Klaire's POV
"Sa tagal nyo sa Canada, ngayon pa lang kayo magsisimulang mag date ni Niall?!" tanong sakin ni Cherry.
Lahat sila gulat na gulat ng malaman nilang ngayon ko pa lang binigyan ng chance si Niall.
I'll be honest, I don't see Niall as a special someone, Pero diba malay natin baka mahulog ako sa prosesong ito.
"Oo nga, ang kulit" Ako.
"Pero bakit bes? Di ka pa naka move on agad?" Aira.
"Di naman it took me almost 3 years to move on, pero past is past wag na nating pag usapan" Ako.
"Pero, bakit ganun bes hahaha. Ikaw ah! Sobrang mahal mo si Dwayne" Valerin.
"Minahal, past tense" pagbabago ko sa sinabi nya
"Nga naman, nakalipas na. Naka move on ka nga ba talaga?" Tessa.
"Oo naman"
"Talaga? Kahit pa magkita kayo, Ayos lang? Wala ng feelings?" Dianne.
Napatahimik ako, pano nga kung magkita na kami ni Dwayne? Pano kung makita ko sila ni Ashley? Sila pa din daw hanggang ngayon. Am I ready? Siguro di naman kami magkikita nyan. Kaya "Oo naman! Kahit makita ko sya ayos lang" mayabang kong dugtong.
"Yun! Tamang tama, E di makakasama ka sa reunion ng Walshein University.Wala ng back outan. Nandun sila" Love.
"What?! Totoo?" Tanong ko. Kinabahan ako. Sapilitan pa naman akong pinapa attend nila papa.
"Oh bakit parang kinabahan ka bes? Ayaw mo ba huh?" tanong ni Haria.
"Hindi no! Ready nga ako to face him e. Ano ka ba? We are so over. Long done" pagsisinungaling ko dahil ang totoo kinakabahan ako.
"Yes kumpleto ang waffle ladies bukas sa reunion. Formal outfit tayo bukas ah" Dianne.
"Tama! Si Niall na lang escort mo bes" Love.
Nginitian ko na lang sila pero sa loob loob ko. Parang may mga dagang naghahabulan. Bakit ako kinakabahan. Ano ka ba Klaire? Nakapag move on ka na diba? Diba? Hays.
Pagtingin ko sa mga kaibigan ko,
"Bakit?" tanong ko.
"Naka drugs ka ba Klaire?" Aira
"Ako? Hindi ah" sagot ko.
"Eh bakit kanina kahit di ka nagsasalita e, nag iiba ang facial expression mo hahaha. Mukha kang baliw!" sabi sakin ni Love.
"Baliw! Hindi ah! Ini exercise ko lang ang mga face muscles ko" pagdadahilan ko.
At sabay sabay silang Napa "Aaah" Hala. Na convinced ko sila?
"Sige na girls, pagbigyan na natin since kababalik nya lang naman" Tessa.
"Girls, ano pa bang hinihintay natin, Tara ng mag shopping ng aking gagamiting gown para bukas!" sigaw ni Valerin.
"At dahil bagong dating ka Klaire, sagot mo lahat to" tuwang tuwang sabi ni Cherry na sinang ayunan agad nila.
Hayys! Ang yayaman nila pero ubod sila ng kuripot. Lord, why? Why are they like this? Ano pang magagawa ko? Dahan dahan kong nilabas ang debit card at ATM card ko.
Pikit mata ko tong binigay kay Cherry. Nakita ko namang tinaas nya yun
Nagtilian sila at voila, halos magtakbuhan na sila palabas.
"Bes, nga pala may pinadalang kotse ang papa mo, sayo na ko makiki ride in, I love your car" sabi ni Haria
"Huh? Talaga?" napatayo ako at agad agad na napanganga sa kotseng nasa harapan ko.
It's no other than a GALAXY LAMBORGHINI
Ang dream car ko! Maya maya lang ay lumapit na sakin ang long time butler namin.
"Mr. Mark!" sabi ko sabay yakap sa matandang lalaking ito na kaedaran ni papa.
"Ang tagal mong nawala Ms. Klaire, Nakakamiss iyang mga ngiti mo, mas lalo kang gumanda" pagpuri nya sakin.
"Mr. Mark talaga ang bolero. Kamusta po kayo?"
