Chapter 12: Comeback

1188 Words
Cherry's POV. "Are you sure na hindi na kita kailangan pang sunduin or hintayin by (pronounced as bi or bhie, short for baby) baka kasi mapano ka" sabi sakin ng fiancée ko. "Hindi na by, kaya ko na talaga. Tsaka ano ka ba? May kotse naman yung mga kasama ko atsaka baka ma OP ka by, kasi di naman nila sinama yung mga boyfriend at asawa nila" sabi ko. "Kilala ko naman lahat sila by kahit si Klaire. Classmates naman tayo nung senior year nung high school" sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "By! Puro kami babae. Hahaha" sabi ko sabay piga sa kamay nya. "Bonding time namin" "Hayys. What can I do? Basta magtetext ka kung magpapasundo ka. Wag kang mag aalangang magsabi dahil mas mahalaga ka kesa sa trabaho ko, Naiintindihan mo ba?" sabi nya habang sinserong nakangiti. "Yes by" sabi ko bago ko sya kiniss sa lips at bumaba na ng sasakyan nya. I waved my goodbye to him. Hinintay ko munang maglaho sa paningin ko ang sasakyan nya bago ako pumunta sa meeting place namin. *Toinkks* Nabigla ako sa batok na naramdaman ko. "Malandi ka" sabi ni Haria habang nagtatawanan sila. "Kitang kita namin yung landian nyo sa loob" Dianne. "Pati yung kiss mo sa kanya. Malandi ka ah! Akala namin tomboy ka, mas maharot ka pa samin ah" sabi ni Tessa habang tinutusok tusok ako sa tagiliran. "Tapos di mo pa kami napansin dahil nagde daydreaming ka pa" Love. "Feeling ko nga naiwan pa yung utak nyan sa sasakyan ni Jhong e" sabi ni Val na akala mo ay carnapper dahil sa patong patong na disguise. "Ano bang looks yan Val, mapagkamalan ka pang hoodlum nyan hahaha" sabi ni Aira kay Val. "Wag nyong pakielaman ang suot ko. Tara na sa loob at hintayin natin yung babaeng yun" sabi ko sabay lakad papasok. Ashley's POV. Huminga ako ng malalim, bago kumatok sa opisina ng papa ni Dwayne. *Toktoktok* "Come in" isang baritonong boses ang nagpapasok sakin kaya pinihit ko na ang seradura at pumasok sa loob. Noong una ay akala ko ang papa nya lang ang nasa loob. Ngunit nagulat ako ng makita ko ang mama nya na mukhang hindi komportableng makita ako, Bukod sa kanilang dalawa ay may may dalawang tao din na mukhang mag asawa rin. "Have a seat Ashley" utos sakin ni Tito Jack. Naupo ako sa gitna. Lahat sila nakatingin sakin. "Do you recall the reason why I called you?" sabi ng papa nya. "Uhm. K-kasi po, Gusto nyo po kong makilala?" sagot ko. "Ikaw? I said my future daughter-in-law diba?" "Opo. Ako nga po yun" sagot ko. "Huh? Nag propose na ba sayo ang anak ko?" tanong ng Tita Fiona. "H-hindi pa po" sagot ko. "Therefore, Di ikaw ang future daughter-in-law namin" Tito Jack. "Huh? If it's not me, who else would it be?" tanong ko. "Quit asking hija" sagot nung isang lalaki, napatingin ako sa katabi nitong babae, may kamukha ito, Tama! Kamukha nung babae si Klaire. "Sino po kayo?" tanong ko sa kanila. "They are the parents of our future daug------ "Business partner nila kami" putol nung babae kay Tita Fiona. I remember, isa sya sa mga dean namin noon sa Walshein. "Fiona, she is not ready for it. Maybe next time" "Alright. Pinatawag ka namin Ashley, dahil binibigyan kita ng last warning to back off from my son's life. Alam kong mali ang gagawin kong panghihimasok, But my son is not really happy with you" Tito Fiona "Ano po?! Gusto nyong layuan ko si Dwayne?!" Napatayo ako sa sinabi ng mama nya. "How dare you shout on me!" sigaw ni Tita Fiona sakin. "Kahit na! Bakit nyo ko pinapalayo sa anak nyo? Mahal namin ang isa't isa!" sagot ko. "Hindi ka nya mahal believe me, I know my son" Tito Jack "Mahal nya ko! Kaya hayaan nyo kami" sigaw