Klaire's POV.
Nag aasaran kaming dalawa ni Dwayne sa loob ng karwahe namin. Masaya naman kami at close na ulit.
Maya maya ay dumating na kami sa venue at as expected ay nauna sila at winelcome pa kami na akala mo di nagkita sa simbahan.
Pagpasok namin sa venue halos mamangha ako, ang ganda ganda talaga nito dahil para kang nasa isang gubat na paraiso dahil ang daming puno, naggagandahang flowers
at mga paru parong malayang lumilipad sa paligid. Paraisong paraiso.
Inalis na yung belo ko at naupo na kami sa upuan namin, kung saan tanaw na tanaw ang 4ft tall na vanilla-coffee with caramel coating na wedding cake namin na color white and gold at may mga icing sa paligid na nakalagay ay kulot at payat. Ang
galing talaga ni Love.
Ang daming pagkain. Sila ate at mama ang mismong nagluto nun kaya for sure masarap.
Ang ayos din ng platting at nung table setting ng mga mesa.
"Good evening everyone! Ako nga pala ang inyong emcee for tonight, call me Ateng Mhyke" napalingon ako sa nagsalita ang bestfriend na bakla ni Tita Luisa na medyo bestfriend ko na din.
"So for tonight, may mga ilang taong importante sa ating newlywed ang maghahandog ng kung anik anik para sa kanila. Ready na ba kayo?" tanong nito.
Nagsigawan naman kami ng yes.
"Okay, okay pero bago yun. Can we request a kiss from them para naman ganahan tayong lahat diba?" napapitlag ako sa sinabi ni ateng. Kiss na naman ba? Nagkiss na kami ah.
And before I knew it tinutoktok na nila ang utensil nila sa baso nila signing and pushing us to kiss.
Nilingon ko si Duanne. Halatang di sya komportabl. Lumingon din to sakin,
Hays sng gwapo nya talaga. Teka? Ano ba tong sinasabi ko? Hay naku naman.
Sasabihin ko na sanang next time na lang ng magulat ako ng bigla nya kong HALIKAN SA LIPS
Bumitaw naman agad sya at pinanlakihan ko na lamang sya ng mata dahil mahirap na kung mag iinarte pa ko dito.
Lumingon ako sa mga bisita naming kilig na kilig.
"Yan! Bagay na bagay talaga sila no?" tanong ni ateng kaya nagsi tanguan naman tong mga guest namin. "So our first performer is Beatrice Maxine with his boyfriend Christian!" sigaw ni ateng.
Agad agad namang lumabas si Bea at Christian. Si Christian ang may hawak ng gitara.
Maya maya nag strum na ng gitara si Christian at sinimulan na nga ni Bea ang pagkanta.
♪ Picture perfect memories scattered all around the floor♪
Nginitian ako ni Bea.
♪Reaching for the phone cause I can't fight it anymore
And I wonder if I ever cross your mind
For me it happens all the time♪
Dalagang dalaga na ang kapatid ko. Di man lang kami nagkaroon ng sobrang daming bonding habang nagdadalaga sya dahil nangibang bansa ako. Masaya naman ako na si Christian ang boyfriend nya. That boy is trustworthy. Sana lang di kagaya ng kuya nya na manloloko at ipagpapalit sya dahil kapag nangyari yun, yang hawak nyang gitara ang ihahampas ko sa kanya.
♪ It's quarter after one, I'm all alone and I need you now
Said I wouldn't call
But I'm a little drunk and I need you now
And I don't know how I can do without you,
I just need you now"
Maya maya lang natapos na ang pagkanta nila. Alam kasi ni Bea na paborito ko ang kantang yun kaya naman ito ang kinanta nila. Nagbigay sila ng mga messages sa amin. Inasar pa kami bago bumaba ng entablado
"Oh wapak ang performance nila diba? Who knows baka sumunod na silang ikasal!" sabi ni ateng. "So ang susunod na performer natin ay ang sikat na sikat na banda sa bansa at unfortunately ang male lead singer nila ay di nakasama dahil ito ay kinasal" Nagtawanan naman ang mga tao, knowing that si Dwayne ang tinutukoy ni ateng.
"Everyone welcome the, The Magnificent!"
Umakyat na sa entablado ang THE MAGNIFICENT
Ang ganda ni Kath at Airene sa suot nilang gown.