"Ayos lang naman, masaya akong kumpleto na ang pamilyang 30 years ko ng pinagsisilbihan. Ms. Klaire, Ihanda nyo na daw po ang sarili nyo sabi ni Madame Caren, dahil sa hindi nyo pagdating sa binyag ng pamangkin nyong si Azce"
Napatapik ako sa ulo ko, Oo nga pala, lagot ako kay ate. Huhuhu. Ihahanda ko na ang tenga ko sa bunganga nun.
"Pero wag nyo na po munang isipin yan Ms. Klaire, Ito po ang susi ng sasakyan nyo" sabi nito sabay abot saken ng susi at turo sa galaxy Lamborghini. Violet na violet sya madaming stars.
"Akin po ba talaga yan?" tanong ko habang nagniningning ang mata.
"Yes po Ms. Klaire, welcome gift ng papa nyo at ang welcome gift naman po ng mama nyo ay nirentahan nya ang paborito nyong mall dahil alam nyang mamimili po kayo ng kasuotan para sa reunion bukas" sabi nito.
Di nga ako nagkamaling bumalik sa pilipinas. Hello benefits! Hahaha. This is why I love my parents.
"Girls, tara na! Sa favorite mall natin tayo pupunta!" sigaw ko sa kanila habang pasakay sa kotse ko. I mouthed thank you to Mr. Mark bago kami sumakay ni Haria sa kotse ko.
At yung anim naman ay sa sasakyan na ni Dianne sumakay.
We went to the mall at mukha talaga itong ghost town kung wala lang ang mga sales ladies na ngiting ngiti samin, matatakot akong pumasok.
Pagpasok namin ay kinabitan na ng pulang linyang pangharang na may nakasulat na "For VVIP only"
Ayaw siguro ni mama na makipagsiksikan kami. Kahit na may jetlag pa ko. Ay keber! This is shopping galore.
Dwayne's POV.
"So kelan mo balak pakasalan yang Ashley mo?" tanong ni Kath na mukhang iritable.
Magkakasama kami ngayon dahil may practice kami dahil kakanta kami sa reunion ng Walshein.
"Yayayain pa lang" sabi ko.
"Sure ball namang papayag yan" sabi naman ni Airene na mukhang inis kay Ashley.
"You hate Ashley that much no?" tanong ko sa kanila.
"Eh pano naman namin sya magugustuhan ang taas ng ere nyang girlfriend mo!" Kath.
"Oo nga! Di man lang talaga sya gumawa ng way para kaibiganin kami. Kung ayaw nya samin, hell we care" sabi ni Airene na pinagdudutdut ang keyboard nya sa inis.
Di ko naman masisi dahil may mali din si Ash. She hates them just like the way they hate her.
Kaya hinahayaan na lang namin sila.
"Naku pare, pasensya na talaga sa mga misis namin" sabi ni Ticman.
"Anong pase-pasensya?! Di naman tama yun no?! Ano kami pa mali?" sigaw ni Airene sa mister nya.
"Eh kasi naman pare, mali talaga si Ashley" sabi ni Ticman na halatang natakot sa asawa.
Kaya natawa na lang kami sa kanya.
"Wag mo ng subukang magsalita hubby!" sigaw ni Kath kay Lourence.
"Yes wifey, sayo lang ako nakakampi palagi. Loyal supporter mo ko" sabi nito sa asawa.
Napapailing na lang ako kung gano sila ina under ng mga misis nila.
"Hoy iniling iling mo dyan Dwayne? Porke ba alam mong di ka kayang under-in ni Ashley e tatawanan mo na kami?" sabi ni Ticman.
"Hindi naman dude!" sabi ko habang natatawa.
"Tsk hayaan nyo sya dahil kung si Klaire ang mapapangasawa nyan pare- parehas lang kayo ng ranggo" sabi ni Kath.
Napatahimik ako sa thought na yun. Kung si Klaire ang mapapangasawa ko a under-in din ba ko nun? I shook off the thought of Klaire in my head. Wala na to at si Ashley ang pakakasalan ko.
Tinitigan ni Lourence si Kath na parang pinagsasabihan ngunit pinandilatan sya nito kaya nag peace sign na lang sya.
"Nakakatampo ka pare, papalitan mo na ang Shiraulo Car na regalo ko sayo" sabi ni Lourence.
"Pasensya na pare, pero once in while ay gagamitin ko pa din yun wag kang mag alala" Ako.
