CHAPTER 24 The Billionaire's Vulnerable Heart “Manong, maniwala po kayo sa akin, wala po talaga akong kinuha o magtangka man na kukunin sa loob ng drugstore po. Nakapili na po ako, ito po ang resibo. Kakahiya naman ito." “Pero bakit ganoon po ang kinikilos niyo kanina miss?" Napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap naman sabihin nito. "Marami na rin kasi kaming na encounter na ganyan kaya nag-iingat lang." “Kasi…kasi po may iniiwasan po ako na tao-” sabi ko pero nakikita ko sa guard at manager na hindi kumbinsido, na hindi pa rin sapat ang sinabi ko, kailangan ko bang banggitin ang pangalan na iniiwasan ko para maniwala siya?. "Ganyang mga palusot ang naririnig namin miss kapag nahuli namin pero totoo pala na may kinuha,” aniya kaya mas lalo akong nahiya. "Manong- ma’am! Nas

