CHAPTER 17
The Billionaire's Vulnerable Heart
“Umupo ka at sabayan mo akong kumain-"
“Ho? Hindi—hindi ho pwede Mr. Del Rego." Tumingala itong nakatingin sa akin at nagtataka.
“Why not? Hindi ko ito mauubos sa sobrang dami na dinala mo, ano tingin mo sa akin, last kain ko na ito?" Paliwanag nito. Mas lalong umiling ako at bumaling sa pinto, paano kung may biglang pumasok at makita ako na kumakain kasama ang boss namin. Malilintikan talaga ako sa totoong boss ko.
“Basta, hindi po pwede, pinagbabawal po iyan na sumabay sa pagkain ang tulad namin sa-” natahimik ako na makita siyang titig na titig sa akin. Maya-maya ay umiwas ito ng tingin at binalik ang mga mata sa pagkain na dala ko.
“Naririnig ko ang tiyan mo, so ibig sabihin na gusto niyang kumain. At saka marami nga ito, paano ko ito mauubos?” Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin ko.
Kumain naman ako kanina pero dahil kanina ko pa naaamoy ang ulam sa ilong ko habang dinadala rito sa office nya at akala siguro ng mga bulate ko na para sa kanila ang ulam. Hays, pasensya na at hindi kami pwedeng tumikim sa mga ulam, unless kung may pahintulot o mamaya.
“Sorry, pero hindi talaga pwede ang ganyan po-”
"Anong gagawin ko sa iba, itatapon ko?” Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa mga ulam. Ang mahal niyan tapos itatapon niya lang? Pambihira.
“Eh…di…ano po, pagkatapos niyo pong kumain ay ibalot niyo para…uhmmm ..para kainin niyo mamaya pag-uwi niyo ng bahay.”
"I don't do take out, hindi ka ba talaga kakain at sabayan ako? I heard your tummy and they are crying!” tinakpan ko ang tiyan ko gamit ang tray na bitbit. Paano na hindi iiyak ang mga alaga ko sa tiyan na hindi naman para sa kanila ang dala ko.
“Hayaan mo lang silang umiyak, Mr. del Rego at kumain ka na lang po." utos ko sa kanya. May dinukot ito sa kanyang bulsa at nakita ko ang cellphone na hawak niya sa kanang kamay. May tinawagan siya sa kabilang linya.
“Pwede ba? May rule ba sa inyo na bawal akong samahan? Gago…siya lang naman? Gago hindi!” Napangiwi nalang ako sa mga mura niya sa kabilang linya kung sino man ang kausap niya. Huwag mong sabihin ganyan siya makipag-usap sa kanyang girlfriend? Hala! Grabe naman kung oo.
Nag-ibang tao na nga siya.
Nilapag niya sa maliit na table ang cellphone nito pagkatapos niyang makipag-usap sa katawagan niya bago binaba.
Saka palang ako lakas loob na magpaalam na muna sa kanya at nang makakain na siya ng maayos.
“Sit down and join me!” kakabuka palang ng bibig ko para magsalita at makapagpaalam na bigla naman akong naunahan.
Umiling nalang ako sa kanya.
"Hindi ho talaga pwed—"
“Pwede naman daw sabi ng boss mo…. kaya umupo ka at sabayan ako, " nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang kulit talaga.
“Ho? Sinong boss? Ang boss po namin mismo sa restaurant? Are you sure? Paano mo nasabi?" maang-maangan ko kahit may idea na ako sa kausap niya kanina.
“Siya ang kausap ko bago lang and he said yes-" parang wala lang sa kanya ang sinabi nito. Pero panindigan ko na hindi talaga ako kumbinsido at isa pa, pangit nga naman kasi na sabayan ko siya knowing na kakarating lang niya dito sa opisina at baka anong sabihin ng mga tao sa labas at mali man na ang advance ko mag-isip pero ayokong ma chismiss na nilalandi ko ang bagong boss at ito ang paraan na paglalandi, ang samahan siyang kumain.
Hays….sana pala iba nalang pinasuyo ko maghatid ng kape at nagkunwari nalang na masakit ang tiyan kanina. Hindi sana ako aabot sa ganito lalo sa kanya na matigas ang ulo. Kakain na nga lang marami pa siyang sinasabi, hindi rin nakakaintindi sa ibig kong sabihin.
“Huwag na po, mauubos mo rin po iyan, baka nabigla lang si boss na umu-o sa yo dahil….uhmmm….dahil minura mo siya. Tama, minura mo siya kaya napa-oo na lang siya sa inyo, tapos iyon pala, tinawagan niya na ang manager namin para mabawasan ang sahod ko, thank you nalang po-” mabilisan kong sabi, halos taas-baba ang dibdib ko habang nagpapaliwanag. Baka kasi tama ang nasa isip ko, mabuti nang maliwanag at ayoko rin talaga na sumabay sa kanya.
Natatawa itong nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko, hanggang sa nagkibit-balikat siyang binalik ang tingin sa mga nakahanda sa kanya.
“So, I don't have any choice but to throw this food, sayang naman." Malungkot ang mga mata ko na nakatingin sa mga ulam, sa dami nga naman na pinaluto ko para sa kanya ay baka hindi niya ito maubos, tatlong order ba naman at may isa pang nasa plato na marami ang laman, kung tutuusin pwede naman siyang kumain at ang iba, take out niya nalang, bakit niya pa itatapon? Dati nga ganyan na karami, kulang pa nga iyon sa kanya.
Masama ang tingin ko sa lalaki habang nilalaruan lang ng tinidor ang steak. Napapalunok na lamang ako dahil mukhang masarap nga ang mga putahe pero dapat ko ring pigilan ang sarili ko dahil hindi kasali sa protocol na samahan ang customer na kumain, pwede samahan na magbantay at baka may kailangan ay iyon lang ang pwede, pero ang kumain mismo na sa tabi niya ay para sa akin hindi pwede, talagang hindi, unless kung kakilala, eh kami? Lalo at boss ko siya at kung may ugnayan man sa aming dalawa…noon iyon, wala na kami ngayon, hindi ko nga alam na kahit pagkakaibigan ay pwede pa ba kaming dalawa. Sa tingin ko, kinakausap niya lang ako para sirain ang araw ko.
Isa pa, mawawalan ako ng trabaho nang dahil sa lalaking ito.
“Huwag niyo pong itapon, pilitin mong ubusin iyang pagkain na naka-serve sa inyo Mr. del Rego para hindi naman masayang, at hindi rin iyan masasayang kung itatake-out niyo, masama man ang sinasabi ko pero ang swerte mo nga na marami kang pagkain sa harapan mo, bukod sa masarap ay marami at saka dati nga halos kulang pa nga yang—” natigilan ako sa sinabi ko na masama itong tumingin sa akin lalo sa huling sinabi ko.