CHAPTER 13

3167 Words
UNKNOWN Kanina pa nagmamasid ang isang taong puno ng galit, at pagkamuhi sa isang taong gusto na niyang mamatay para wala ng sagabal sa kanilang landas. Matagal na nilang binabantayan ang mga kinikilos ni Olivine, subalit hindi sila makalapit, at gumawa ng hakbang dahil may pumoprotekta sa dalaga. Gusto na niyang wala ng hadlang sa dapat nilang gawin. Walang mga hadlang na magpapabagsak sa kanila. Alam niyang kumikilos ang mga taong nagprotekta rito. Naglakad patungo sa madilim na bahagi ng gusali ang babae patungo sa kung saan-- walang katao-tao. Doon siya nagtago para walang makarinig sa pag-uusapan nila ng nasa itaas. Ang kaniyang boss na matagal na niyang tinitingalaan, at matagal na niyang minahal. Napangisi siya nang makitang tumatawag na ang kaniyang hinihintay, ang boss niyang si Maximo. Hindi na siya makapaghintay na sabihin rito, kung ano ang nalalaman niya. Hindi siya pwedeng magsayang ng oras para wala na siyang dapat isipin kung 'di ay mawala sa kanilang landas ang mag-ina. Hindi pwedeng mapasakanila ang lahat na pinaghihirapang makuha ng nasa itaas. Masama na kung masama, wala siyang pakialam. Ang hinangad niya ay makatulong sa mahal niya. Simula ng nawalan siya ng mga magulang ay ang lalaking matagal na niyang minahal ang tumatayong haligi para sa kanilang magkapatid. Binigay nito ang lahat ang kung ano ang gusto niya, at pati ang pagmamahal niya ay nasuklian nito kaya kung ano ang gusto nito ay dapat din niyang suklian ang kabutihang ginawa nito sa kanya. "Maximo, mahal ko..." nakangiti niyang bungad sa kabilang linya. Rinig niya ang tawa nito kaya mas lalo siyang ginanahan na isiwalat ang kung ano ang nalalaman niya. [Pakiramdam ko sa boses mo, Alice, alam kong may balitang maganda,] seryosong sabi sa kabilang linya. "Mahal ko, may mga bahagi ng bahay ni Rough na hindi napapalibutan ng cctv. Pwede tayong makapasok, at makalabas sa bahaging iyon." [Iyan ang nagugustuhan ko sa'yo! Hindi mo talaga ako binigo, Alice.] Naalala niya noong oras na pumunta siya sa bahay ni Rough. Kahit labag sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin para hindi ito magduda sa kinikilos niya, at iyon din ang paraan para matagal siyang manatili sa pamamahay nito. Ang mas maganda pa ay umalis ito dahil may kliyente itong kakausapin. Iyon ang hudyat na malaya siyang makakilos sa pamamahay ng binata, pero nag-iingat siya sa kanyang mga kilos dahil may mga cctv sa bahay. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kasuluksulukan ng bahay para makita kung saan bahagi ang walang cctv para sa susunod nilang hakbang ay alam na nila kung saan ang pasikot-sikot. My dapat silang kunin na importanteng tao para pampain, pero sobrang hirap dahil hindi siya makakilos nang tama kung 'di niya alam ang buong paligid ng bahay. Habang may oras siya sa paglilibot kung saan nakalagay ang mga cctv ay hinanap din niya kung saan ang silid ng batang puno't-dulo ng lahat ng paghihirap ng mahal niya. Isa ang batang si Olivia sa hadlang sa kanilang plano kaya dapat kung sino ang nakasagabal sa kanilang landas ay dapat burahin sa mundo. Napatigil siya, at napangisi nang marinig niya ang ingay sa isang silid. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan para hindi siya nito mapansin. Nakita niya ang bata na naglalaro sa kama habang hawak nito ang laruan nitong barbie doll. Hindi siya nito napansin dahil sa nakatutok ang atensyon nito sa pagsusuklay ng buhok sa hawak nito— Napabalik siya sa katinuan nang marinig niyang nagsalita si Maximo. [Nandiyan ka ba Alice?] She cleared her throat bago siya tumugon dito. "Oo. Nandito pa ako, Maximo. Sa bahagi ng likuran ng bahay ay may isang pintuan doon na may lagusan patungo sa kung saan ang labasan. Pwede tayong doon na dumaan para kunin ang bata. Hindi tayo pwede sa kabilang bahagi ng bahay dahil maraming nakapalibot na cctv. Sa likod kasi ay dalawa, pero iyong bahagi ng lagusan ay hindi nakaharap ang cctv doon. Pumalakpak ito kaya mas lalo siyang nasisiyahan dahil alam niyang masaya ito sa impormasyon niya. Gusto niyang maging masaya ang mahal niya kaya hindi siya magsasawang tutulungan ito hangga't sa makakaya niya. *** Olivine Napapikit at napahawak si Olivine sa kanyang dibdib ng kumirot iyon. "Bakit kasi ayoko pa rin tumigil sa pagmamahal kay Rough? Hanggang kailan ba ako magsasawa sa pagmamahal sa lalaki?" palihim niyang sita sa kanyang sarili. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Rough. Hindi pa rin nawawala ang lakas ng t***k ng puso niya kapag nasa malapit ito o makita. Hindi nga niya alam, kung ano ba ang rason kung bakit patuloy pa rin siyang nagmamahal sa lalaking wala ng pakialam sa kanya. Napatigil siya nang maalala niyang pamilyar sa kanya ang tattoo sa kabilang bahagi ng dibdib ni Katrina. Parang nakita na niya ito, pero hindi niya mapagtanto kung saan niya nakita ang tattoo. Napailing na lang siya dahil kahit anong pag-iisip niya ay hindi pa rin niya maalala. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo upang mawala ang katanungan sa kanyang isipan. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad patungong exit ng gusali dahil ayaw na niyang makasalamuha ang iba. Nang makalabas na siya ay agad siyang naghintay sa gilid ng daan para maghintay ng taxi. Mga ilang minutong paghihintay ay nakahinga siya ng malalim nang makitang may paparating na taxi sa direksyon niya. Akmang itataas niya ang kanyang kanang kamay para pumara nang bigla na lang may humigit sa kanya. Nawalan siya ng balanse sa pagkakahila nang walang modong tao na bigla na lang humigit sa kanya. Napaigik na lang siya ng tumama ang kanyang ilong sa matipunong dibdib ng sinumang puntyong -pilato ang nasa harapan niya. Bahagya siyang napaatras nang maamoy niya ang pamilyar na pabango na katulad kay Rough. Tumingala siya para makita ang pagmumukha ng lalaking nasa harapan niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaking umuukopa sa kanyang isipan. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala. Si Rough nga ang nasa harapan niya ngayon. Akmang lalayo siya sa lalaki nang hinapit nito ang kanyang beywang. Sobrang kabog ng dibdib niya sa lakas ng pintig nito. Para siyang kinakapos sa paghinga sa sobrang lapit nito sa kanya. Pumapalag siya sa pagkakayapos nito sa kanya, pero mas lalo lang siya nitong hindi binitawan. Huminga siya ng malalim, at tinulak niya ito nang malakas sa dibdib. Hindi man lang tuminag sa kinatatayuan, at pagkakayapos nito sa kanya. "Let me go," mariin niyang pagkakasabi. Gusto niyang lumayo rito dahil naiilang siya sa posisyon nilang dalawa, pero itong lalaking nakayapos sa kanya ay hindi man lang nakaramdam ng pagkailang. Blangko lang ang ekspresyon nito, at pagtiimbagang nito. "No, you will escape from me if I let you go." Nakaramdam siya ng inis sa narinig mula rito. Kung totoo lang ang sinabi nito 'di sana hindi sila umabot sa puntong ito. 'Di sana masaya silang magkasama ngayon. Ngunit, sa mga rason na walang kabuluhan, mas pinapaniwalaan nito ang mga pinagsasabi ng ibang tao, at ang ama din nitong humadlang sa relasyon nila. Sana kung pinapaniwalaan siya nito, ‘di sana hindi sila nagkahiwalay, pero puro na lang siya sana. Wala namang saysay iyon dahil walang tiwala sa kanya si Rough. Napasigaw siya sa gulat nang pinangko siya nito, at nilagay sa balikat na para siyang sako kung kinarga nito. "Better." Nahimigan niya ang pagngisi nito na mas lalong kumulo ang dugo niya. "Put me down, Rough!" Hindi siya nito pinansin, nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Pumasag-pasag siya para bitawan siya ng binata, pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa binti niya. "Don't expect me to catch you if you won't stop wiggling." Namumuo ang mga luha niya ng marinig niya ang huling sabi nito. Naalala niya ang nakaraan nilang dalawa na puno ng mga masasayang alaala. Hindi niya makalimutan ang unang pagkikita nila ng binata. Noong hindi pa sila magkakilala ng binata. Natawa siya nang maalala niya ang unang araw na nakita siya ng binata na umakyat sa puno ng mangga sa tapat ng bahay nito. Barako ba siya? Siguro kasi sobra siyang lalaki kung kumilos. Umakyat siya sa bakod ng bahay na hindi niya naman alam kung kanino. Basta nakita niya lang na may mangga sa puno, hindi niya na iniisip na hindi naman sa kanya iyon. Nang nakita siya ng may-ari ay agad siyang sinita na kailangan daw niyang bumaba bago pa siya mahuli sa bodyguard o Papa nito baka daw mapahamak pa siya. Hindi niya malaman kung bakit napatanga na lang siya sa nakita niya ngayon. Mga mata nito'y ang sarap titigan. Matangos ang ilong, mapupulang mga labi, at katamtaman ang pangangatawan. Hindi niya malaman ang sarili, kung bakit siya nahuhumaling na titigan ito. Parang may nag-udyok sa kanya na gusto niyang makilala pa ito. Nahihibang na ba siya? Ngayon lang niya ito nakita, pero kung tumunganga siya rito ay parang siyang tanga. Nakita niyang napailing ito sa reaksyon niya. "If you fall, don't expect me to catch you." Madilim ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Kinabahan siya sa klase ng awra ng lalaki, parang may hindi magandang mangyayari. May lumulukob sa kanyang sistema na takot kaya nagmamadali siyang bumaba sa puno. Napangiwi siya ng muntik na siyang mahulog kung hindi siya nakahawak sa sangay ng puno. He hissed at her kaya napatingin siya rito. Wala man lang siyang nakitang pag-alala sa mga mata ng binata. Blangko lang itong nakatitig sa kanya. "Get out!" Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niyang magsalita ito. Kaya nagtataka siyang napatingin sa harap. Kung saan nakita niyang seryoso itong nakatitig sa kanya sa rearview mirror. "Hindi ka ba lalabas?" Napakunot ang noo niya sa sinabi nito kaya tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Nakita niya ang nagagandahang mga bulaklak, at pati ang mga puno sa lugar. Nakasunod lamang siya rito. Habang nakasunod siya, naguguluhan siya sa kanilang tinatahak. Kung saan patungo sa isang harden. Habang nakasunod siya sa binata ay sobrang kabog ng dibdib niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid ng hardin. Napakapamilyar sa kanya ang disenyo. Hindi siya pwedeng magkamali, siya mismo ang nagdisenyo sa harden na ito. Bawat detalye nang sinabi niya noon sa binata ay kuhang-kuha sa kanyang gusto. Huminto sila sa gitna ng hardin kung saan may malaking statue na babae, hawak ang violin. Nasa isang malawak na harden sila ng bahay ni Rough na nagpipiknik. Gusto kasi ng nobyo niya na rito sila mamamalagi para wala daw disturbo sa kanilang dalawa. Baliw ‘di ba? Sa totoo lang, kahit na nasa harden lang sila ng bahay ni Rough ay sapat na sa kanya. Mas maganda nga na nandito sila para walang maingay, magulo at makapagpahinga sila rito dahil sa preskong hangin galing sa mga puno ng hardin ni Rough. Sila lang dalawa ng nobyo sa bahay nito dahil nagpahinga na ang mga kasambahay. Nakasandal sa puno ang binata habang nagbabasa ng libro, at siya naman ay nakaunan sa hita nito. "Ro... " "Hmmf... " "Gusto ko sana kapag magpapakasal tayo ay maglalagay ako ng statue na may babaeng nakahawak na violin dito sa gitna ng hardin." Natawa ito sa kanyang sinabi. "Hanggang dito ba naman ay iyan pa rin ang nasa isip mo?" Napanguso siya sa sinabi nito. Alam niyang nang-aasar na naman ito sa kanya dahil sa palagi niyang bukambibig dito na gusto niyang maging violinist, pero sa kasamaang palad ay hindi siya pinagpalad sa talento sa paggamit ng violin. "Kahit na hindi ako naging violinist ay gusto ko kahit statue man lang na babae na may hawak na violin. Nagpapasaya na sa akin.” Nakita niyang umangat ang gilid ng labi nito, at binaba nito ang libro sa gilid. Tumuon na ang atensyon sa kanya ng nobyo. Hudyat na gusto nitong marinig kung ano ang gusto niyang sasabihin. Matiim siyang tinitigan ni Rough, at inaayos ang kanyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. "Ano ba ang gusto ng magiging asawa ko?" Lumawak ang kanyang ngisi, at galak na sinabi niya, kung anong gusto niya. "Gusto ko kapag ikinasal na tayo ay simpleng bahay, maraming bulaklak, at puno sa paligid ng bahay natin. Tapos iyon nga sa gitna ng hardin ay may katamtamang laki ng statue na babae na may hawak na violin." Kumislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Kinilig siya nang makita kung paano siya nito titigan ng buong pagmamahal. "Iyan ba ang gusto mo?" Tumango siya rito. Sigurado na siya na ang lalaking ito na ang kasama niya, at ang lalaking papakasalan niya. Hindi siya maghahanap ng iba dahil si Rough lang ay sapat na sa kanya. Nandito na ang lahat na pinapangarap ng isang babae. He's full package kung baga. Napakurap siya nang bigla nitong pinitik ang kanyang ilong kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Ano na naman iyon?" "Ano ang iniisip mo?" kuryusong tanong nito sa kanya. "Ikaw, " walang paligoy-ligoy niyang sagot. Totoo naman kasi na ito ang nasa isip niya, at tungkol din sa future nilang dalawa. "Olivine... " Napakurap ang kanyang mga mata, at napabalik siya sa katinuan nang marinig niya ang pagbigkas nito ng pangalan niya. "Why are you crying? " nakita niya sa mga mata nito na naguguluhan sa nakita. Napakapa siya sa kanyang pisngi. Doon niya namamalayan na umiiyak na pala siya. Ang sakit lang, parang kahapon lang ang nangyari. Umiiling siya rito, at pasimpleng pinunasan ang pisngi niya. Kahit anong gawin niyang kalimutan ang lahat ng mga magagandang alaala nilang dalawa ni Rough ay hindi pa rin niya magawa. "Do I really need to answer that?" walang gana niyang tanong rito. Kailangan pa ba niyang sagutin ang katanungan, na alam niyang masasaktan din naman siya? Napansin niyang naiinip na itong nakatingin sa kanya. Napatagilid ang ulo nit,o pero ang tingin nito'y parang binabasa ang kanyang isipan. To divert the subject, she makes up a cough. Wala naman siyang mapapala kung magtitigan lang silang dalawa. "Rough, ano na naman itong pakulo mo? Bakit mo ako dinala rito sa pamamahay mo? " Kanina pa gumugulo sa kanyang isipan ang lahat. Bakit nandito siya sa pamamahay nito? "Gusto lang kitang tanungin sa mga bagay na nagpapagulo sa akin." Umiwas ito ng tingin, at bumaling ang atensyon nito sa kawalan. Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ng dating nobyo. Ang hirap basahin ang kinikilos nito na para siyang nangangapa. Hanggang kailan kaya siya makausad kung ganito na naman siya? Pabalik-balik sa sitwasyon na wala siyang kasiguraduhan kung may babalikan o ipagpatuloy ang nasimulan na? "Wala naman tayong dapat pag-usapan. Simula pa lang tinapos mo na ang lahat sa atin. " Totoo naman kasi iyon, gusto niyang magpaliwanag kay Rough. Sa lahat ng mga nasaksihan nito na hindi naman totoo. Gusto niyang linisin ang pangalan niya, at dignidad niya bilang babae. May karapatan naman siyang mapagod. Ayaw niyang ipilit ang sarili na gumawa ng paraan kung iyong taong iyon ay hindi naniniwala sa kanya. Mas mabuti nang tumahimik kaysa magsalita dahil wala namang naniniwala sa kanya. Nakita niyang napatiimbagang ito sa sinabi niya. May mali ba siyang nasabi? Wala naman ‘di ba? Sinabi lang niya kung ano ang totoo kaysa naman magsinungaling siya. "Do you really believe I'll understand everything you've done to me? Why is it so difficult to understand you?” may panunumbat ang tono ng boses nito. Napakuyom siya ng kamao, at nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig dito. Ayan na naman tayo, babalik na naman sa simula. Paano nito maintindihan kung aakusahan kaagad siya? Hindi naman niya alam kung bakit. Bigla na lang itong nagbago sa kadahilanang siya daw ay may ibang lalaki at iyon ay hindi naman totoo. Mas naniniwala ito sa ibang tao kaysa sa kanya. Sobrang sakit lang. "Paano mo maintindihan kung aakusahan mo ako kaagad? Una pa lang, hindi mo ako pinakinggan." Napaatras siya nang lumapit ito sa kanyang kinatatayuan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa klase ng pagtitig nito sa kanya. Bawat hakbang nito papalapit sa direksyon niya'y sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung aalis ba siya sa kanyang kinatatayuan. Kung iyong paa niya ay parang nakadikit na sa lupa dahil sa kabang naramdaman. She gasps as he snatches her upper arm. Mariin ang pagkahawak sa kanyang braso kaya pumalag siya para makawala sa pagkakahawak nito. "Ano ba! Bitawan mo ako! " sigaw niya rito, pero hindi nito narinig. Kinaladkad siya patungo sa statue, at marahas na binitawan ang kanyang braso. Napahawak, at napatingin siya sa brasong kumirot dahil sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito kanina. Tinalikuran siya ni Rough. Nakita niyang napasapo ito sa mukha na para bang ang laki ng problema nito. Marahas itong lumingon sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita itong tumulo ang luha nito. "I was left hanging, Olivine, waiting for you to come back. But, why did you choose him over me? Why?" Hindi niya alam kung maawa ba siya sa kaharap. Puno ang panunumbat ang sa boses nito sa kanya. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Sobra siyang naguguluhan ngayon sa pinapakita nito sa kanya. Tapos na kasi sila, may dapat pa ba silang pag-usapan? Ibinigay na nga niya ang karapatan sa anak nila dahil alam niyang si Rough lang ang nakapagbibigay ng seguridad. Nagtataka siya kaya Rough. Bakit binabalik-balikan ang nakaraan, kung tapos na sila? May nobya na ito, at iyon ay si Katrina. Bakit ngayon ay nagpapagulo ito ng kanyang isipan? Napabuntong-hininga siya, at saka lumapit sa kinatatayuan ng binata. Seryoso niya itong tinitigan habang naglalakad siya papalapit dito. Hindi niya alam kung tumigil ba ang oras dahil pakiramdam niya’y huminto ang kanyang mundo dahil sa lalaki. Sobrang mahal niya talaga ito na higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili. Nang nasa tapat na siya ng binata, pinagmasdan niya ang mukha nito. She stroked her index finger across his thick brows, down to his sculpted nose, and finally to his lips. She didn't want him to see the tears welling up in her eyes. Sobrang sakit nang nararamdaman niya ngayon. Ang akala niyang hindi na niya ito matitigan ng malapitan, at mahawakan ay nakamtan din niya ngayon. Sobrang sakit na hindi na siya ang babaeng mahal nito. "G-gusto mong malaman ang totoo? " garalgal ang boses niyang tanong dito. Nakita niya ang gulat sa mga mata ng binata. "I d-didn't c-cheat on y-you. Why do you judge me so quickly? Even though, in the very first place, I did everything for you because I love you. Pero, ikaw pa iyong taong madaling sumuko sa'kin. Why? I assumed you would be the one to hang onto me, but you give up easily. When you saw the photo, and those documents…na hindi naman totoong ikinasal ako sa iba. Kaya nga tayo humantong sa ganito dahil mas pinaniniwalaan mo ang iba kaysa ako." Hinayaan niyang umagos ang luha sa kanyang mga mata. Luhang matagal na niyang kinimkim ng ilang taon. "O-Olivine... " Napahawak ito sa kamay niya, at napapikit. "Minahal kita ng lubos, Rough, pero dahil sa isang bagay na hindi naman totoo kaya tayo nagkahiwalay. " Dumulas ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay, at siya naman ay umatras. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD