dwayne na si Christian. Nakita nya rin ang kapatid na si Dieth na naka abuhing tuxedo na kasama ang long time girlfriend nito na si Czarina na naka white cocktail gown. Ngumiti si Czarina at dali daling yumakap kay Klaire ng makita ito. "I missed you ate! Waah! Ang ganda ganda mo!" sabi nito habang nakayakap sa dalaga. "Namiss din kita" sabi nya "O sige na pumunta ka na sa kapatid ko para maka akyat na kayo" dagdag nya. Nakita din nya ang bunsong kapatid na si Carl na naka silver suit kasama ang nobya nitong si Joy na naka yellow gown. Ngumiti ang dalawa bago pumasok sa hotel. Nandun din si Kuya Marvin nya na naka brown suit at ang pamangkin nyang si Azce na naka pink suit. Ang cute cute talaga nito. Maya maya ay inalalayan na sya papasok ni Niall paakyat sa room hotel na pag ii-stay-an nya. Habang palalim ng palalim ang gabi ay padami ng padami ang bisita. Lahat sila ay masasaya at nakangiti. Maya maya ay dumating na si Dwayne at Ashley lulan ng blue galaxy lamborghini ng binata. Di sinasadyang naiparada nya ito sa tabi ng kotse ni Klaire kaya sa paglabas nya ay, "Pare, ang ganda nung dalawang kotse o! Mamahalin yan" sabi nung isa. "Oo nga pare! Mag boyfriend-girlfriend siguro ang may ari nyan, parang couple" dagdag naman ng isa. Dahil doon ay napalingon sya sa katabing sasakyan. Ganoon na lamang ang bilis ng t***k ng puso nya ng makita ang sasakyan na minamaneho ng babaeng kahawig ni Klaire. Niyaya na syang pumasok ni Ashley at hinanap nya sa buong paligid kung nandoon ang babaeng kamukha ni Klaire. Nagbabakasali syang tama ang hinala nyang di lang iyon kamukha kundi si Klaire mismo. Huminga sya ng maluwag ng di ito makita, kaya inisip nyang namalikmata lamang sya. Maya maya pa ay tinipon na ang mga tao dahil sa special announcement ng magulang nya at magulang nila Klaire. "Good evening ladies and gentleman, I would like to welcome you to the 55th Walshein University Reunion" sabi ni Jack Cruz kaya nagpalakpakan ang lahat. "We are glad that all of you are able to come and join us to this wonderful gathering, before we start may I call upon my daughters, Alyanna Louis and Almira with her husband, Felix and our apo, Kirk" sabi ni Fiona Cruz kaya umakyat naman ang mga tinawag nito. "My son, with his girlfriend na anak ng mga minamahal naming kumare at kumpare, Christian with Beatrice Maxine" tawag ni Jack sa dalawa na umakyat ng magkahawak ang kamay. Nagpalakpakan ang mga tao. "And last but not the least, our successor, Dwayne Elliniel which is extravagantly handsome tonight and as always" pagtawag ng kanyang ina sa kanya. Kaya sinalubong sya ng masigabong palakpakan. Iniwan nya si Ashley at mag isang nagtungo sa entablado dahil obviously namang ayaw ng magulang nito sa babae. "And now kami naman. May I call my daughter, Caren with his husband, Marvin and our apo, Azce. Kulang ang anak ko dahil yung isang daughter ko ay kinidnap na ni Christian" sabi ni Luis Lim na nagdulot ng pagtawa at palakpakan ng mga bisita. Umakyat naman ang nabanggit. "May I call my two handsome sons with their lovely girlfriends, Luis III or as we call him Dieth with Czarina, Carl with Joy" tawag naman ni Ericka Lim sa mga anak na lalaki na agad namang umakyat. "Actually ladies and gentleman, This party has three purpose. First is to reunite each and everyone of us, second is to thank someone for taking care of someone precious to me, to us, And that is no other than Mr. Niall Park" masayang sabi Mr. Lim sabay turo kay Niall na nasa isang table kasama ang mga kaibigan ni Klaire na tumayo bilang paggalang. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Dwayne ng makita ang lalaking sobra nyang kinamumuhian. Naitanong nya sa sarili ang tanong na, "Bakit nandito sya, Nangangahulugan bang nandito na din sya?" Pero paulit- ulit nyang sinasabing imposible yun. "And the third purpose is, to welcome back someone" Mr. Luis. Halos pigilin ni Dwayne ang hininga nya, ganun din si Ashley. Samantalang naglalaro naman ang ngiti sa mga labi ng mga kaibigan ni Klaire. "And that someone is our successor. Everybody let's welcome back our daughter! Klaire Louise Lim!" sigaw ng papa nito at halos lumundag ang puso ni Dwayne ng marinig nya ang pangalan nito. Nagpapalakpakan ang mga tao ngunit ang t***k ng puso nya ang naririnig nya. Tumingin sya kay Ashley na nakatingin sa kanya na halos mangiyak ngiyak na. Tumapat ang isang spotlight sa hagdan at unang humakbang sa unang baitang ng hagdan ang isang paang nakasuot ng silver pointed heels at sumunod na ang asul nitong gown. Maririnig mo ang lagatok ng heels nito sa tiles na hagdanan. Maya maya lang ay iniluwa na nito ang dalagang limang taong di nasilayan ng lahat sa kanila. Nakangiti ito ng napakaganda ngunit sa totoo lamang ay kinakabahan ito. Sandaling nagtama ang mata nilang dalawa pero sabay silang nag iwas. Sa mga panahong ito, naglalaro sa isipan nila na pano kung magkaroon ng pagkakataon na magkausap sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD