CHAPTER 10

1689 Words
ROUGH He examines the security monitors one by one, attempting to discover and secure the safety of their ordinary and VIP clientele who have faith in them. He scowled as he looked at the video and c****d his head when he noticed something strange at Mr. Clemente's home's back door. May nakita siyang kahina-hinalang pigura na nagtatago sa isang halaman. Kung hindi niya lang tinititigang mabuti parang walang kakaibang nangyayari. Para lang siyang anino ng bulaklak, at wala naman malakas na hangin sa labas. Bakit gumalaw ito? May isa sa pamilya nito ang nagmamatyag sa galaw ng kliyente niya? Baka isa rin sa rason kung bakit hindi nila nahahanap ang murderer ay dahil sa loob mismo ng pamamahay ni Mr. Clemente na tumira ang suspek. He quickly pulls out his phone from his pocket, calls his security team, and tells Mr. Clemente that someone in his family is either a suspect or, possibly, not, but that most of them want him dead so they can get his inheritance. What a clever. Imposible naman kasi na sa labas ng bahay kung wala naman silang namamataan sa labas na umaaligid. Ngayon ay nakita nila na may isa sa pamilya nito ang may tangkang patayin si Mr. Clemente. Pinalitan niya sa pag-upo ang kanyang tauhan sa harap ng monitor. Siya na mismo ang mag-operate ngayon upang makasigurado siya sa mga galaw ng nasa likod ng threat na natanggap ng kliyente niya. Ang ibang tauhan naman niya ay nagbabantay sa buong paligid ng bahay ni Mr. Clemente. Tutok ang atensiyon niya sa monitor. Pinagmasdan niya nang mabuti ang taong nagtatago sa madilim na parte ng bahay. May malaking halaman na nakaharang dito, pero hindi siya nito malinlang. Sinuot niya agad ang wireless earphone upang marinig pa rin niya ang pinag-uusapan sa kabilang linya. Napatigilid ang ulo niya nang makitang nagsimula ng kumilos ang nagtatago sa likod ng halaman. Wait… Kumunot ang noo niya ng napatingin siya sa isa pang panig ng bahay. May isa pang pigura ang nakikita niya. Napatingin siya sa kasama rin niyang nakatutok sa malaking monitor. "Sir, hindi lang isa o dalawa ang umaaligid kundi limang katao ngayon na umaaligid sa kabahayan.” "Team, Alert. May limang taong umaaligid sa bahay. Ang isa sa harapan, at ang isa sa gilid ng pintuan sa may bandang kaliwa. Ang isa naman ay nasa..." ni-zoom in niya ang surveillance camera para makita niya nang maayos kung sino ito, "ang isa nasa back door, at ang dalawa ay umaakyat na sa bintana. Team, don't make any mistakes at this time. Always be wary.” Sinenyasan niya ang kanyang pinalitan kanina para ito na ang humarap sa monitor. Magbigay siya ng signal, at kung ano ang dapat gawin. Nagmamasid lang siya sa mga tauhan niya na abala na sa kanilang ginagawa. Naputol lang iyon ng bumulong sa kanya ang kanyang assistant. Kunot-noo niya itong tiningnan. Something horrible happened, based on his reaction. "Sir, may problema po tayo." He fixed his gaze on him, and waited for his assistant to speak. "Sir, may nakuha akong impormasyon mula kay Paul.” "What is it? " Napatingin siya sa envelope na inilahad sa harapan nito. Tinanggap niya iyon. Inisa-isa niyang tiningnan ang mga litrato. According to the photo, they were doing some illegal work at the site. "Parang nakita ko ang lugar na ito.” Inalala niya kung saan niya nakita ang lugar na ito. Nakapunta na siya sa lugar na ito noon. Ilang minutong pag-iisip nang sumagi sa isipan niya ang isa sa pagmamay-ari ng kanyang ama. "One of my father's hideouts.” "May nakalap pong tungkol diyan sa hideout ng Papa mo. Si Mr. Chua ay isa sa mga hinihinalang nagpapatakbo sa planta na puno ng illegal na pagnanakaw ng oil, at gas. Isa sa dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng oil, at gas station dahil sa naubusan na ng stocks.” His jaw was so clenched. He crumpled the paper in his hand and tossed it away. May ginagawa na naman ang ama niya ng palihim. Labag sa batas ang pinaggagawa nito. Napaigting ang panga niya sa kanyang nalalaman ngayon. His father does something that irritates him even more. Nagsisimula na naman itong gumagalaw pailalim. Alam niyang may illegal business ito. Naghahanap pa siya ng matibay na ebidensiya na makapagpabagsak nito. "Tumawag ka kay Chief. Sabihin mo sa kanya ang mga transaksyon ng mga Chua, at may ipapadala siyang mga tauhan niya roon upang magmatyag sa mga kinikilos ni Mr. Chua. We currently lack additional evidence. We need the chief of police's assistance to make it easier to arrest and prosecute the suspect." "Sir, what about your father?" “Ako na ang bahala kay ama. May nakalap na akong ebidensiya para isuplong siya. Hindi pa sa ngayon dahil pwedeng makialam ang kasabwat niya sa gobyer—” Napabaling sila sa pintuan nang makarinig sila ng katok. Bumukas ang pintuan, at nakita niya ang bodyguard niya. "Sir, Ms. Katrina is here. Naghihintay siya sa office ninyo." Tumango siya rito at nagpaalam na sa kanyang mga tauhan para umalis. Pinuntahan ang nobya niyang naghihintay sa kanya. In the middle of walking down the aisle, something was still bothering him. Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Olivine, ang tungkol sa hindi pa ito kasal. Kung hindi pala kasal ito, paano nangyayari iyon? Na peke ang dokumentong pinakita sa kanya ng kapitolyo? Para ano? Para linlangin siya? Para saan at sino ang gumawa no’n? Hindi kaya ang ama niya ang gumawa ng pagpeke ng kasal nila ni Olivine? Posible, dahil simula't-sapol ayaw ng ama niya sa dalaga dahil sa pagbitiw niya bilang assassin ng clan nila. He loves her so much that he stopped being an assassin. He desired freedom and the safety of the woman he loves. He doesn't want her to be in danger, but his life has never been easy. She cheated on him, and things are only getting worse. He was taken aback when he was greeted by Katrina's hug and giggles. Hindi man lang niya namamalayan na nakarating na pala siya sa opisina dahil sa malalim na iniisip niya. "Babe... " "Hey!" Pasimpleng inilayo niya ito sa kanya, at bigyan nang halik sa pisngi ito. "What are you doing here? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka rito." Matamis itong ngumiti sa kanya, at pinakita nito ang dalang paper bag, at coffee. "Dinalhan kita ng pagkain para hindi ka mangangayat. Puro ka na lang trabaho. Hindi ka man lang nagpapahinga. Bigyan mo naman ang sarili mo kahit kaunting oras man lang na pahinga," sermon nito sa kanya na nagpatawa sa kanya. "Kahit yakap lang ay solve na ako." He smiled at her na nagpangiti naman dito. "What a sweet boyfriend you are. Kaya mas lalo kitang minahal e. " She kissed him on the lips. Tutugon na sana siya ng may tumikhim galing sa likuran niya. "Rough..." "Olivine..." Napalingon siya sa likuran niya. Nakita niya ang anak na tipid na ngumiti sa kanya. Hindi lang ito mag-isa kung ‘di kasama si Olivine na gulat na nakatitig sa kanila. Tumikhim ito, at seryosong tiningnan siya. "I apologize for interrupting your moment. Kumatok ako kanina, pero walang sumagot kaya pumasok na lang kami. Akala ko–" Pinutol niya ang sasabihin dito. "You can leave now." Nakita niyang napahiya ito, at pasimpleng pinunasan nito ang kanang bahagi ng mga mata. Why is she crying? Napailing na lang siya. Dapat hindi na siya mag-alala kung anong nangyari rito. Hindi na niya kailangan na tanungin ito. Ibinaling na lang niya ang kanyang atensyon sa anak nito na palipat-lipat ang tingin sa kanila. "Bakit, Olivia? May problema ba? " Umiling lang ito, at tiningnan ang inang papaalis na. "Mama, aalis ka na po ba?" Tumango si Olivine, at may pait na ngiti sa mga labi nito na nagpatigil sa kanya. "Oo, uuwi na ako. Magpapakabait ka kay Papa mo ah. Huwag kang makulit." — Isang ngiting nagpapakagabag sa kanya hanggang sa nakauwi na sila ng bahay ay hindi pa rin siya na tahimik sa ngiting puno ng sakit. Bakit hindi pa rin siya na tahimik kapag tungkol kay Olivine? Bakit gumugulo na naman ang isipan niya dahil lang sa babae? Hindi talaga siya matatahimik kapag hindi niya malalaman ang katotohanan. Agad niyang tinawagan ang kapatid niyang si Travis dahil alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya. He wants to know anything about her. He is curious about everything about her. He wants to know what's behind the story about a fake marriage, and fake documents. Gusto niyang malaman kung sino ang pasimuno ng lahat ng ito. "Papa... " Napatingin siya sa hamba ng pintuan sa kwarto niya. Nakita niya ang kanyang anak na may dalang isang basong gatas. Kaagad naman nitong inilapag sa bedside table niya, “hindi ka po ba makatulog? Pinagtimpla po kita ng gatas para mahimbing po ang tulog ninyo. " Napangiti siya rito, at sinenyasan na tumabi sa kanya. Umusog siya para bigyan ito ng espasyo. Umupo naman ito sa tabi niya. "Papa… " "Ano iyon, anak? " "Alam mo ba kapag hindi ako makatulog, gagawa si mama ng gatas para sa akin. Para raw mahimbing ang tulog ko. Inumin mo na, Papa. Ako ang nagtimpla ng gatas para sa’yo.” Natawa siya, at ginulo ang buhok nito kahit paano ay nabawasan kahit kaunti ang pag-iisip niya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Ngumuso ito, at yumakap sa kanya. "Gusto ko pong may katabi, Papa. Ito ang pangarap ko na makatabi kita sa pagtulog. Sana po, magkakaayos na po kayo ni Mama. Gusto ko pong maging okay kayo. Alam ko naman pong hindi na kayo pwedeng magsama dahil may girlfriend na po kayo." Napabuntong-hininga siya, at napatitig na lang sa harapan. Habang hinahaplos ang buhok ng anak para makatulog ay hindi siya tumugon sa sinabi nito bagkus ay nakatingin lang siya sa kawalan. Something is wrong. It feels like an emptiness within him, something he requires to fulfill his desire. He's not sure what it is. What kind of emptiness is it? Is it yearning for something he couldn't have? Not satisfied? He doesn't understand. Maybe... Maybe Olivine can fill in.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD