ROUGH
Napakunot ang noo ni Olivia, at taka siyang tiningnan.
"Si Tito Greg?"
Tumango siya rito, at iyong kabog ng puso niya ay hindi mapakali.
"Opo, kasal na po si Tito. Si Tita Amanda po ang asawa niya."
Nakahinga siya ng maluwag nang marinig niya iyon. Para siyang nabunutan ng tinik nang marinig niyang kasal na ito sa iba. Walang makakahadlang—
He shook his head.
"What was I thinking?" sita niya sa kanyang sarili.
Pagkababa nila sa hagdanan ay narinig niya ang tawanan ng dalawang tao. Sinundan niya iyon, at natagpuan ang sarili sa kusina.
Nadatnan niya sa kusina ang masayahing mukha ni Olivine na nakipag-usap kay Manang Esmeralda.
" Mama..." tawag pansin nito sa ina na nakatalikod sa kanilang direksyon.
Kaagad na binaba niya si Olivia na gustong kumawala sa pagkakarga niya. Binaba niya ito para makalapit kay Olivine.
Masayang sinalubong ni Olivine ang anak ng isang mahigpit na yakap, at pinugpog nang halik sa buong mukha. Hindi niya namalayan na nakatulala na pala siyang nakatitig sa mag-ina niya. Ang sarap pala kapag nakita niyang masaya ang mga ito. Parang may mainit na lumukob sa puso niya nang makita niya, kung gaano sila kasaya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya.
" Ang laki ng ngiti mo, hijo."
Napakurap siya, at doon na natauhan nang marinig niya ang panunudyo sa boses ni Manang.
He made up a cough, which made Olivine look at him. Tumayo ito mula sa pagkakayap kay Olivia.
"Rough..."
Sumeryoso ang mukha niya, at napatiimbagang siya habang nakatitig siya rito.
"What are you doing here?"
"Dinalhan ko ng paboritong ulam si Olivia na tinolang manok. I'm sorry, kung hindi ako nakapagsabi sa'yo agad na bibisita ako sa anak ko."
" Anak natin, Olive," pagtatama niya rito, at tumikhim. " Si Manang na ang maghanda niyan. Makakaalis ka na," pagtataboy niya rito.
Akmang tatalikuran na sana niya ito, nang marinig niya ang pagmamakaawang boses ni Olivia. Natigilan siya, at maang na nakatitig sa anak nang makitang may namumuong luha sa mga mata nito.
"Papa, gusto ko pong makasama kayong dalawa—parang buong pamilya."
Napabuntong-hininga siya, at walang nagawa kung 'di tumango na lang.
"Ngayong araw lang, Olivia."
Napatingin siya kay Olivine na tahimik lang na nakatitig sa kanya. Napaiwas naman ito ng tingin nang makitang nakatingin siya rito.
When he noticed her cheeks turning red, he grinned.
"Halina kayo, baka lumamig itong niluto ni Olivine."
Tumango siya kay Manang, at sinenyasan si Olivine na mauna na itong umupo. Sumunod naman ito sa sinabi niya, at siya naman ay umupo na sa harapan ng kanyang mag-ina.
Nagsimula na siyang nagsalin ng kanin, at ulam sa mangkok at tahimik na silang kumain. Nang malasahan niya ang ulam, napaungol siya sa sarap ng pagkakaluto. Sunud- sunod na subo ang kanyang ginawa na para bang wala ng bukas. Ngayon lang siya nakakain ng ganito.
****
OLIVINE
Napangiti si Olivine nang makita niyang maganang kumain si Rough. Napailing na lang siya. Ang takaw pa rin nito. Hindi pa rin nawawala ang pagiging matakaw na Rough na nakilala niya noon.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nabilaukan ito. Nagmamadali siyang kumuha ng isang basong tubig, at binigay dito para mahimasmasan.
Nang makitang nahimasmasan na ito ay kaagad siyang bumalik sa katabing upuan ni Olivia, at pinagpatuloy ang pag-asikaso rito. Hinaplos niya ang buhok ng anak, at pinagmasdan itong masaganang kumain. Kahit paano, napanatag ang kanyang kalooban nang makitang naging komportable na ito sa pamamahay ng ama.
"Thank you."
Napatingin siya kay Rough nang bigla itong magsalita. Napakunot ang noo niya nang marinig niyang nagpasalamat ito. Seryoso itong nakatitig sa kanya na para bang isang maling galaw niya'y may hindi ito magandang gagawin. Base sa tingin nito'y parang nagmamasid ito sa kanyang kinikilos.
"What for? For giving you water?"
Hindi niya alam kung bakit ito nagpasalamat. Dahil ba sa pagbigay niya ng tubig dito? Hindi naman big deal sa kanya iyon. Hindi na kailangan magpasalamat.
Umiling ito, at ngumiti sa kanya. Nabigla siya sa klase ng ngiti nito. Ngayon lang niya itong ngumiti nang walang halong sarkastiko. Gusto niyang umiyak sa harapan nito. Ganito na ba kababaw ang mga luha niya? Siguro, dahil ngayon lang niya ulit nakita ang totoo nitong ngiti sa mga labi ng binata.
“For taking such good care of our child."
Tipid na ngumiti siya rito, at umiling. "There's no need to thank me, Rough, because it's my responsibility as her mother."
Tumikhim ito, at tinuon na nito ang atensyon sa pagkain.She shrugged her shoulders, and focused entirely on Olivia.
"Olive..."
Napapikit siya sa klase ng pagbanggit ng pangalan niya. Hinintay niya, kung ano pa ang susunod nitong sasabihin.
“Why did you chose him instead of me?”
Napabuntong-hininga siya sa tanong nito.
