Chapter 15 part 1

731 Words
CHAPTER 15 p.1 The Billionaire's Vulnerable Heart Pigil hininga ang ginawa ko na huminto ito sa tapat mismo kung saan ako nakatayo. Pwede naman siyang tumingin sa kabila pero sa akin pa talaga siya nakatanaw. Titig na titig like hello, ilang beses niya na akong nakita sa restaurant na ito o hindi siya makapaniwala na narito ako at nagbigay galang sa kanya. Kaya ba, narito siya sa tapat ko? Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa ibang kasamahan at sa manager, bakit hindi pa siya umalis? Tumikhim ako at agad yumuko. “We-welcome si…sir Drak…..I mean del Rego.” s**t, kamuntikan ko na masabi ang pangalan niya at baka magtaka sila kung bakit alam ko na wala pa silang binanggit kanina kahit pwede namang idadahilan ko ay narinig ko lang noong kumakain sila sa vip pero hindi ko na tinapos na sa sabihin ang pangalan at baka mapatunayan na nakichismiss nga ako noong mga panahon na iyan. Bumaling si Drake sa manager at may sinabi. “Black coffee sir?" “Yes-" tipid nitong sagot. “Okay Mr del Rego, noted po. Gagawa agad kami para sa inyo po-” si manager at kamuntikan pa akong mapa atras na binalik niya ang tingin sa akin. “And you.... bring my coffee to my office-” "A–ako?" Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya dahil hindi ako makapaniwala na tinuro ang sarili ko at ang iba. “Bakit hindi?’’ binalik pa nga sa akin ang sagot ko. I gritted my teeth, handa na ang kamao ko para suntukin siya at binti para sipain kahit nakaskirt ako pero dahil nakatingin ang manager ay naglagay na lang ako ng ngiti sa aking mga labi. Mawalan ako ng trabaho , siya talaga ang sisihin ko. "O–kay po- gagawa na po, sir...Mr...del Rego." bagsak balikat ko na sabi. Narinig ko itong tumawa bago tumalikod at naglakad palayo, anong nakakatawa? “Go Ashera, gumawa ka na agad ng coffee at dalhin sa opisina ni Mr del Rego at baka kung matagalan tayo sa pagbibigay ng gusto niya ay masisira ang record natin sa ating totoong boss na wala ngayon sa Pilipinas.” tumango na lang ako sa sinabi ng manager at hindi na umangal, kahit gusto ko man na iba na lang ang gagawa ay natatakot naman ako na mabalitaan ko nalang tanggal na ako sa trabaho. Kung narito siya at siya pa talaga ang naging boss ko ay hindi naman siguro ito ang maging rason para ako mismo ang aalis sa trabaho na kung saan malaking tulong na sa akin ito at sa aking anak para mamuhay kami at maibigay ko sa kanya ang mga pangangailangan lalo na ang mga gamot at pagpapa-doctor lalong-lalo na sa renta ng apartment kung saan kami naninirahan. Hindi naman siguro maging rason na ang isang Drake del Rego ang maging dahilan ano? Na hindi na ako makapag-focus sa trabaho at mawalan ako ng trabaho? Ngayon palang ay kinakabahan na ako at naiiyak. Umalis na ang bagong boss na si Drake kaya bumalik na kami sa mga trabaho namin at dahil ako ang naatasan na magbigay ng kape sa kanya ay dali-dali na akong pumunta sa coffee area para magtimpla ng kape niya. “Di ba ang gwapo ng bagong boss natin? Akala ko kung sino ang papalit, siya pala, ayos na rin at mahalaga hindi matanda." napatingin ako kay Kimberly na magsalita ito sa harapan ko habang naghihintay din ng kape para sa ibang customer. “Gwapo ka riyan….saan banda?” Hindi makapaniwala na tumitig si Kimberly sa akin. "Alam mo Ashera, ano ba iyang mga mata mo at hindi ka nakaka-appreciate ng kagwapohan. Ang gwapo-gwapo kaya niya, manalamin ka nga o di kaya patingin mo na yang mga mata ko dahil hindi mo na yata nakikita o matukoy kung gaano siya kagwapo.” Wala na rin akong nagawa na panay salita ni Kimberly. Basta ako wala na sa akin ang hitsura. Gwapo ba si Drake? Oo naman pero ayokong sabihin dahil ano pa ang masabi ng babae na ito. Marami na itong beses na nagsasabi na gwapo at iisa lang ang sagot ko, naging tahimik lang sa bandang huli at kung ok ang sagot ko sa tanong niya about sa bagong boss kung gwapo ba at magsabi ako na oo ay baka magdududa ang babae na ito. Na sa kanya lang ako nagagwapuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD