Chapter 18
TBVH
Isinandal niya ang kanyang likod sa sofa at mariin na nakatitig sa akin habang nakacross ang mga braso sa kanyang dibdib, nakaigting ang mga panga, nakikita ko na ang galit sa kanyang mga mata na kanina ay mapaglaro pa, bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag.
Katamtaman ang lamig ng aircon sa loob ng opisina pero sa katagalan ay parang naging yelo na sa paligid dahil lang sa salitang nabitawan ko.
“Do you want to talk about our past Sarmieto?" Ang lakas ng dibdib ko dahil sa tanong niya. Bigla atang nanigas ang katawan ko at hindi ako nakagalaw ngunit ng makita ko itong tumawa ay kahit papano ay bumalik ako sa katinuan.
“Hindi- hindi po sa ganoon Mr del Rego, iba po ang ibig kong sabihin," nakayuko kong sabi.
“Sa tingin ko, hindi ka pa handa na sabihin sa akin ang totoo, don't you? Now leave….” aniya ngunit hindi pa rin ako gumalaw. "I said…. leave and find someone to come over here!" halos napalukso ako sa gulat na tumaas ang boses niya, ibang-iba sa mahinahon niya na awra kanina, ngunit sa takot ng mga mata niya ay wala akong magawa kundi ang tumalikod at nagmamadaling tumakbo palayo sa office ni Mr del Rego.
Paglabas ko ng pinto ay ang lakas ng paggalaw ng aking mga balikat, I'll make sure na humihinga pa ako kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari bago lang sa loob.
Napatingin ang ibang staff sa akin kaya kinalmahan ko ang sarili ko at dumiretso na sa kusina bitbit ang tray na wala ng laman, pero bago pa ako dumiretso sa loob ay may tinawag ako na isang staff na lalaki para pumasok sa loob. Sana, tulad ko ay hindi siya sigawan ni Drake. Sa akin lang dapat siya galit at huwag na sa iba.
Kahit na, hindi ko lang matukoy kung saan banda siya nagagalit? Sa hindi ko pagsang-ayon na kumain na kasama siya o dahil doon sa sinabi ko na sinagot sagot ko pa siya or pwede both kaya biglang naging tigre ang ugali niya. Kinakabahan ako. Baka mamaya, matanggal ako sa trabaho dahil sa ginawa ko.
Dumaan ang inutusan ko na staff na pumasok sa loob ng office ni Drake sa harapan ko. Bitbit ang tray na may laman.
“Sandali Le….” huminto naman ito na tinawag ko at naglakad ako patungo sa kanya.
“Bakit Ash?"
“Hindi kinain?" Turo ko sa pagkain na dala niya.
“Hindi siguro eh, busog raw siya, pero hindi naman nagalaw ang nasa plato, iwan, kinuha ko lang dahil parang galit nung pumasok ako." aniya kaya humingi ako ng pasensya dahil siya tuloy kamuntikan ng mapagakitan, kaya napatingin ulit ako sa pagkain na niluto pa ng chief para sa kanya. Hindi pa iyon na igalaw lahat kaya sobrang sayang lang, bukod sa steak na ginamitan niya lang ng tinidor. Sana pala bumalik ako sa kanya para ituro kung ayos na ba sa kanya ang isang putahe, bahala siya kung ano pang sasabihin niya, para sana....siya ang masunod, Hindi sana aabot sa ganito.
Nakakahiya man pero kailangan kong gawin. “Ipabalot mo nalang at ibigay mo sa akin mamaya-” napatingin si Leo sa akin, hindi makapaniwala, ngayon lang kasi nangyari. Sa mga karanasan ko sa buhay, kahit sa pagkain ay nasasayangan na ako na kapag marami pang tira sa plato ay diretso na agad sa basura para itapon.
“Don't say kakainin mo ito?" Ngumiti ako at tumango. Hindi naman siya nagalaw, pwede ko siya ipakain sa mga aso o pusa na makikita ko sa daan pag-uwi ko, total pauwi na rin ako maya-maya. “Hindi nga- pero sige." Ngumiti ako kay Leo at nagpasalamat. Sayang din kasi kapag makita ng chief namin na hindi man lang naigalaw ang niluto niya. Kasalanan ko talaga lahat ito. Ano pa ba kasi ang mga sinasabi ko kanina at umaabot pa kami sa ganito? Dahil sa ginawa ko ay nagkaganoon na talaga ang ugali niya?
Kung gutom siya, and then….anong kakainin niya na pinalabas niya ang binigay ko na kakainin niya sana? Though, marami naman siyang paraan kung gusto niya talagang kumain, ang kinakatakotan ko lang ngayon kung negative feedback ang maririnig ko mamaya sa aming manager at baka mamaya nito last day ko na pala ngayon.
“Hoy! Ayos ka lang?" Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Kimberly sa harapan ko at may pahampas pa ito na lalong nagpadagdag ng kaba ko. “Ay sorry…ngayon ko lang nalaman na ganyan ka pala ka nerbyosa.” Saad niya na may pagtataka sa mga kilos ko. Napanguso ako at hinawakan ang braso ko na nahampas niya, mabuti nalang at wala na sa akin ang tray na hawak ko at baka nahampas ko rin iyon sa kanya.
“Kanina oo….pero dahil sa ginawa mo na pangugulat ay kamuntikan na akong atakhin sa puso-” nagpeace sign agad siya sa akin at ngumiti.
"Sorry na- ikaw kasi, ang lalim ng iniisip, kanina pa kaya kita tinatawag pero walang reaksyon kaya nahampas kita."
Sa bagay, dahil sa ginawa niya ay natauhan ako kaya sinabi ko ang totoo na kahit siya ay sumang-ayon sa ginawa ko. Akala ko nga na kakampi siya sa bagong boss, mabuti naman sa akin pumanig si Kimberly.
Nakita ko ang paglabas ni Drake kasama ang manager, bigla na namang tumaas ang kaba ko na makita ang pag-uusap nila sa labas ng restaurant at panay ang tango nito. Ako kaya ang topic nila? Ito na ba ang kinatatakutan ko? Matatanggal na ako sa trabaho?
Bumaling si Drake sa loob ng restaurant habang may suot na mamahaling shade na nakakabit sa kanyang mata.
Hindi ko alam kung nakikita niya ako galing sa labas pero ginawa kong busy ang sarili ko, kahit alam ko na tapos na trapuhin ang lamesa na nasa tabi ko pero inulit ko pa. Kunwari lang naman ito. Damn, ano ba itong ginagawa ko ngayong araw? Bakit at bigla na lang yata akong minamalas, marahil na rin ang isang dahilan ay ang pagdating na kung sinong tao na papalit kay boss. Sa daming kaibigan ni boss, bakit siya pa talaga?
Tadhana naman o, nagmomove-on na nga ang tao, nagpakita pa ang mga landas naming dalawa. Masaya na ako sa anak ko ngayon eh.
“Miss Sarmiento-” biglang lumamig ang katawan ko na marinig ang boses ng manager na tinawag ako. Nakagat ko ang labi ko at dahan-dahan na humarap sa kanya.
"Ma-ma’am?”
"In my office -”
Oh no…lagot ka Ashera.