Ashley's POV.
Nakayuko lang ako habang patuloy na umiiyak. Ito na! ito na talaga yung araw na yun. Sa mga oras na to ay nagmamartsa na siguro patungong altar yung babaeng yun.
Naagaw nya na ang isang taong sobrang mahal na mahal ko. Sinasabi ko na nga ba, kaya sya bumalik ay para sirain ang lahat
Kung hindi sya dumating.
Kung hindi sya bumalik.
Kung hindi sya nagpakita ulit,
E di sana okay ang lahat.
E di sana masaya ako ngayon.
E di sana ako, ako yung pakakasalan nya ngayon.
Iyak lang ako ng iyak sa isang gilid. Ang sakit sobra.
Gustong gusto kong pigilan ang lahat, tumakbo sa gitna nun at hilahin paalis si Dwayne pero wala akong magawa. Nakakulong kami.
Oo! Kaming dalawa ng koreanong si Niall.
Nasa Lim cruise ship kami at hindi kami pwedeng makaalis dito hangga't di natatapos ang kasal nila.
Sinigurado talaga ng magulang nila na hindi kami makakapigil sa pag iisang dibdib ng mga anak nila.
They are so selfish!
Napakasama nila!
Pero sisiguraduhin kong maaagaw ko sya. Akin lang si Dwayne.
Akin lang sya
"Stop the drama" napa angat ako ng ulo ng makita ko na may plato ng paborito kong carbonarra sa harap ko. "Take this my hands are getting weary" dagdag pa ni Niall.
"P-Paano mo nalamang paborito ko to?"
"What? That is my favorite. I took it from the grand dinner on the deck. Since you won't stop crying, I am giving this to you so that you will shut up" bored nyang sabi, naglakad ma sya at nakita kong kumuha sya ng libro na ang title ay A walk to remember na ang author ay si Nicholas Sparks "And your sobs are quite loud it's bothering me. Aside from that you didn't touch any meal of yours today. So I thought of giving you that" walang lingon lingon nyang sabi bago naupo sa couch.
"Bakit ang cool mo?" sabi ko bago sumubo ng pagkain. In fairness ang sarap nya.
"What do you want me to do? Cry like you? Be a drama king because the woman I love is walking down the aisle at this moment?" sabi nya sabay bukas ng libro.
"Oo, Diba syempre mahal mo sya? Hindi ka ba naiinis na mapupunta sya sa ibang lalaki?"
"Yes, I am hurt by that thought but I believe that we can't do anything on what destiny wants"
"Pero, Per---
I was interrupted by what he said "I know that the time will come when I can have my chances again to take back Klaire and I wouldn't let go of it" sabi nya sabay dekwatro.
Tsk akala mo bakla. Magsasalita pa sana ako
"And please stop interrupting me, You're so noisy I can't focus on what I'm reading"
Tsk napakasungit naman nito akala mo menopausing na babae. Sabagay bagay sila ni Klaire mga boring sa buhay.
Napatingin ako sa binabasa nya.
Ilang beses ko nang nakitang binabasa nya yan. Paulit ulit.
Oo, matagal na kaming nandito. Simula pa nung umaga matapos ang reunion ay ipinadala na kami dito. Kinumpis lahat ng magiging source of communication namin sa dalawa.
"Bakit ba paulit ulit mong binabasa yan?"
"Why do you care?" sabi nyang di man lang tumingin sakin.
Grabe ang sungit naman nito! Ang sarap nyang kutusan.
"Nagtataka lang"
Nakita kong huminga sya ng malalim at tumingin sakin.
"Klaire loves this story, I read it and soon enough fell inlove in this story too. Anymore question?" sabi nya sabay balik sa pagbabasa.
Na curious naman ako sa binabasa nya, parang ang ganda-ganda naman.
"N-niall" pagtawag ko sa kanya.
Tumingin naman sya sakin giving the WHAT-THE-HECK-DO-YOU-WANT-AGAIN-LOOK. Nag peace sign muna ako sa kanya at dahan dahang lumapit. "Niall, ano kasi, uhm pwede ba kong makibasa?" tanong ko. "O kaya pahiram ako pagkatapos mo or mas maganda kung ikukwento mo sakin" nakangiti kong dagdag.
He breathed out heavily again. Naku! Mukhang di papayag to.
"Alright! Sit down. I'll tell you the story"
Naupo ako sa tabi nya. Yehey! Pumayag sya hahahaha.
Buong gabi nya kong kinuwentuhan.
Naiyak ako sa kwento ni Jamie Sullivan at Landon Carter.
Sa sobrang kakaiyak ko di ko napansin na nakatulog ako.
Nagising na lang ako sa tama ng araw sa aking mukha mula sa bintana ng barkong to.
Nagulat ako ng mapagtanto kong nakatulog pala ako sa sofa at worst sa balikat pa ni Niall. Pero hindi muna ako agad nag angat ng ulo. Parang gusto ko munang i-enjoy nababaliw na ata ako sa pagkamiss kay Dwayne.
"Will you please lift your head? My shoulder is getting numb" narinig kong sabi ni Niall.
Nagtulog tulugan ako para hindi ako mapahiya pero nagulat na lang ako ng malakas nyang itulak palayo ang ulo ko mula sa kanya.
"Ano ba? Natutulog yung tao!" sigaw ko.
"Tsk I know you're awake already" sabi nya sabay exercise ng balikat nya. "You got such a big and heavy head. I thought my shoulder is already broken"
Ano?! Malaki at mabigat ang ulo ko?!
"Hoy ang galing mo naman! Maliit lang yung ulo ko atsaka e di sana umalis ka na lang dyan"
"Sorry miss, I'm a gentleman" tumayo na sya at nag smirk sakin bago lumabas ng kwarto.
"Arrghhhh! Koreanong mayabang! Bwisit!" Nakakainis talaga sya. Ang sakit ng pagkakatulak nya sakin. Yun ba ang gentleman?!