CHAPTER 23 The Billionaire's Vulnerable Heart “Binigay ko na po ma’am Maui-" “Ganoon ba? Thank you Ashera. Sana kainin niya at hindi niya sinasayang ang pagkain niya.” Tahimik lang ako sa sinabi ng manager dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Sana nga…huwag siyang pasaway kung para naman iyon sa kanya. Kung may nararamdaman siya na hindi maganda sa katawan at iyan ang habilin ng doctor sa kanya ay dapat sundin niya ang tamang kinakain niya kung ayaw niyang mapagalitan siya ng girlfriend niya na wala sa bansa para bantayan siya kung magkasakit man siya. Ang alam ko masarap ang luto ng chef namin sa restaurant at kung may sinusunod man siya na menu o ingredients na dapat ay ganoon ang iluluto ay wala pa naman siyang palya. Ang ibang simpleng luto nga, sa kanya