Maya maya lang ay nag sign na si Ticman ng pagsisimula ng kanta.
Kaya humawak na si Kath at nginitian kami.
♪ And it's a sad picture,
The final blow hits you
Somebody gets what you wanted again♪
Lumingon ako kay Dwayne. Nakita kong nakangiti sya, siguro ito na talaga ang mga bestfriends nya. Ang tagal na nilang magkakasama.
Natatawa tuloy ako nung mga panahon na kung saan WAMAKAEN pa ang tawag ko sa kanila pero tingnan mo naman ngayon ang gaganda na nila at ang lulusog. May mga kanya kanya ng negosyo at sa pagkakaalam ko ay buntis na si Airene ngayon :)
♪ But I believe in whatever you do,
And I'll do anything to see ir through,
Because this things will change !
Can you feel it now,
This walls that they put up to hold us, will fall down
It's a revolution
The time will come for us to finally win
We'll sing hallelujah !
Hallelujah !♪
Natapos sila sa pagkanta at nakita ko pa ngang kiniss ng mga mister nila ang mga misis nila. Bago bumaba ay nagbigay sila isa isa ng message nila for us.
Tuwang tuwa si Kath sa mensahe nya batid ko naman na ang laki ng galit nito kay Ashley kaya tuwang tuwa sya na kami ang kinasal
"Palakpakan naman dyan!" sigaw ni ateng kaya nagpalakpakan naman kami. "Okay next performer ay ang mga kaibigan ng ating pinaka fresh wife na si Klaire. Let's welcome them" pagtawag naman nito sa mga kaibigan ko.
Nagulat ako actually di ko expected na kakanta sila na may surprise sila. Nao overwhelmed na naman ako.
Isa isa silang lumabas. Lahat sila nakangiti.
May hawak na gitara si Dianne at Cherry.
Maya maya ay nagsimula na sila sa pag strum.
Hala! Alam ko yung kantang yan.
♪ Itong awiting ito'y alay ko sayo
Sintunado man tong mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang kasama kang tumanda ♪ Tessa
♪ Patatawanin kita pag di ka masaya
Bubuhatin kita pag nirayuma ka na
O'kay sarap isipin, Kasama kang tumanda ♪ Valerin
♪ Ibibili ng balot pag sumakit ang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
O'kay sarap isipin, Kasama kang tumanda ♪ Aira
♪ Sasamahan kahit kailanman, Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one ♪ sabay sabay silang kumanta.
♪ Loves na loves pa rin kita
Kahit bungi bungi ka na.
Para sa akin, Ikaw ang pinakamaganda ♪ pagkanta nila sabay turo sakin.
♪ O'kay sarap isipin, Kasama kang tumada ♪
Nakakatuwa sila sobra! Nakaka flattered.
♪ At nangangako sayo pag sinagot mong Oo, Iaalay sayo buong puso ko,
Sumang ayon ka lamang, Kasama kang tumanda ♪
Natapos na yung kanta pero ang saya saya ko pa din. Super swerte ko sa kanila.
Nag message sila sakin kahit kay Duanne. Pinipigil kong umiyak at the same time mainis dahil kinukwento nila yung mga epic fail na nangyari sakin.
Marami pang nag perform.
Lahat naman nasiyahan ako.
May pagkakataong sumayaw kami ni Dwayne
Naghiwa ng cake, Nagsubuan.
Nag message din ang magulang namin.
Masayang masaya ako sa araw na to pero maaaring lahat to ay ma put into waste dahil magdi divorce din naman kami.
Bago matapos ang lahat pinagbihis na nila ako.
Nagtatanong ako kung bakit?
Nung pinalabas na ko, nagulat din ako nung naka polo shirt at tokong na lang si Dwayne.
Nakita kong may pinapasok na bagahe sa kotse at niyaya na kong pumasok ni Dwayne sa sasakyan.
Nagtataka ako kung san kami papunta at laking gulat ko ng sumigaw si Papa ng
"Ingat sa biyahe and Dwayne galingan mo sa HONEYMOON nyo, Bring home my grandchild!" halos makalas ang panga ko.
Omo Did I hear it right?! Honeymoon agad? Akala ko ba next week pa yun? Mukhang pina rebook nila kami hays! Ang aga aga naman!