"Babalik na naman tayo sa tanong na iyan?" pagod niyang tanong dito.
Paulit-ulit na niyang sinabi rito na hindi niya ito pinagpalit, at wala siyang balak na maghanap pa ng iba. Wala naman siyang intensyong saktan ito, pero kung iyong anak na niya ang agrabyado, ibang usapan na iyon. Wala siyang pakialam kung masaktan pa ito, at iyon lang ang tamang paraan na mailayo ang anak niya.
"Hindi pa rin ako nalinawan sa lahat.''
Akmang sasagutin na sana niya ito, nang marinig niya ang anak na nagsalita.
"Ma, tapos na po ako. Punta muna ako sa harden."
Ngumiti siya rito, at tumango. " Sige, punta ka muna roon. May pag-uusapan muna kami ni Papa mo."
Nagmamadali naman itong lumabas sa kusina. Mga ilang minuto nang hindi na niya narinig ang yabag ng anak ay agad na niyang tiningnan si Rough.
"Anong itatanong mo sa akin? Sasagutin ko ang lahat ng mga katanungan mo."
Bago siya nito sinagot ay tumayo na muna ito, at nilagay ang pinagkainan sa lababo. Nang matapos ito sa ginagawa ay umupo ito sa 'di kalayuan sa kanyang upuan.
"Olive, when you cheated on me, what was the first thought that came to your mind?"
Natawa siya sa klase ng tanong nito. "Since the time we were in a relationship, kahit kailan hindi iyan pumasok sa isipan ko. Bakit pa ako maghanap ng iba, kung sobra iyong pagmamahal ko sa'yo? "
Nakita niyang natigilan ito sa huling sinabi niya, at pagak na natawa sa gulat na reaksyon nito. Ngayon lang ba nito narinig ang totoong nararamdaman niya?
"Bakit ka gulat diyan? Gulat ka ba, dahil narinig mo na mahal kita?"
Kumunot ang noo nito, at pinagmasdan siyang mabuti. Kulang na lang ay matutunaw siya sa klase ng pagtitig nito sa kanya.
"Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa atin noon. Why did things get to this point?”
Natigilan siya sa narinig niya mula rito. Paano nga ba? Paano niya ba dapat sabihin?
Huminga siya ng malalim, at seryosong tinitigan ang mga mata nito.
"Perhaps that would never happen if we both trusted each other. I made a major mistake in thinking that we had strengthened, and hardened our bond. Rough, you don't believe in me. You have a tendency to trust others, including those who wrecked our relationship." Mapait na ngumiti siya rito, at umiling. "Kahit na paulit-ulit ko nang sinabi sa'yo, hindi ko iyon ginawa, pinipilit mo pa rin na mayroon kami. Mas pinili mong maniwala sa iba kaysa sa akin."
Tumayo siya, at akmang aalis na sana para puntahan ang anak, nang bigla nitong hinawakan ang kanyang braso kaya napatingin siya rito. Hinawakan niya ang kamay nito para alisin ang pagkakahawak nito sa kanya, pero hindi pa rin ito tuminag.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat? Bakit mo ako hinayaang husgahan ka? Bakit hindi pinakita sa akin ang pruweba?"
Pagak siyang natawa, at napatingala ng namumuo ang mga luha niya. Kailan ba mauubos ang luha niya sa kakaiyak sa lalaking ito? Puro na lang sakit ang binigay sa kanya.
"Ikaw iyong taong nakakaalam kung sino ako, Rough. Ngunit, ikaw rin pala iyong taong hindi naniniwala sa akin." Pasimple niyang pinunasan ang nakatakas na luha sa kanyang mga mata. "Bakit ko naman ipagpilitan ang sarili ko sa isang taong hindi ako kayang paniwalaan, at pahalagahan?"
Inalis niya ang pagkakahawak nito, at tinalikuran na niya ang binata. Tumigil siya ng may maalala. Dapat magkasundo sila sa mga importanteng bagay na makakatulong sa kanila.
Humarap siya rito. " Simula ngayon, hindi na natin pag-uusapan ang nakaraan. Ang pag-uusapan natin ay tungkol sa co-parenting. Instead of concentrating on our problem, we should pay more attention to our daughter.”
Lumabas na siya, at hindi na hinintay kung anong sasabihin nito. Dire-diretsong naglakad si Olivine patungo sa harden. Papaliko na sana siya sa kanan ng may nahagip ng kanyang mga mata. Naagaw ang atensyon niya sa larawan.
Bumalik siya para tingnan ang nakahilerang mga picture frame. Kinuha niya ang frame, kung saan nakuha ang atensyon niya. Tutok ang atensyon niya sa bandang dibdib ni Katrina. May malaking nunal ito bandang kaliwa. Naalala niya noong gabing natumba si Katrina, may tattoo ito sa kaliwang dibdib.
"Olive..."
Napalingon siya nang marinig niya ang boses ni Manang Esmeralda. Nabigla siya nang hinablot into ang hawak niyang frame. Hindi siya makapaniwalang napatitig dito. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Bakit ka nakatitig sa litrato ni Katrina?" salubong ang kilay na tanong nito sa kanya.
"Nagpa-tattoo ba si Katrina, Manang?"
"Hindi. "
Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa klase ng tono nito. Ibang Manang Esmeralda, ang nakausap niya kanina.
"Sigurado ba kayo, Manang? Hindi ba pumasok sa isipan ni Katrina na magpa-tattoo?"
"Hindi. Bakit mo ba naitanong?" kunot-noong tanong into, at naguguluhan na tinitigan siya.
Umiling siya rito. "Wala naman po, Manang."
Sino ang babaeng nakaharap niya noong gabing iyon?
****