CHAPTER 20
The Billionaire's Vulnerable Heart
Wala akong ganang pumasok ngayon sa restaurant pero kailangan. Sayang naman ang kikitain ko mamaya.
Di bale na at bukas, wala na akong trabaho at nasa apartment lang ako o di kaya mamasyal kami ng anak ko na si Ian sa mall or parking area or pwede naman sa bahay lang kami at samahan ko siyang maglaro.
Ngayon palang ay nag-iisip na ako kung ano ang ihahanda ko sa anak ko, malapit na ang birthday niya kaya ngayon palang ay todo kayod na ako para may pang birthday ako sa kanya. Nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari ay gagawa ako ng paraan para maging memorable ang lahat lahat kay Ian.
Hindi ko akalain na may big boy na ako. Ang bilis nga ng panahon, hindi ko namalayan na may binata na ako soon. Sana, bigyan pa ako ng mahabang buhay at malakas na pangangatawan. Hindi pa ako handa na iwan ang anak ko kung sakali. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal kaya sisikapin ko na pareho kaming healthy sa isa't-isa kahit sa kabila na ganyan ang sitwasyon ng anak ko ay kayang kaya ko pa rin siyang alagaan.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo. Tungkol ba ito sa bagong boss natin o kay….?” Napapailing nalang ako ng ulo dahil sa sinabi ni Chacha.
“Ikaw talaga….pwede naman na si Ian lang ang iniisip ko ah-”
"Wee….hindi nga, bakit hindi ako naniniwala? Hindi ako kumbinsido? There's something sa mga mata mo na gusto kong malaman pero dahil sa magaling ka magtago kaya mahirap pero feeling ko ay feeling ko lang naman," pabulong niya na sabi para hindi marinig ng iba, at ito naman ako at natatawa nalang sa sinasabi niya.
“Si Ian nga ang iniisip ko ano kaba? Maniwala ka na at nang matapos na ano?Kung ano ano nalang iniisip mo, pareho lang kayo ni Kimberly."
“Sige, sabi mo iyan." see…madali lang naman palang kausap ang babaeng ito.
At dahil may pumasok na customers kaya nahinto ang pakikipag-usap namin ni Chacha at kanya-kanya na kaming nag-eentertain ng customer. Hindi talaga nawawalan ng mga customers sa restaurant na ito, lalo ngayon natapos na ang building na pinapatayo sa tapat ng restaurant kaya halos ang mga empleyado nila ay dito na rin kumakain kaya nagdadag kami ng ibang staff.
May narinig nga ako na baka magpadagdag ng restaurant ang boss namin or gawing tatlo o apat na palapag ang area na ito para maraming choices ang mga customers kung saan sila kakain pero same lang ang may-ari at para hindi baba at akyat lalo ang mga staff ay may nagluluto rin sa taas at ibang gawain tulad sa first floor na kung saan ito lang ang gagawin. Ito lamang ang mga isa sa naririnig ko tungkol sa restaurant.
Busy man at isa lang yata sa pinasasalamatan ko ngayon ay wala si Drake sa paligid. May meeting raw eh. Hindi naman sa ayoko siyang nandito sa restaurant lalo at isa siyang boss pero kung nakikita ko kasi siya ay hindi pa rin mawala ang kaba ko na baka bigla na lang niya akong tatawagin at sabihin na wala na akong trabaho.
“Ashera-"
“Ma’am?" agad akong lumingon sa direction ng manager namin na si Ma’am Maui na marinig ko ang boses niya.
“Come over here!" sinigurado ko muna na wala na akong nakalimutan na orders galing sa mga customers bago pumunta sa manager namin.
"Ma’am?”
"Halika ka, hija, pakihatid itong nasa supot sa kabilang building, diyan sa bagong hotel mismo, sabihin mo sa receptionist na ihahatid mo lang sa may-ari ang pagkain.” turo ni ma’am sa dalawang supot ng pagkain. At ihahatid ko raw ito sa kakatapos lang na building.
"Sige ma’am!”
"Sige na, mag-iingat ka sa pagtawid ha. Tumawid sa pedestrian lane." Paalala ni ma'am sa akin. Ganito siya palagi kapag inuutusan kami o pauwi na ng bahay na laging mag-iingat sa daan.
Tumango ako sa sinabi niya at nagpasalamat bago kinuha ang paper bag na nasa ibabaw ng counter at binitbit patungo sa sinabi niya na hotel. Mabuti nalang at hindi naman m traffic kaya maayos ang pagtawid ko sa kabila.
Tumingala ako.
Ang laki ng hotel na ito, nasa 26th floor. Dati hindi ko naman pinapansin ang structure nito, marahil hindi mo nga agad maa-appreciate ang mga bagay unless kung tapos na ito at doon ka nalang mamangha na galing sa scratch ay naging fascinating design na ang kinalalabasan. Literal na don't judge until you see the final result.
“Good morning po-" bati ko sa guard at pinakita ang dala ko na nasa supot.
“Galing po ako sa restaurant, diyan lang po sa tapat mismo at may order po kaming natanggap sa mismong ari ng hotel na ito, kaya ihahatid ko lang po sana ang order niya.” saad ko sa medyo matanda na lalaki.