CHAPTER 16

3204 Words
ROUGH Naghahabulan ang mga ito sa hardin habang siya ay nakatanaw sa bintana. Nakangiting pinagmasdan niya ang dalawa na tawang-tawa sa paghahabulan. Ito ang pangarap niya noon, however, things end up not going well. When Gregory came in, things between us started to become challenging and complicated. We eventually got into bigger fights over minor issues. He always accused her of cheating on him, but she denied all of the accusations. Pangarap niyang makasama noon si Olivine na bumuo ng pamilya. Nagplano pa nga sila o mas tamang sabihin na may naisip na si Olivine , kung anong desisyong ipagawa sa bahay. Siguro, they were never meant to be each other. Binigyan lang sila ng pagkakataon na shubunkin ang katatagan nila. Kung kaya ba nilang ipaglaban ang isa’t-isa. What brought us together? Why does she seem to be the one for him? Bakit pinaramdam sa kanya na si Olivine na ang babaeng papakasalan niya? Maybe, it was a mistake to meet her. It was a big mistake to teach him not to fall in love easily. He doesn't want to fall in love with someone like Olivine because it will cause him pain. He had fallen in love, but not with the right person. Love can confuse him about something he thought was a heaven to live with, but it turns out to be his darkness. Roughly pouring the last drop of wine into his goblet, he drank it without hesitation.Gumulo ang kanyang isipan ng dumating si Olivine. Ginulo na nito ang inaayos niyang buhay. He thought it would be perfect, and start to have a new chapter to his lovely girlfriend Katrina. Nang dumating ang dalaga, parang gumuho ang mundo niya. Bumalik na naman siya sa simula. Ginulo na naman nito ang tahimik niyang buhay. Akala niya ba tapos na ang lahat? Magiging masaya na siya sa piling ni Katrina, pero bakit umabot sa puntong wala na siyang mapiga sa utak niya? Dumagdag pa ang problema niya ang kanyang nobya. Ano ang tinatago sa kanya ni Katrina na kailangan niyang malaman? May kinalaman ba ito sa pagkawala ng mag-ina niya? Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat. Ang sinabi ng kanyang anak na kamukha nito ang babaeng salarin. May dapat talaga siyang malaman bago mahuli ang lahat. Aalamin niya kung sino ang puno't-dulo ng lahat ng kaguluhan na ito. Si Ama, Katrina, at ang babaeng kasama nito noong pumunta sa bahay ng ama niya. May nilihim si Katrina sa kanya na dapat niyang malaman. Kung ayaw nitong sabihin ay siya na ang kikilos para malaman niya ang katotohanan. Ang tattoo na nakita niya rin noong nakasalampak sa sahig si Katrina. Bakit hindi man lang sinabi sa kanya tungkol sa tattoo nito? Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya, napatigil siya nang makitang may pulang bilog na nakatutok sa anak niya. Biglang kumabog ang puso niyang makita iyon. Kinabahan siya sa nakikita niya ngayon. He pressed the alert button. Nakita niyang naging alerto ang mga tauhan niya. Nagtakbuhan ang mga ito patungo sa direksyon ng mag-ina niya. He quickly drew his gun from the back of his pants and looked around for the perpetrator. When he noticed something hiding from the tree where the secret panel was, he smirked. He didn't hesitate to fire his gun when he saw someone fall. He pressed the button on his wireless earphone. "What the f**k is going on?" Bakit may nakapasok sa pamamahay ko?! Check the panel, now!” Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa nangyayari ngayon. Kaagad siyang bumaba sa unang palapag para salubungin ang mag-ina niya. Nakahinga siya nang madatnan niyang wala naman nasaktan at prente lang nakaupo ang dalawa sa sala. Tumakbo ang anak niya patungo sa kanyang direksyon. Nagtataka ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. “Papa, ano pong mayro'n? Bakit pinapasok kami sa bahay? May nangyari po ba?” Nakita niya sa inosenteng mga mata nito ang pagkabahala. Ngumiti siya rito, at hindi nagpahalata na may panganib na nakaatang sa buhay ng anak niga. Hinaplos niya ang buhok nito, at buong pagmamahal na tinitigan niya ito. “Gusto ka lang makasama ni Papa kaya pinapasok ko kayo sa bahay.” Tumaas ang mga kamay nito hudyat na magpapakarga sa kanya. Yumuko siya upang kargahin ito. Sumulyap sita kay Olivine. Nakita niya sa mga mata nito ang takot, at pag-alala. Napabuntong-hininga siya, at tinalikuran ito. “Anak…” “Ano iyon Papa?” Naglalakad siya patungo sa ikalawang palapag kung saan ang silid ng CCTV Room niya. “Anak, may sinabi ka na narinig ni Papa noon na kamukha ni Katrina ang pumatay sa’yo?” Tinitigan siya nito na para bang inaalala ang sinabi niya. Kung pagmasdan ang anak niya ay hindi talaga maipagkakaila na anak niya ito. Sa kilos, pananalita, at titig nito ay katulad na katulad sa kanya. Tumango ito sa kanya. “Opo, kamukha po siya ng babaeng nagtangkang patayin, at kunin ako kay Mama. Magkahawig lang sila Papa, hindi siya iyon. May peklat sa kaliwang braso, at may tattoo sa dibdib.” Tattoo? Katrina? May tattoo si Katrina sa dibdib, pero bago lang iyon. Noong nakaraan pa lang niya nakita ang tattoo na iyon. May kapatid ba si Katrina? Posible. Bakit hindi nito sinabi sa kanya? “Anak, hindi ko na kayo hahayaang may mananakit pa sa inyo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko." Dinala niya ito sa itaas para doon na lang maglaro si Olivia. Mas mabuting dito na lang sa loob ng pamamahay niya maglaro kaysa sa labas na alam niyang delikado. Ayaw niyang mawala na naman ang anak niya dahil sa kapabayaan niya. Protektahan niya ito hanggang sa makakaya niya. Hindi siya makakapayag na magkahiwalay na naman sila, at malagay ito sa kapahamakan dahil sa halang ang kaluluwa. Kapag malaman niya ang ama na naman niya ang puno’t-dulo ng lahat ng ito ay hindi siya magdadalawang-isip na patayin niya ito, at kung sino pa ang kasabwat nito. Sa kalagitnaan sa pag-akyat ng hagdan, tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya sa bulsa, at sinagot ang tawag. [Sir, nilagay na po namin siya sa basement.] Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Ang nabaril niya kanina sa panel. Hindi niya maintindihan kung bakit may nakapasok sa pamamahay niya. Maraming nakabantay sa buong bahay, pero bakit may nakalusot pa rin? Napakuyom ang kanyang kamao, at napatiimbagang siya. Walang makakapasok sa pamamahay niya kung walang traydor sa tauhan niya. Iisa lang ang ibig sabihin na iyon. May mga tauhan siyang traydor, at lihim na nagmamasid sa kinikilos niya. “I’ll be there in 5 minutes.” He ended the call, and look at the woman who was looking at them. “Wala ka bang balak na sumunod?” nakasimangot niyang tanong rito. Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata nito. Naiinis siya kapag ganyan ang ugali ni Olivine. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng inis dito. Huminga na lang siya ng malalim, at hindi niya lang ito pinansin bagkus ay tinuon na lang ang atensyon sa anak. Pinagpatuloy niya ang pag-akyat sa hagdan, at iniisip ang pwedeng gawin sa sunod niyang hakbang. Unti-unti niyang aalamin ang mga kasabwat sa paligid niya. Himay-himayin ang mga ebidensya na alam niyang may dapat pa siyang malaman. Agad niyang binuksan ang pintuan sa silid ni Olivia, at pumasok sila sa loob. Naglakad siya papalapit sa kama ng anak, at pinaupo ito. Lumuhod siya sa harapan ng anak, at pinagmasdan ito. "You stay here with your Mama, okay?" Kumunot ang noo nito, at nagtatakang tinitigan siya nito. "Saan ka po aalis? Hindi po ba tayo maglalaro?" Ngumiti siya rito, at hinaplos ang ulo nito. "May aasikasuhin lang ako, anak. Kapag natapos na ang gagawin ko, babalik kaagad ako para maglaro tayo." Malungkot na nakatitig ito sa kanya at tumango na lang. Nasasaktan siyang makitang malungkot ito, pero kailangan niyang malaman ang puno't-dulo ng lahat na ito. Gusto ko mang manatili kasama ang anak ay hindi pwede dahil may gagawin pa siya sa lintik na iyon. Aalamin niya kung sino ang nag-utos sa lalaki. Pwedeng kaaway niya sa trabaho o nasa malapit lang sa kanya para madaling mapahamak si Olivia. " I need to go, Olivia." Hinalikan niya sa noo ang anak, at umayos na rin nang tayo. Sumulyap siya kay OIivia bago siya nagdesisyon na umalis na sa silid. Nagtungo kaagad siya sa silid niya para doon dumaan patungong basement. May secret door siya sa loob ng kwarto kaya madali na niyang mapuntahan ang basement sa bahay. Pinindoy niya ang red button na nasa gilid ng television niya. Umatras muna siya para hindi siya matamaan sa pag-ikot nito. Ang kaninang kaharap niyang television ay napalitan ng elevator. Patungo ito pababa ng bahay o mas tamang sabihin na underground basement. Dito niya pinapasagawa ang mga bagay tungkol sa trabaho niya. Alam ng mga kaibigan niya na may underground basement siya sa bahay, pero hindi pa nakatungtong dito sa basement. Lahat ng mga importanteng mga dokumento tungkol sa impormasyon ng mga kliyente niya ay nakatago rito. Ayaw niyang may makuha ang mga kaaway niya sa kanya, at ayaw niya ring ipahamak ang mga kliyenteng dumaan sa kanya. It’s better to hide than to show off. Mas mabuting itago ang mga bagay na alam niyang sa huli ay may mapahamak pa. Mas okay sa kanya na siya lang ang nakakaalam kaysa sa ibang taong alam niyang pwede siyang tatalikuran, at traydurin ka. Pagkapasok niya sa underground basement ay agad siyang nagtungo sa bihag nila ngayon. Nakita niyang nakagapos ito sa upuan, at maraming dugo sa damit nito. Sinenyasan niyang umalis ang mga ito para masinsinan niyang makausap ang salarin. Hinila niya ang isang upuan, at umupo sa harapan nito. Nilapag niya sa mesa na kaharap lang nila ang palagi niyang bitbit na baril. “Sino ang nag-utos sa’yo na patayin ang anak ko?” Hindi ito umimik sa kanya bagkus ay mapang-uyam na ngumisi ito na nagpainis sa kanya. “You still have a chance to survive, Mister. Tell me, who is your boss?” “ Kahit patayin mo pa ako, hindi mo pa rin makukuha ang kasagutan kung sino siya.” Tumatango siya rito, at natawa sa sinasabi ng kaharap. “Wala ka bang pamilya? Kung mayro'n man, ipapahanap ko sila at patayin sa harapan mo,” banta niya rito. Hindi siya mangingiming patayin ito ngayon. Kapag sinagad pa nito ang pasensya niya ay babarilin niya ito sa ulo. Sa ngayon, bibigyan niya ito ng pagkakataon para mabuhay. Kapag sinayang nito ang oras, at laway niya sa pakikipag-usap ay papatayin na talaga niya ito. Nanlaki ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito na nagpatawa sa kanya. “ H-huwag m-mong i-idadamay ang pamilya ko rito.” Pagak siyang natawa sa sinabi nito. “So, it’s okay to mess up with my family?!” dumagundong ang sigaw niya. Napakuyom ang kanyang kamao, at napahugot ng hininga para pakalmahin ang sarili niya. Napagdesisyon niyang tawagan ang tauhan niyang si Jhon. “Hanapin mo ang pamilya ng taong ito.” Nakita niya ang pangamba sa mga mata ng kaharap. Tingnan natin kung hanggang saan ang angas mo. “Gawin mo kung ano ang nararapat.” Hindi pa nga siya natapos sa pakikipag-usap kay John, nang marinig niya ang pagmamakaawang boses nito. “H-huwag! Maawa ka! H-huwag mong patayin ang pamilya ko. Sasabihin ko sa’yo lahat, pero kailangan mong iligtas ang pamilya ko sa kanya." Tinititigan niya ito nang mabuti kung nagsasabi ito ng totoo. “Madali ka lang pala kausap,” nakangising aniya. “ Saan ang pamilya mo, ngayon?” “Nasa isang lumang basement nila Kriselda." Kumunot ang noo niya nang marinig niya ang pangalan nito. Hindi niya pa narinig ang pangalan na Kriselda, ngayon pa lang. Wala siyang matandaan na kaaway na pangalang Kriselda. “Who is Kriselda?” he curiously asked. Maraming katanungan sa kanyang isipan. Wala siyang mahukay na kasagutan tungkol kay Kriselda. Kung sa kaaway ng kanyang kliyente ay posible. Posibleng binalikan siya ng mga kaaway ng kliyente niya, at patayin siya kasama ang pamilya niya. Iisipin pa lang niya iyon, nanginginig na siya sa galit. “ Nobya po siya ni Sir Israel.” Napakuyom ang kanyang kamao, at pati litid ng kanyang leeg ay gusto ng kumawala dahil sa galit. Talagang sinusubukan siya ng kanyang ama. Sinabihan na niya itong huwag pakialaman ang mga importanteng tao sa buhay niya. Sinagad na talaga nito ang kanyang pasensya. ****** OLIVINE Nang umalis na ang binata ay agad niyang nilapitan ang anak, at umupo sa tabi nito. Nakangiting hinaplos niya ang buhok ang anak at pinagmasdan niya itong naglalaro. Naalala pa rin niya ang galit sa mga mata ng binata. Kanina para na ngang papatay ang itsura nito. Alam na niya kung bakit kasi sa mga kinikilos ng mga tauhan nito ay naging alerto. May hindi magandang nangyayari kanina kaya nagmamadaling pinapasok sila sa bahay nito. Halata kasi sa mga mata ni Rough ang panganib. Napansin niyang palaging may baril itong tinatago sa likod ang binata. Siguro, sa trabahong ginagawalan ni Rough sobrang delikado na. Napabuntong-hininga siya. Marami na talagang pagbago si Rough. Hindi na ito ang Rough na kilala niya. “Mama…” Napatingin siya sa anak na nakatitig na pala sa kanya. “May hindi po ba magandang nangyayari kanina kaya pinapasok tayo sa loob ng bahay?” Ngumiti siya rito para hindi nito mahalatang may panganib na namang nakaatang dito. “Wala naman masamang nangyari, anak. Bakit mo naitanong?” Tumahimik ito, at napaisip. Ito ang napapansin niya kay Olive. Tatahimik ito na parang inaalisa ang mga nasa paligid nito. Katulad na katulad talaga ang kilos sa ama, walang pinagkaiba. “Napansin ko lang po, naging alerto ang mga lalaki, at pinapasok po tayo agad sa loob ng bahay.” Natawa siya rito kahit na natetensyon na siya sa mga nangyayari ngayon. Hndi talaga titigil ang ama ni Rough na si Israel na patayin si Olive. Kahit na nandito sila sa pamamahay ng binata ay hindi pa rin ito tumigil na patayin ang anak nila ni Rough. Nag-iiba talaga ang tao kapag pera na ang pag-uusapan. Naging sakim na para yumaman, at makapangyarihan na sa lahat. May kontrol na sa mga tao, at babayaran agad para tumahimik. “Huwag mo ng pansinin, Olive. Trabaho lang ng mga tauhan ni Papa mo na bantayan ka. Nakita mo namang walang masamang nangyari, 'di ba? Aalahanin mo na gagawin ni Papa mo ang lahat para maging safety ka." Pumalakpak ito sa saya na nagpatawa sa kanya. Kahit paano’y bumalik ang sigla ng anak, at hindi na nababakasan ang pangamba sa mukha nito. Ayaw niyang makita sa mga mata nito ang takot. Gusto niyang mamuhay ito ng normal, at makagalaw ito na walang iniisip na takot. Wala siyang ibang hinahangad kung ‘di ligtas lang ito sa kapahamakan. “Mama…” Napatingin siya rito, at ngumiti. “Ano iyon, anak?” “Mama, mahal mo ba si Papa?” Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Nabigla siya sa klase ng tanong ng anak kaya nabilaukan siya sa sarili niyang laway. “Mama. sagutin mo na ang tanong ko,” nakasimangot nitong sabi. Halatang gusto na nitong malaman ang kasagutan. Wala namang ibang lalaki ang bumihag sa puso niya kung ‘di si Rough lang, at wala ng iba pa. Siguro nga, single siya habang buhay dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagustuhan. Si Rough lang talaga ang nagmamay-ari ng puso niya. Kahit masakit na makitang masaya na ito sa pili ng iba, tatanggapin niya na wala na talaga sila. Masaya siya na masaya na si Rough Kay Katrina. Hindi naman siya bitter para ipagsiksikan ang sarili rito para mahalin siya ulit. Kung tapos na, tapos na talaga. Ayaw na niyang ipagpilitan na mahalin siya ulit. Hayaan niya na ang taong mahal niya na maging masaya sa ibang babae. Kaysa ipagsiksikan ang sariling alam niyang kasagutan na hindi na sila masaya sa isa't-isa. Ayaw na niyang ipilit na maging sila ulit, kung hindi na siya ang nagmamay-ari sa puso nito. Kung masaya na ito sa piling ng iba, tatanggapin na niya na hindi mapapasakanya ang binata dahil binitawan na niya ito. Nasa sa kanya na nga ang taong mahal niya, pero sinayang niya lang ang pagmamahal nito. Tanggapin na niyang hindi na niya makamit ang lalaki, bakit? Nasa sa kanya ito noon, pero binitawan niya pa. “ Oo, mahal ko ang Papa mo, pero hindi na pwede. May mahal na itong iba, at iyon ay si Katrina." Niyakap siya nito na ipinagtataka niya. “Mama, tanggap mo na may iba si Papa?” Ngumiti siya rito at tumango. “Oo, tanggap ko nang hindi na ako ang mahal ng Papa mo. I learn to let go rather than to hold on, Olive.” Kumunot ang noo nitong nakatingala sa kanya. “Ang gulo po.” Natatawang hinaplos niya ang buhok ng anak. “Bata ka pa para maintindihan mo, anak.” “Pero, Mama…” “Shhh… Tahimik na, Olive. Malalaman mo rin iyan kapag nasa tamang edad ka na." Natawa siya ng ngumuso ito sa kanya, at kumikibot-kibot pa ang nguso nito. Akmang magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang tiyan nito hudyat na gutom na si Olivia. “Halika, magpapaluto tayo kay Manang Esmeralda.” “Okay po." Hinila niya ito pababa sa kama para pakainin itong gutom niyang anak. Tahimik lang siyang bumaba sa hagdan habang pinapakinggan ang anak na kumakanta. Hinayaan na lang niya itong kumakanta habang bitbit nito ang doll nito. “Baby, ano ba ang gusto mong kainin?” “I want cookies, and milk, Mama." Pagkababa nila, napansin niya sa glass wall na makulimlim na ang kalangitan. “Anong oras na ba ngayon?” napatingin siya sa kanyang wristwatch, at nakita niyang 6 p.m na pala, malapit ng maghapunan. “Olive, dalawang cookies lang ang kakainin mo, okay?” Natandaan niyang may ginawa pa lang cookies si Shaina na isa sa katulong ng bahay. Bumitaw ito sa kanya, at tumakbo patungong kusina. Susunod na sana siya rito nang mapansin niyang may bag na nakapatong sa mesa sa sala, at may paper bag. Kumunot ang noo niyang pinagmasdan ito. May bisita ba si Rough? Kumibit-balikat na lang siya, at sinundan na lang ang anak na nasa kusina. Pagliko pa lang niya sa kanan patungong kusina ay narinig niya ang boses ng babae. Hindi siya pwedeng magkamali, boses ito ni Katrina. Rinig niya ang tawanan sa ‘di kalayuan ng kanyang kinatatayuan. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina, at nadatnan niyang nagtatawanan sina Manang at Katrina. Napakunot ang noo niyang pinagmasdan ang dalawa. May pagkahawig sina Manang, at Katrina. Mag-ina ba sila? Baka naman mali lang ang inaakala niya. Imposible namang mag-ina ang mga ito. Kasi kung ina nito si Manang, hindi sana hindi nagtatrabaho si Manang sa pamamahay mismo ni Rough. “Mama…” Napatingin siya anak niyang hinahatak ang kanyang damit. “Bakit?” “Naalala mo pa rin ba na may tattoo ang babaeng nagtangkang patayin ako, Mama?” Mahina ang boses nito na sila lang ang nakakarinig. Tumango siya rito, at sinenyasan na huwag magsalita baka makadisturbo pa silang dalawa. “Mama, she reminded me of the woman who almost killed me. The way she smiled and laughed, she looked exactly like the murderer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD