CHAPTER 21
THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART
"Ahh, iyan po ba, may abiso na po kami diyan ma’am, sige pasok ho kayo at pumunta po kayo sa receptionist para ituro sa inyo kung saan niyo iyan dadalhin,” tumango ulit ako sa guard at nagpasalamat.
“Yes ma’am, ano po sa atin?" nakangiting wika ang babae sa reception table ng makarating ako. Sinabi ko sa kanya ang pakay ko. “Wait lang po ma’am ha, tatawagan ko muna kung nasa office pa ba si sir ngayong oras."
“Sige lang po-" ani ko at naghihintay na tawagan niya muna ang may-ari. D & A hotel ang pangalan ng hotel na ito. Marami na talaga akong nababasa na mga ganyang name na isa lang ang pangalan sa mga company nila, hindi ko alam kung ayaw nilang malaman kung sino sila o talagang tamad na sila mag-isip na ipapangalan nila tulad na lang nitong hotel na ito. Medyo aesthetic nga lang ang lugar sa lobby, parang ayaw sa sobrang makulay kundi nagfofocus ang may-ari sa iisang kulay ng kanyang hotel at design.
“Ma’am diretso ka nalang po sa room ni sir po, andoon na po siya wala na po siya sa opisina niya. Here's the number po.” agad ko namang kinuha ang number na binigay niya sa akin, mabuti na may ganito para hindi ako mawala at malilito, baka sa kakahanap ko ng kwarto ay ibang kwarto palang ang napuntahan ko lalo at first time ko pa rito.
“Sige po, thank you po." sabi ko at nagpaalam na sa kanya para maihatid ko na agad ang mga kakainin niya for lunch bago pa lumamig.
Lumabas agad ako ng elevator nang makarating ako sa tamang floor at hinanap ang unit number ng may-ari.
Napangiti naman ako na mahanap ko agad ang number na nakasulat sa papel. Pero napalingon ako sa ibang kwarto na parang dalawa lang ang may pinto. Dalawa lang ang naninirahan dito na halos nasa itaas na mismo? Bakit hindi sinabi ng receptionist at binigyan pa ako ng number, dalawa lang naman pala ang pagpipilian dito na kwarto. Pambihira. Nevermind nalang, tumayo ako sa tapat ng pinto na kung saan parehong numero ang nakasulat sa binigay ng babae sa akin.
Inangat ko ang isang kamay ko para gamitin sa pagkatok at nang marinig ako sa loob, isa dalawa at tatlong katok ay hindi naman ako pinagbuksan. Wala bang tao rito? Sabi na dito raw?
Kumatok ako ulit pero wala pa rin. Baka wala nga.
Late ko na nakita ang isang maliit na bagay para pindutin para marinig sa loob na may tao sa labas. Kaya siguro ayaw lumabas at baka hindi naririnig sa loob ang pagkatok ko. May iba kasi na pinto na hindi kami nagkakarinigan sa loob at labsas, nasa isip ko na pero nakalimutan ko na ang pangalan.
Bigla tuloy bumagsak ang balikat ko dahil nagsasayang lang ako ng oras sa kakalakad tapos wala naman palang tao sa loob, pero ang sabi na narito daw, sino pala ang kausap ng receptionist kanina sa baba?
Hindi naman yata multo ano?
Umiling ako ng ilang beses, paano nga naman magkakamulto sa hotel na ito na kakatapos lang ang paggawa. Wala naman akong nabalitaan na naging sementeryo muna ito bago naging hotel, dahil kung oo, may multo nga.
Tatalikuran ko na sana ang pinto para umalis na lang ako at sabihan na lang ang manager na wala yatang tao sa kwarto kaya ako bumalik dala ulit ang pagkain.
O baka, umalis na at hindi lang napansin ng receptionist o guard na umalis na ang may-ari at baka doon na rin iyon kakain sa labas, or pwede namang diretso sa restaurant namin, maitanong nga sa baba.
Hanggang sa ilang step na paglalakad palayo sa pinto ay may narinig ako na tunog na pagpihit hudyat na may nagbukas ng pinto.
Bumalik ako tapat mismo ng pinto at nakahanda na ang ngiti ko at pag-abot sa kung sino man ang nasa loob ang dala ko na paper bag paharap mismo sa pinto para isang hablot nalang. Hindi naman siguro masama kung natatabunan ko ang aking mukha dahil nakaharang ang paper bag. Pagbukas ng maluwag ng may-ari ng kanyang pinto ay agad naman akong nagsalita.
“Good morning po…this is Ashera from B & B restaurant. Ako po ang inatasan na dalhin ang-” ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko na bumungad sa harapan ko ang familiar na tao. Bagong paligo at pinupunasan niya ang kanyang buhok ng malinis na puting towel, nasagot na rin ang sagot ko kanina kung bakit mabagal siyang nagbukas, naligo pala.
Nagkatinginan kami, Napalunok ito dahil nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya na makita ako.
Hindi ko mapigilan na bumaba ang mata ko at nakitang wala ngang pang-itaas at nakatapis lang ng black towel ang pang-ibaba, sa may bewang at kitang-kita ko ang kanyang v-line. My goodness, my eyes.
"Are you done checking on me?" aniya sa malamig na boses.
Agad akong umiwas ng tingin at tinabingi sa ibang direction ang ulo ko at pilit inaabot sa kanya ang paper bag.
Siya na naman. Wala na bang pwedeng magpapakita sa akin? Lagi nalang siya?
My goodness, Ashera.