"Ayos lang pare, Kahit ako, kung yun ang ibibigay na sasakyan sakin, Itatapon ko sa basurahan ang sasakyan ko ngayon"
Oo, may bago akong sasakyan. Regalo sakin nila Daddy at Mommy. Kaninang umaga lang yun dumating and guess what kung ano yun?
GALAXY LAMBORGHINI na kulay asul
Ang astig nya. Nalaman ko na sa bansa pala 2 lang kaming meron nun. Sino kaya yung isa? Pero I don't care, basta ang astig ng kotse ko.
"Rich kid kasi yan" biglang singit ni Ashley.
"Sweetheart" tawag ko sa kanya.
"Tapos na ba kayong mag practice?" tanong nito na di naman sinagot ng mga kasamahan ko.
"Uhm yeah" kaya ako na lang ang sumagot.
"So pwede mo kong samahang bumili ng susuotin kong gown para bukas?" malambing nitong yaya sakin bago kumapit sa bewang ko.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Kath.
"Sige guys alis na kami, Ingat kayo" sabi ko na lang. Tumango naman sila and bid their goodbye to me.
Napanganga si Ashley nang makita nya ang sasakyan ko.
"Whoa, Sweetheart sayo to?! Ang ganda!" sigaw nya.
"Oo regalo nila Daddy" sabi ko.
"Hop in Ash, alis na tayo" sabi ko sabay sakay sa driver's seat.
Nang makasakay na sya ay nagdrive na ko.
Klaire's POV.
"Ang tagal mo namang pumili Klaire!" sigaw sakin ni Cherry.
"Nye, sorry na! Anong kulay ba ng mga gown ang isusuot nyo?" tanong ko.
"Black" Cherry.
"Pink" Aira
"Yellow" Valerin
"Blue Green" Haria
"Violet" Dianne.
Nakakainis kasi kinuha na ni Dianne yung favorite color ko.
"White" Love
"Red" Tessa.
Okay na silang lahat. Nag ikot ikot pa ko nang makita ko ang gown na to. Ang ganda nya. Backless sa likod fitted sa katawan but sad to say kita yung cleavage ko pag sinuot ko ito.
Kulay navy blue sya na for sure lilitaw ang kaputian ko pero kasi kita nga yung
"Klaire! Ano ba?!" sigaw ni Haria.
Narindi ako sa sigaw ni Haria kaya dali dali kong itinuro sa sales lady yung gown na yun. Take it or leave it. Hayaan na lang. Bukas lang naman ng gabi ko isusuot.
Halos malaglag ang panga ko sa taas ng bill ng gown, heels, accessories na pinagbibili naming lahat. Wag nyo ng alamin ang presyo. Buti na lang nagpasabi na pala si Mama na sya na ang bahala sa bill. Kundi naku ubos ang laman ng cards ko.
Sumakay na kami sa kotse ko. Katulad ng una si Haria ang kasama ko.
Tahimik lang akong nagdadrive habang iniisip ang pwedeng mangyari bukas. Nagulat ako nang tapikin ako ni Haria kaya napalingon ako sa kanya.
"Wala sa pagdadrive ang utak mo te"sabi nito sakin.
"Huh?" nagtataka ako.
"Di mo napansin na yung dumaang sasakyan ay kaparehas ng iyo, galaxy lamborghini din kaso color blue lang" sabi nito.
Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ngang totoo ang sinabi ni Haria. Parang couple kami. Haha ang cute siguro pagtabihin ng kotse namin.
"Naku ha Klaire, ayoko pang mamatay, naghihintay sakin ang napaka cute kong anak na si Aivo" sabi nito sakin.
Dwayne's POV.
Malapit na kami sa favorite mall ni Ashley na apparently ay paborito din ni Klaire.
Habang papalapit kami ay may nakasalubong kaming van at kasunod nito ay isang galaxy lamborghini din na katulad ng sakin pero color Violet lang.
Biglang lumakas ang pintig ng puso ko lalo na ng makatapatan ko na ang sasakyan.
Bigla kong naipreno ang sasakyan ko.
Parang, parang si Klaire yung nakita ko. Di ako sigurado dahil bigla kasi itong lumingon sa katabi nya. Kaya di ko naaninag masyado ang mukha nya pero ang side view nya. Hindi! Imposible yun.
"What's wrong?" tanong ni Ashley sakin.
"Wala. May dumaan na pusa" yun na lang ang nadahilan ko.
Pero bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko? Kinabahan ata ako.