CHAPTER 25 The Billionaire's Vulnerable Heart Nandito raw sa office si Mr del Rego kaya pala pagpasok ko kanina ay seryoso ang mga mukha ng mga staff, di tulad no'ng andito si boss o wala si Drake ay ang iba may pakanta-kanta pa na nalalaman sinasabayan ang ingay ng speaker at kung makapag-usap ay malakas na akala mo hindi nagkakarinigan. Pero ngayon, kabaliktaran na si Mr del Rego na ang naging boss namin pansamantala. “Ashera!" “Yes Leo!" “Tawag ka ni chef," dali-dali naman akong pumanhik sa kitchen kung saan nagluluto ang chef ayon sa sinabi ni Leo na kasamahan ko. Sa pinto palang ng kusina ay bigla naman akong nagutom na naamoy ko ang iba't-ibang mga ulam. Kumain naman ako kanina sa bahay pero nagugutom na naman ako. “Yes po-" “Ashera- pakibigay na itong pagkain kay Mr

