Chapter 22

934 Words
CHAPTER 22 The Billionaire's Vulnerable Heart Kinalma ko ang sarili. Narito na ako at dapat maging professional pa rin ako. “Go-good morning, Mr del Rego. Uhmmm…pi-pinabigay po sa inyo ng manager.” Tukoy ko sa paper bag na hindi niya pa rin kinukuha sa kamay ko. Kakainis, nauutal pa talaga. At dahil wala pa rin siyang plano na kunin ang bitbit ko kaya humarap na ako sa kanya bago pa lumabas itong pagkatigre na ugali ko. Mahirap na at nakadepende ang gagawin ko kapag ako mainis, pero ang maisip na mawalan ako ng trabaho dahil lang sa personal na buhay naming dalawa noon ay ito ang dahilan ng kamalasan ko ngayon kaya hanggat maaari, pipigilan ko. “Mr del Rego?" "Get in, and put it on my table.” Seryoso ba siya? Bakit hindi niya na lang kunin at siya na mismo ang maglagay sa loob ng makaalis na ako. Wala naman siyang ginagawa o hawak kundi ang maliit na towel na hawak niya habang hindi pa rin natatapos sa kakapunas ng basang buhok niya kung pwede naman yan gamitan ng mahiwagang blower. Hindi ko sinunod ang gusto niya at nasa labas lang ako ng pinto ng unit na siya pala ang may-ari. Bakit pa ako papasok? Sabi ihahatid ko lang ito, kung alam ko lang eh di sana ang receptionist nalang pala ang pina-akyat ko rito sa kanya ngunit ng maalala ng manager ko na si mam Maui na alamin ko ang pinapaluto sa kanya dahil baka magtanong siya pero ito pala ang hindi ko naitanong kay ma'am pero naalala ko pa naman ang nakasulat na ingredients na binabasa ko kung sakali kakain siya sa restaurant, iyon pala dito pala ang gusto niya na kumain. Tumaas ang kilay niya at nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Drake na nakatitig sa akin. "Don't worry, hindi na ako nag-aalok na kumain lalo kung isang hamak na waitress lang ang kasama ko sa lamesa.” Napanganga ako at agad itinikom ang bibig dahil baka mahalata niya ang gulat sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Masakit iyon sa part ko pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Tama naman siya, isa lang akong hamak na waitress kaya dapat ang mga kasama ko… lalo kung kumakain sa hapag ay hindi mayayaman tulad ng tao na kaharap ko. Ngumiti pa rin ako kahit nasasaktan na ang puso ko. Hindi na talaga siya ang Drake na nakilala ko noon. Marahil kasalanan ko o kasalanan naming dalawa. Ewan at saka mga bata pa kami noon, maybe puppy love lang ang nararamdaman namin sa isa't isa, pero bakit ang tindig yata ng glit ng lalaki na ito? Nakangiti pa rin ako sa kanya, to show him how tough I am kahit ilang beses niyang tapak-tapakan ang pagkatao ko ay ayos lang, huwag lang ang ibang tao lalong lalo na ang anak ko na si Ian kung sakaling magkita man ang landas nila sa tamang panahon. “Tama po kayo sir, tama po ang sinabi ko noon na bawal po kaming sumabay sa inyo na kumain. Pinagbabawal po talaga at ayoko rin po talaga kahit busog pa po ako o hindi. Uhmmm….sige po, ipapasok ko na po ang dala ko na paper bag sa loob po ng unit mo.” mabuti na lang at naitawid ko naman ang sinasabi ko bago pumiyok. Tinanggal ko ang sapatos ko at nilagay sa labas. Nakapaa lang ako na pumasok, tumagilid si Mr del Rego para makapasok ako sa loob ng unit niya. Hindi ko na binibigyan ng pansin na wala siyang damit pantaas at nakatowel lang sa pang-ibaba. Naka brief o boxer naman siguro siya di ba? Hindi naman niya siguro hayaan na matanggal iyan habang narito ako. Nagmamadali na akong pumasok kahit pwede naman niya itong kunin sa kamay ko pero dahil boss ko nga siya ay ayoko nang magreklamo. “Do you want me to explain to you sir kung ano po ang inihanda ng chef namin sa inyo ngayon?” tanong ko sa kanya pagkalapag ko ng paper bag sa ibabaw ng lamesa. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa bag. “Uhmm….it's a…uhmm-” "Stop! I don't need your explanation. And you may leave now.” aniya sa malamig na boses at may kinuha siya na tela sa may sofa at sinuot niya ang tshirt. Iyon lang? Tshirt lang, how about pang-ibaba, don't say iyang towel ang maging suot niya? At ano naman ang pakialam ko sa ganyang bagay? Hays. Dapat doon sa sinabi niya Ashera, hindi sa damit niya na isusuot. Kaya umalis ka na Ashera bago pa maghubo't-hubad ang dating ex mo. Tumango ako na may konting ngiti sa labi. “Sige po…and…uhmm…and enjoy your meal…sir del Rego.” saad ko at naglakad na patungo sa pinto, mabuti naman at nakarating ako na hindi nanginginig sa kaba ang mga tuhod ko. Bakit lagi nalang ganito? Wala man akong narinig na thank you o kahit na ano sa kanya ay ayos lang, ang mahalaga sa akin ngayon ay nakalabas na ako sa unit niya na buhay pa rin at higit sa lahat nakahinga pa rin, hindi ko masyadong matitigan sa loob kung ano ang hugis, kulay or design ng bawat unit niya dahil sa nagmamadaling makalabas. Siya pala ang may-ari ng hotel na ito na ilang buwan ko nang tinititigan na matapos? Bakit hindi ko siya nakikita na pumupunta o marahil, dahil naka-kotse siya kaya hindi halata na siya ang may-ari. Talagang ibang-ibang del Rego na ang nakilala ko noon at ngayon, hindi lang sa pamumuhay, physical kundi kasama na rin ang ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD