CHAPTER 16
The Billionaire's Vulnerable Heart
“Yes...Ikaw nga-" aniya sa malamig na boses.
“Ako? A—ano…ano naman ang kailangan mo sa akin?" Nauutal ko na tanong ko sa kanya. Anong kailangan niya sa akin? Aawayin niya ba ako? Sasaktan dahil sa nangyari sa amin noon? Ngayon ba siya maghihiganti? At bakit siya maghihiganti, naiwan din naman ako sa ere ah.
Natawa ito dahil sa nakita siguro sa aking mukha na natatakot. Anong nakakatawa sa reaksyon ko, this is a normal reaction kung hindi niya alam. tsked.
"Relax, Sarmiento, I won't bite you." umiwas ako na makita ang mapanglaro niya na ngisi sa akin.
Hindi na ako nagsalita at baka mauutal pa ako.
“Anyway, wala pa akong tanghalian kaya ikaw ang inataasan ko na kumuha ng pagkain.” aniya kaya binalik ko ang tingin sa kanya.
“Sige po…ano pong gusto niyong kainin?”
"Ikaw—” natigil na naman ako sa mabilisan niyang sagot.
"Hindi po ako pagkain!” Halos malakas ang boses ko na sabi pero siya? Tingnan mo at tumawa pa.
“Ikaw… ikaw na ang bahala na pumili sa gusto kong kainin, iyan ang ibig kong sabihin, Sarmiento.” saad nito na may pagtawa pa. Inirapan ko siya dahil sa ginagawa niya sa akin ngayong araw. Ang ganda ng mood ko kanina pagpasok, pero ngayon na dumating siya at malaman na siya pala ang maging boss namin ng isang taon ay parang unti-unti na namang lumabas ang pagkamaldita ko. Ayokong ipakita sa kanya ang ugali ko tulad noon at dapat mabait lang pero hindi ko lang maiwasan, nang-aasar eh.
Marahil…para bang bumalik kami tulad ng dati pero hindi, magkaiba na kami, malaki na ang kaibahan naming dalawa.
Mariin akong nakatitig sa aking mga kamay habang nakayuko.
“Iyon lang po ba sir?” Halos pabulong ko nalang na tanong sa kanya.
“Yes….”
"Paano kung hindi niyo po magustuhan ang pinili ko na ulam sa inyo?” tanong ko at doon palang umangat ang ulo ko para makita siya na siya namang pinagsisihan ko dahil nakatitig pala ito sa akin. Pareho kaming umiwas at kanya-kanya ang tikhim na animo'y, sabay kaming may bumara sa lalamunan . Narinig ko pa ang paggalaw ng inuupan niya at nakita ko na tumayo siya bago bumalik sa pagkaupo.
“Then, paano ko magugustuhan kung wala ka pang hinain sa harapan ko? Paano ko malalaman?” Pilosopo nitong sabi. Gusto kong ipakita itong kamao ko sa kanya para malaman niya na nakakainis siya, pero gaya nga sa iniisip ko na iba na kami noon at iba na ang ngayon.
Na kung sa baga, nakarating na siya sa tuktok ng tagumpay, samantalang ako…. hanggang dito na lang pero nang dahil kay Ian ay masaya ako kahit hindi ko pa nararating ang pangarap ko para sa sarili ko. Malabo man na mangyari pero atleast nangarap ako. Priority ko lang talaga sa ngayon ay si Ian.
Huminga ako ng malalim. “Sabagay, sige po sir, kapag nakahanda na po ang pagkain niyo ay dadalhin ko agad dito po–”
"Drop the word po-”
"Po?”
"Kakasabi ko lang na huwag na gumamit ng po, tapos-”
"Paggalang po ang salitang po…sir." At isa pa dapat may po kapag nakikipag-usap sa iyo dahil mas matanda kapa kesa sa akin no at higit sa lahat amo ko na siya. Gusto ko man sabihin pero pinigilan ko nalang ang sarili ko at baka mas lalong mainis sa akin.
“Just drop that, nakikita mo naman siguro na hindi pa ako sobrang matanda." Matanda ka na kaya. Umiwas ulit ako ng tingin dahil sa naiisip ko, sarap niyang asarin sa edad niya pero hindi na siya tulad ng dati.
“Sige, Mr del Rego. Labas na p….ho ako para ipaghanda kayo ng pagkain.” saad ko at dahil tango lang ang tanging tugon niya kaya doon palang ako tumalikod para makalabas na sa opisina niya.
Noong dating boss ko ang kausap ko, ang ganda ng conversation namin, minsan tumatawa pa iyon si boss, pero itong kaharap ko, bago lang ay pakiramdam ko, marami ang mga staff na masisante tulad ko, hay naku huwag naman sana…kawawa kapag mawalan kami ng hanap buhay nito.
Paglabas ng office ay saka palang akong nakahinga ng maluwag dahil wala na siya sa harapan ko, about coffee at pagkain lang naman ang pinag-uusapan namin pero parang umabot kami ng limang oras na hindi ako makalabas. Mabuti nalang at kahit papano, sanay naman ako sa aircon.
“Anong nangyari sa iyo at para kang namumutla riyan? Or let me say, binangga ka ng maliit na truck na laruan o pambata-” si Cha-cha kaya napanguso ako.
“Wala ito…ganito naman palagi di ba pero hindi tayo pwedeng magreklamo, hindi pwede na mapagod lalo kung may nag-aabang pa na trabaho.” rason ko.
"Oh, wee…pero namumutla ka paglabas mo galing sa office. Pinagalitan ka ba? Ang aga naman kung ganoon." Kung alam mo lang kung anong kinakaharap ko sa loob kanina, Cha.
Nasa counter ako at binigay ko na kay kuya na isa sa chief sa restaurant ang possible na kakainin ni Drake. Kung noon ay kumakain pa ito ng mga lutong bahay na hindi pang restaurant ang style ngunit ngayon ay sa tingin ko, maarte na siya.
Malayo na nga ang narating niya sa buhay.
Dahil hindi ko bitbit ang menu kanina at sinabi niya na bahala na ako kaya bago ko binigay sa chief ang order ay dinouble check ko muna sa menu kung ano ang pangalan at yong umorder siya noong nasa vip ay natatandaan ko pa kung ano ang kinain niya. Hindi naman siguro masama kung paulit-ulit di ba ang kakainin niya?
Hindi naman nagtagal ay natapos na rin si chief sa pagluluto at nasa tatlong menu ang bitbit ko sa isang tray patungo sa office ni Drake.
Kailangan ko siyang pakisamahan hindi bilang boyfriend, kaibigan o kakilala kundi bilang isang boss. Magkaiba na ang mundo naming dalawa, siya masaya sa tinahak niya na landas at sa kanyang bagong girlfriend ayon sa narinig ko, samantalang ako ay masaya sa piling ng anak ko na si Ian.
Pagkarating sa loob ng office niya ay naabutan ko ito na presinteng nakaupo sa single sofa habang may binabasa na magazine.
Kanina pa kaya siya naghihintay? Galit kaya siya? Sinabi ko naman sa kanya na matagalan ang pagluluto pero mukhang hindi naman kaya lumapit ako para ilapag sa maliit na table na nasa sala ang dala ko na pang-lunch niya at nang makakain na siya.
"Ito na ho ang inutos niyo sa akin, Mr del Rego," tawag ko sa attention niya na matapos ko ilapag ang pagkain sa harapan niya at tumayo ng tuwid habang hawak ang tray.
Binaba niya sa gilid ng inuupan niya ang magazine at pinagmasdan ang napili ko sa menu list.
"Iyan po.... I mean ho ang best specialty namin rito sa restaurant, Mr. del Rego."
"Kumain ka na?" instead tanong niya pagkatapos kung magpaliwanag about sa dinala ko, ang magtanong kung kumain na ba ako?
"And your answer is?"
"Yes po—" pero napairap nalang ako na bigla namang tumunog ang tiyan ko.
Pambihira