ko. "Wag mo kaming subukan. I'll make your life a living hell, I'll crush your business in just one click!" sabi nung lalaki kanina "Bakit po kayo nakikisali dito?!" sigaw ko sa kanila. "Because dito nakataya ang kasiyahan ng anak ko!" sigaw nito sakin. "Pano mo kaya susuportahan ang magulang mo kung lahat ng agency dito sa bansa ay tatablahin ka. Papabagsakin ko ang negosyo nyo if hindi mo lalayuan ang anak ko" Tita Fiona Naiiyak na ko, bakit? Bakit ba? "Hanggang bukas mo na lang sya pwedeng lapitan. After nun. Wala na or else you'll regret it Ashley Ramirez. Wala kang pagsasabihan nito kahit si Dwayne, dahil kung meron man, I'll crush you!" sabi ni Tito Jack. "Pero bakit po?" tanong ko umiiyak na ko. "We have a better plan for him Ashley, at di ka kasama dun. Kaya tanggapin mo. You can work in our airlines, Susuportahan namin ang pangangailangan mo, Just back off hija" sabi nung babaeng kamukha ni Klaire. "Do you understand? Do you agree?" tanong ng papa nya Iyak lang ako ng iyak. Na corner nila ako. Maganda na ang future ko with Dwayne. Sureball na kumbaga pero bakit ganito. "Do you agree?!" sigaw nito sakin. Napatango ako, Natakot ako sa pwede nilang gawin. "Good, Pirmahan mo na to" Ibinigay saken ng mama nya ang isang dokumento at ballpen. Pinirmahan ko yun at dali daling lumabas. Susundin ko sila ngayon but soon enough babalik ko ulit lahat sa ayos ang relasyon namin. Pero ano ng ba ang plano nila kay Dwayne at bakit di ako kasali? Cherry's POV. Tumayo na kami para salubungin si Klaire, dahil narinig naming nag landing na ang eroplano nya. Excited kaming naghihintay sa kanya. Mababakas mo ang kasiyahan sa mukha naming pito. Dahil sa wakas mabubuo na kami. Una naming nakita si Niall. Grabe mas gumawapo ito, pero syempre mas pogi ang fiancée ko. Bias ako hahaha. "Waaah Niall! Dito kami!" sigaw ni Aira sa future brother in law nya. Agad naman kaming nilapitan ni Niall nang nakangiti. "Whoa guys! How are you?! You girls got more beautiful" bati nya samin. "Ano ka ba Niall! Wag mo nga kaming pinapakilig. May asawa na yung apat samin" sabi ni Haria "Oo nga pala Dianne and Love, sya yung kinukwento namin sa inyo. Sya yung kasama ni Klaire. Ang pogi nya diba? Hahaha. Nga pala Niall, Ito si Dianne at Love, sila yung ibang waffle ladies na nangibang bansa dahil rich kid" mahabang sabi ni Tessa. "Hi girls. Niall" sabi ni Niall sabay liyad ng kamay kay Dianne at Love na tinanggap naman ng dalawa at nagpakilala naman. "Teka, nasaan si Klaire? Hello, Nakalimutan nyo ba?" sabi ko sa kanila. "She went to the bathroom. Believe it or not she is so damn excited and nervous to see you all" sabi ni Niall. "Kabahan na talaga sya. Lagot sya samin. Pinag alala nya kami" sabi ni Valerin. "Hahaha. Oo nga, Umalis sya tsaka naman kami bumalik" Love. "Di nga sya naka attend ng kasal namin e" Dianne "Nasan na kaya yun?" sabi ko. Maya maya lang ay may nakita kaming maputing babaeng naka sun glasses, Wavy ang buhok nya na Brown na mas tumitingkad dahil tinatamaan ng araw. Para syang model. Naka shorts sya with Heels at Fitted na T-shirt na itim. Kitang kita mo ang ka sexyhan nya. Sa bawat paglakad nya ay sabay sa tugtog sa airport na SUGAR ng Maroon 5 Lahat halos kami nakanganga sa kanya, habang papalapit sya sa direksyon namin at dahan dahan nyang inangat sa ulo nya ang shades nya at tumambad samin yung babaeng limang taong hinagilap ng mata namin. Halos sabay sabay kaming napasigaw ng "Klaire!" bago kami nagtakbuhan palapit sa kanya. Yeah that girl is really back. The one and only kulot ♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD