CHAPTER 15 TBVH part 2
"Sige na at mauna na ako sa iyo, Kimberly. Baka masisante ako nito ng maaga kung matagalan ako sa paghatid nito sa opisina ng ating temporary boss." paalam ko sa kaibigan.
"Sige ...sige at dadalhin ko na rin itong kape sa kabilang table at ikaw na babae ka, bago ka lumabas galing sa office niya, tingnan mo siya siya ng mabuti kahit mga five to ten minutes para masabi mo sa sarili mo na, 'ay oo nga, tama si Kimberly, ang gwapo nga ni sir del Rego,' okay?" napailing nalang ako sa sinabi niya. Kahit naman hindi ko siya tingnan ay alam ko na ibang-iba na siya noon at ngayon.
Dahan-dahan ang mga kilos ko habang naglalakad patungo sa office ni Drake para dalhin sa kanya ang coffee na hinihingi niya. Tanghaling tapat, coffee? Hot pa talaga. Sa bagay, aircon sa loob. Black coffee ito, ayaw niya na ba na may kulay ang coffee niya? Dati kasi…. nevermind.
Pagdating sa tapat ng kanyang office ay kumatok na muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob.
Walang sumagot kaya pinihit ko nalang ang doorknob at dumungaw na muna ako sa loob ng office kung may tao ba, nakita ko si boss o si Drake ay basta sir boss na lang ang tawag ko sa kanya, nakaupo ito sa shovel chair habang may tinitingnan sa computer na naroon sa ibabaw ng office table niya.
Lumipat ang tingin niya sa akin at gusto ko mang bumalik sa labas ay tinuro ko nalang ang hawak ko na mug ba may coffee.
“Come in…” nakagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang pumasok sa loob. Hahayaan ko sana na buksan lang ang pinto pero nang maisip na may aircon ay sinarado ko na muna ito. Hindi ko naman nilock para kung may gagawin siyang hindi maganda sakali sa akin ay mabuksan ko agad.
Kinalma ko ulit ang sarili ko at dahan-dahang lumapit sa table niya para mailagay ko na itong kape at baka lumamig na lang kung matagal ako.
“Your coffee…sir.” Hays, mabuti na lang at hindi naman ako masyadong nabubulol ngayon habang nagsasalita. Ngunit, hindi ito nagsalita at nakatitig lang. Hindi na rin ako tumingin sa kanya at baka mataranta pa ako kaya nilagay ko nalang ng dahan-dahan ang mug sa bakanteng lamesa.
“Coffee-" turo ko ulit sa dala ko na nasa ibabaw na ng kanyang table, lumayo ako ng kaunti at naghintay ng sasabihin niya. Tumingin siya doon at walang sinabi. Walang thank you? Ang sarap tanungin pero hinayaan ko nalang ang sarili ko. Matured na siya at boss pa kaya tipid na lang itong magsalita pero sana man lang kahit thank you ay ok na iyon sa akin pero kung ayaw talaga, eh di okay.
“Do you need anything sir?" Tanong ko na lang at nang makaalis na sa harapan niya, hindi ko mababasa ang utak niya kung galit ba o magagalit palang at isa pa, marami pa akong gagawin sa labas, magseserve pa ako ng mga pagkain sa mga customers at sa tingin ko ay ganoon din siya, busy niya rin na tao.
Umabot ng ilang segundo na wala pa rin itong imik kundi pabalik-balik ang tingin niya sa kanyang laptop.
Napabuntong hininga ako, sana hindi niya narinig. “Alright, sa tingin ko ay wala na…uhmmm….alis na po ako Mr. del Rego.” sabi ko agad at tumalikod na para umalis sa harapan niya. Baka sa sobrang busy niya kaya wala na siyang oras na makinig sa akin o wala na siyang paki na nasa harapan niya ako or whatever his reason, bahala siya.
Boss ko siya oo…pero nakakagigil din, sana bumalik agad ang dating boss namin at nang makaalis na siya sa restaurant na ito. Hindi naman sa pinapalayas ko siya pero sa kanila ng amo ko ay mas mabait iyon dahil marunong makipag-usap at makipagsama or other term na marunong makipagkapwa sa mga tulad namin.
“Wait….” Nahinto ang pagbubukas ko ng pinto na sa wakas nagsalita si Drake. Sabi ng manager na maging mabait sa magiging boss namin dahil masisira ang performance namin kung hindi.
Lumingon ako sa kanya at nakangiti kahit peke lang ang binigay ko.
"Yes po….bukod sa kape, may kailangan pa po ba kayo?”
“Ikaw?"
huh? Ano raw ang sabi niya?
“Ako?" turo ko sa sarili ko.