Dwayne's POV.
"Hi sweetheart! Did you know how much I missed you?" bungad sakin ni Ashley sa paglabas ko ng airport. Niyakap nya ko ng mahigpit at yinakap ko na din sya.
Inangat ko ang mukha nya at sinabing "Namiss din kita, kumain ka na ba?" tanong ko dito.
"Claire! Wait up!" sigaw ng isang kano.
Nung narinig ko ang pangalan na yun, mabilis na hinagilap ng mata ko ang tinawag na yun. Nadisappoint ako nang makita kong isa itong amerikana.
Di ko makuha na kung bakit kada maririnig ko ang pangalan na yun lalo na dito sa airport ay inaakala kong sya. Limang taon na ang nakalipas simula nung umalis sya at kahit isang balita wala akong narinig kung nasaan sya. Siguro masaya na sya ngayon. A happy wife with that Niall kaya dapat maging masaya na din ako at dapat kay Ashley na lang ang pagtingin ko.
"Hinahanap mo pa din ba sya?" biglaang tanong sakin ni Ashley kaya napatingin ako sa kanya.
"It's been 5 years sweetheart, diba pwedeng wag ka ng lumingon sa tuwing maririnig mo ang pangalan nya dahil nasasaktan ako. Diba ako na yung mahal mo?" sabi ni Ashley sakin with pleading eyes.
Naawa ako sa kanya, Ang tiyaga nya sakin. Mahal ko naman sya but I don't know kung bakit nagke care pa din ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan nyang yun. Nakakainis! Nakakahiya kay Ashley. Ashley gave me her best. Why couldn't I?! Tama na talaga siguro ang desisyon kong pakasalan na sya, gusto ko na ding lumagay sa tahimik.
"Sorry sweetheart, sorry kasi pinababayaan kita. Sorry kung nasasaktan kita. Hindi na mauulit. Wag ka ng ganyan. I am so thankful na you never gave up on me" sabi ko sa kanya.
Tiningnan nya ko at ngumiti na sya. Si Ashley ay isa ding stewardess. Ngunit di kami magkasama dahil my parents doesn't really like her. Sinasabi nilang si Ashley ang sumira sa masayang relationship namin ni Klaire but heck diba nila naisip na kasalanan din yun ni Klaire? Sumama nga sya sa ibang lalaki tas ako bawal mag girlfriend. Tama na. Marami ng nagawa si Ashley para sakin.
Biglang nagring ang phone nya.
Sinagot nya iyon. Halatang kinakabahan sya.
"Yes sir, this is Ashley, O-opo a-ayos lang p-po, S-sige po, P-punta ako, S-salamat po" sabi ni Ashley at sabay baba ng call.
I looked at her and asked who is it.
"Ang dad mo yun, pinapupunta nya ko sa office nya mamaya. May pag uusapan daw kami, Gusto daw nyang makilala ang future daughter in law nya, hindi ba magandang balita yun?" sabi nya sabay ngiti sakin.
"Yeah" sabi ko. Magandang balita nga kaya? I don't feel good. "Gusto mo bang samahan kita?" tanong ko sa kanya.
"Hindi na, Ano ka ba sweetheart, kaya ko na" sabi nya sabay ngiti ulit sakin.
"Tara na, Ihahatid na kita sa inyo" Yaya ko sa kanya. Humawak sya sa beywang ko at inakbayan ko sya.
Klaire's POV.
"Yes ma'am, I'll inform her. We'll be there as soon as we can" narinig kong sabi ni Niall tas binaba nya yung call.
"Niall, ang sarap talaga ng luto mo, nakaka inlove" sabi ko sabay tawa.
Umupo sya sa harapan ko at nginitian ako.
Maybe ito na ang tamang oras. Maybe I should give him the chance.
"Niall, should I start dating you?" sabi ko sabay taas baba ng kilay. At tumatawa. Halatang nagulat sya, kaya uminom muna sya ng tubig. Nakikita mong namumula na sya
"Are you serious? Hey stop kidding me Klaire" sabi nya.
"I'm not, Matagal mo ng hinintay ang chance na ito. Why don't you grab it?" sabi ko sabay tayo.
Tumayo din sya at natatawa. Nagulat na lang ako ng bigla nya kong yakapin.
"Why are you doing this Klaire?, It'll be hard for me to let you go" sabi nya habang nakayakap sakin.
"Ano? Bakit mo naman ako ile let go? Wag mong sabihing ikaw naman ang mang ba busted sakin?" sabi ko habang tinititigan sya sa mata.
"Of course not, syempre tina try mo pa ko. You don't really love me yet. You see, you might change your mind" sabi nya.
Oo nga pala. Magaling na magtagalog si Niall. Yung slang lang nya talaga ang problema. Medyo ang hirap ayusin. Pero mapapagtiyagaan naman.
"Tsk. Stop being madrama, Okay. Hindi" sabi ko atsaka ko sya niyakap.
"Klaire, we're going back to the Philippines" napapitlag ako sa sinabi nyang yun.
"Huh? Ano bang sinasabi mo? Okay na tayo dito ah" sabi ko. Na tensed ako bigla. Hindi ko na inisip na bumalik pa dun.
"Your mom called. There will be a big reunion for Walshein. You and I need to be there, If we don't go back, Your dad will do something" sabi ni Niall
Kinabahan ako. Alam na ni papa kung nasaan ako, I'm sure about that, Magaling ang koneksyon nya. And if I don't follow him. My life would be a living hell. Ayoko pa. Ayoko nang bumalik sa bansang yun. Di naman sa di pa ko nakakapag move on. Ayoko lang talaga dun. Pero ano bang magagawa ko, ang magulang ko na ang nag uutos?
"Yeah. We should really head back home, Basta sasamahan mo ko ha?" sabi ko kay Niall.
"Yes" sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
Nginitian ko sya. Panahon na siguro, madami na din akong namiss dun. Lalo na ang pamilya ko at kaibigan ko. Kinasal na si Dianne, Tessa, Love at Haria ng di ako nakaka attend. Pati sa binyag ng mga inaanak ko. Tama na ang pagtatago. It's time to go back and face my past.
Sa nakalipas na limang taon ngayon ko na lang binuksan ulit ang sss ko. Tumambak saken ang 3677 friend request, 890 messages. at 4200 notification. I scanned all of them. May mga messages si Dwayne dito last 5 years ago. Di na ko nag bother buksan. Blinock ko na lang ang account nya. In accept ko ang mga kilala ko at after 5 years here I am. Typing my status.
Status:
Guess who's coming back to her hometown?
Say your welcome back to Klaire Louise Lim
Natuwa ako sa status ko. Iniwan ko sandali ang laptop ko para inumin ang gamot ko sa sakit sa puso. Kung meron mang isang hindi nagbago sakin, yun ay ang sakit ko sa puso. Natatakot akong magpa opera kasi wala namang kasiguraduhan na makaka survive ako. Kaya gamot gamot na lang.
Binalikan ko ang laptop ko at halos lumuwa ang mata ko sa daming likes at comments ng status ko within 5 mins.
854 likes.
192 comments.
OMG Anyare? Namiss ba nila ako ng todo. Viniew ko ang unang comments and guess what? Sa mga lukaret na kaibigan ko nanggaling .
Tessa Trinidad-Sambilay
Omo! Is it true? Totoo ba to? UUWI NA ANG BABAENG AKALA NAMIN PATAY NA! Hmm. PM mo ko kung kelan ang dating mo para mapahaba ko yung kuko at nang makalmot ko yang medulla oblongata mo dahil nakalimot ka! Ps. Miss you!
Haria Palis-Cabahug
Ya! Nakuu naman. Hahaha. May pasalubong dapat yung mga inaanak mo dito. Humanda ka samin babaita ka XD
Diana De Jesus-Laroza
Akala ko pa naman uuwi ka na pag may naka burol na samin. Buti nagising ka kasi papa hunting na sana kita e. Hahaha. Labyu!
Aira Flores
Yes! Makakapunta kang loka loka ka sa engagement party ko. Buo tayong Waffle Ladies, Pero malaki ang atraso mo samin. Payback time! Hahaha :)
Love De Guzman
Yan ah. Ngayon lang nagparamdam. Dami mong namiss samin. Kakalbuhin kita e. You missed my wedding. Bumawi ka!
Cherry-Lyn Dinocensio
Waaaaah! Kaka propose lang ni Jhong sakin tas ise share ko pa lang sa sss . Ito nasa unahan ng newsfeed ko. Uwaaaaah. Bakit ang swerte ko? Yayaya! Ikakasal na din kami at nandun ang maid of honor ko! But still di ka lusot samin. Hahaha.
Baleng Blanks
Paktayy ka sakin girl! I need your explanation! Hahaha. Di bale, masaya ako na nandito ka na. Special mention ka sa guesting ko later!
Nagtaka ako kung sino sya, Kaya viniew ko ang profile nya. Bulaklak lang ang profile pic nya. At yung iba cartoons lang. Friends nya din ang mga waffle ladies. Nung nasa may dulo na ko ng profile pics nya ay nakita ko na ang nasa picture na yun ay kaming pito nung 2nd year college kami nito. Debut ko pa. Kaming 7 lang magkakaibigan ang meron ng picture na yun.
Nagulat ako nung biglang may mag pop up na chat at mula yun sa Baleng Blanks.
Baleng Blanks:
Stop stalking my wall girl, I know nagtataka ka sino ako.
Klaire Louise:
Yeah, sino ka? Bakit naka DP kaming magkakaibigan sayo. San mo nakuha yan?
Baleng Blanks:
Awwts. Di mo nga yata talaga nahalata kung sino ako. Read my name again at isipin mo if it rings a bell.
Tinitigan kong maigi ang pangalan nya. Baleng? Baleng? Wait! Naalala kong Balen ang nickname ni .. Napatingin ako sa apelyido nya. Blanks?
Waaaaah!
Klaire Louise:
VALERIN BLANCA!
Baleng Blanks:
The one and only :)
Klaire Louise:
Loka loka ka! Bakit ganyan yung pangalan mo sa sss?
Baleng Blanks:
Loka loka ka ba? Artista ako! Tsk ayokong mag add ng fans ko dito or i add nila ako. Baka i-hack pa nila sss ko. Mga importanteng tao lang ang naka add at nakakaalam nito. Alam mo na?
Klaire Louise:
Yeah right. Famous
Baleng Blanks:
Leche nakakatampo ka ah. Di ka na nagparamdam pero bakit ganun. Di ko matago ang pagkamiss sayo huhu kelan ba uwi mo dito?
Klaire Louise:
Uhm. Di ko pa sure pero inform agad kita dahil di pa kami nakakapag book ng flight ni Niall kaya ikaw na bahalang magsabi sa kanila. Sige na bye na muna mag iimpake na ko. Labyu! See you.
Baleng Blanks:
Yeah! Go! Go! Ingat ka. May kutos ka pa samin. Labyumore.
Pagkabasa ko nun ay nag sign off na ko at inayos na ang mga gamit ko. Hihintayin ko na lang ang pag bumalik na si Niall kasama ng ticket namin pauwi sa pilipinas.
Nahiga na ko sa kama ko at inisip ang mangyayari oras na makauwi na ko. Masaya ako dahil makikita ko na ang pamilya ko at mga kaibigan ko pero di maalis sa puso ko ang kaba. Ang kaba dahil malaki ang tiyansang magkita rin kami ng lalaki at babaeng yun.