ROUGH
Natulalang napatitig na lang si Rough sa papalayong si Olivine. Hindi niya na alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Naguguluhan siya sa sitwasyon. Sobrang gulo ng kinalabasan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Hindi pa rin siya matatahimik kapag hindi niya malalaman ang lahat. Naalala niya ang sinabi ng kanyang anak na pamilyar ang taong gustong pumatay dito, at iyon ay si Katrina. Nagdududa na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sisimulan niyang imbestigahan si Katrina. Kahit girlfriend niya ito, wala siyang pakialam dahil kung ang anak na ang nasa piligro, hindi siya mangingiming patayin ang taong iyon.
Nanginginig ang kanyang kamay na kinuha ang cellphone niya upang tawagin ang kapatid niya. Ilang ring bago ito sinagot ang tawag niya.
"Travis... "
[ Why are you calling me at this hour?]
Imbes na sagutin ang tanong nito, tanong din ang kanyang sinagot.
"Travis, saan na ang hinihingi ko sa'yo? Bakit natagalan?"
He heard Travis hissed. His brows furrowed in annoyance.
[Hindi umalis ng lungga si ama kaya hindi ako makapasok sa study room niya.]
Napasapo siya sa kanyang noo, at hinilot niya iyon dahil nakaramdam siya ng pananakit ng ulo.
"I sent someone there."
Kumunot ang noo niya nang marinig niyang tumatawa ito.
[You haven't changed at all, Rough. You still have the audacity to disrupt Father's mood.]
He has a playful smile on his lips. "You already know who I am. I have a bad relationship with our father. The rules are the rules, Travis. Even if he is our father, he is not a father figure in my opinion. He used us as an accomplice to complete his mission. Assassin is an assassin, and there is no mercy for those who plead for their own lives."
When he heard a loud noise on the other line, he frowned.
[Warning! Intruder Alert! Alert! Intruder!]
"Travis, what's happening?"
Naputol ang nasa kabilang linya na ipinagtataka niya. Napagdesisyon niyang tawagin ang kanyang tauhan na nasa loob ng bahay ng kanyang ama. Kumunot ang noo niya ng ring lang ng ring ang nasa kabilang linya. Hindi pa rin sinasagot ang tawag niya. Napailing na lang siya, at pinatay ang tawag. Pumunta siya sa cctv room ng bahay, kung saan konektado sa bahay ng kanyang ama ang cctv.
He pressed the button, and the massive monitor emerged from the ceiling, stopping in the middle. He pressed the number two on the keyboard that was connected to his father's home. Father is completely unaware of this. He installed the gadget inside the house discreetly so he could watch what his father was doing. When someone caught his eye, he scowled. Kaagad niyang pinindot ang zoom para makita niya nang maayos ang mukha ng babae. Confusion was written on his face right now as he noticed the woman's face.
"Bakit nandito si Katrina? Anong ginagawa niya rito sa pamamahay ni ama? " takang bulalas niya.
Iba ang kutob niya sa nangyayari ngayon, parang may hindi tama. Bakit hindi nito sinabi sa kanya na magkakilala pala ang dalawa? Kailangan na niyang bantayan ang mga kinikilos ng nobya niya, at ang ama niya. Sa tingin niya'y may tinatago ang dalawa sa kanya na hindi niya mawari kung ano iyon.
He dialed her number, and checked as to her whereabouts. Hindi na siya pwedeng uupo na lang, at hintayin ang mga tauhan niyang kakalap ng impormasyon. Tungkol sa mga bagay na nagpapagulo sa kanya, at malaman ang totoong rason kung bakit nawala sa kanya ang lahat. Aalamin niya ang puno't -dulo ng lahat ng mga ito. Pagtatagpi-tagpiin niya ang lahat upang malaman niya ang katotohanan. Sisimulan niya ang noon, na meron pa sila. Iyong unti-unting nawawalan na sila ng respeto sa isa't-isa. Ang pagmamahalan nila ay unti-unti na ring naglaho na parang bula.
Sa unos na dumating sa buhay nila’y bigla na lang nasira ang pundasyon sa kanilang relasyon. May kasalanan din ba siya sa mga nangyayari? Siguro, dahil hindi siya nakinig sa mga paliwanag ni Olivine.
[ Babe?]
Tinitigan niya ang kinikilos ni Katrina sa monitor, kung saan nakita niyang tumigil ito sa paglalakad. Base sa ekspresyon nito’y parang ayaw siyang makausap. Seryoso ang mukha nito, parang ibang Katrina ang nakikita niya ngayon.
[Why did you call? You still have work to do,] she asked, staring at her wristwatch.
Rough froze when he unexpectedly caught sight of her sly smirk. There is a sense that things could go wrong in his surroundings. Something is wrong with it.
"I call you because I already miss you.” He lied.
Gusto lang niyang pahabain ang pag-uusapan nila, at malaman ang totoo. Bakit nandoon sa puder ni ama si Katrina?
"Where are you? " pag-iiba niyang tanong rito.
"I'm here at my condo unit."
Napataas ang kilay niya, at napatiimbagang siya sa pagsisinungaling nito. Nakaramdam siya ng dismaya. indi niya akalain na magsisinungaling ito sa kanya.
" Are you sure? " pangungulit niya. “Why do I have the impression that you are keeping something from me? Would you mind sharing?" When her expression changed, he smiled. She's becoming anxious, as if she's in a dangerous situation.
[It seems you're accusing me of lying. Do you have any doubts about me?]
He laughed at her response.
Napaghalataan kasing may tinatago sa kanya. Ngayon lang niya alam na magkakilala pala ang ama niya, at si Katrina. Bakit hindi man lang nito sinasabi sa kanya? Bakit hindi sinasabi ni Travis ang tungkol dito?
"Relax, I only wanted to know where you were. You looked distressed, babe.”
Wait! Kumunot ang noo niya ng napatingin siya sa entrance ng bahay ni Ama. Nakapulang bestida ang sinuot ng babae. Hindi niya makita ang mukha nito dahil may nakaharang na sumbrero. She has the same physique as Katrina, but wears different clothing. She is more tenacious than Katrina. Halata sa galaw ng bagong bisita. Katrina, who is now stunned and teary-eyed. He observed her mouth moving as if to say, "I miss you." Hindi klaro sa kanyang paningin ang huling sinabi nito.
"Sir..."
Nawala ang atensyon niya sa monitor dahil sa pagdating ng isa sa tauhan niya.
"Sir, I got a call from Roberto." binigay nito ang telepono sa kanya.
Kaagad niyang kinuha rito ang telepono, at sinagot ang nasa kabilang linya.
[ Sir, nagkagulo kanina sa bahay ng ama mo dahil isa sa mga kaaway niya ay nakapasok sa pamamahay niya.]
Hindi na siya nagtaka roon dahil maraming kaaway ang ama niya. Naalala niya noon, palagi silang may dalang baril o 'di kaya dagger para sa kanilang kaligtasan. Kailangan nilang maging aktibo, at magmasid sa kanilang kapaligiran dahil pwedeng manganganib ang buhay nila sa kamay ng kaaway. His father taught them how to wield weapons of war upang hindi sila malamangan ng kaaway. Sa murang edad, sanay na silang gumagamit ng delikadong gamit.
Nagtataka siya nang biglang tumahimik sa kabilang linya. Rinig lang niya ang pagbukas-sara ng pintuan.
[ Sir, ang pinagtataka ko lang…bakit nandito si Ms. Katrina? Sa nakikita ko, close sila ng nobya ng ama mo. Naririnig ko sa mga tauhan dito, madalas pumupunta si Ms. Katrina tuwing lunes, miyerkules, at sabado.]
Hindi niya pa talaga kilala si Katrina. May mga bagay pa talaga siyang hindi alam sa babae. Tumingin siya sa monitor. Nakita niyang pumasok ang dalawa sa malaking pintuan.
"Alamin mo, kung ano ang pagkatao ni Katrina. Magmasid ka sa mga kinikilos niya baka isa siya sa tauhan ni ama. "
Pinatay na niya ang tawag, at binigay dito ang telepono.
" Peter, bukas na bukas ikaw na ang maging driver ni Katrina. Bantayan mo ang mga kinikilos niya, kung sino ang nakakasalamuha niya, at kung saan siya pumupunta. I-report mo sa akin kaagad," maawtoridad niyang sabi rito habang nakatutok pa rin ang atensyon sa monitor.
Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kailangan niyang malaman kung ano ang pagkatao ni Katrina. Hindi niya pa lubos na kilala ang dalaga.
"Papa..."
Napalingon siya nang marinig niya ang boses ng kanyang anak. Napangiti siya rito, at sinenyasan na lumapit ito sa kanya.
"Papa, gusto ko pong kumain ng tinolang manok." Nakangusong tumingala ito na para bang nagmamakaawa sa kanya.
Kinarga niya ito, at lumabas na sa cctv room. Bago niya sinarado ang pintuan ay inutusan niya ang kanyang tauhan na ito na ang bahala soon.
Naglalakad siya patungo sa kusina para ipaalam kay Manang na magpaluto siya ng tinolang manok. Bumaling siya sa anak na nakahilig ang ulo nito sa balikat niya.
"Paborito mo ba ang tinola?"
"Opo! Palagi pong nagluluto ng tinola para sa akin si Mama o 'di kaya si Tito Greg."
Napakunot ang noo niya nang marinig niya ang pangalan ng lalaking pinagseselosan niya noon pa. Ang lalaking si Greg, ang may rason kung bakit nagkahiwalay sila.
"Is he married?"