OLIVIA
She was performing her song in front of the two newlyweds. She smiled as she looked at the two people who had fallen in love with each other. Wedding of Rough's friend today.
She closed her eyes to experience the harmony of the tune she was singing. She sang it from the bottom of her heart. Most of the visitors were engrossed because they could sense how well she presented it. She wishes to sing this, one of her favorite songs, at her upcoming wedding, but circumstances don't go as planned.
Masaya siyang kinantahan ang dalawang taong nagpapatunay na masarap talagang magmahal. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya sa mga mata ng groom ang pagmamahal nito sa asawa nitong si Cruisha. Kailan kaya siya makakaranas ulit ng gan’yang pakiramdam na may magmamahal sa kanya ng tudo na walang labis, at walang kulang? Pinapahalagahan, at ibibigay lahat para maging masaya siya? Minsan na lang talaga siya makakahanap ng taong magmamahal sa kanya ng sobra. Bakit ganoon? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ibuhos ang pagmamahal kay Rough. Binigay niya ang lahat para sa binata kulang na lang ay mababaliw na siya sa sobrang pagmamahal dito. Nawala na siya sa kung ano siya noon, at hindi na niya iniisip ang sarili kung ‘di binuhos niya ang atensyon sa lalaki dahil ganoon siyang magmahal. Wala ng natira para sa sarili niya kung ‘di ang anak niyang si Olivia. Kahit na nasasaktan na siya sa sitwasyon nila, she keep holding on to him because she truly love him. Ang binata lang ang nagbibigay lakas para ipagpatuloy niya ang buhay niya. Ganoon na ba siya ka dependent sa binata? Baka nga. Subalit, nag-iba ang lahat ng pumasok sa buhay nila ang ama nito na nagpagimbal sa kanya. His father does not want her, nor does her daughter. Gusto nitong patayin ang anak niya dahil lang sa inheritance na makukuha nito. She does not want her child to grow up in a brutal world.
She shook her head. Dapat hindi na niya iisipin ang kung ano ang masalimuot na pangyayari noon. Napabuntong-hininga siya. Tinuon niya lang ang atensyon sa pagkanta.
Hanggang sa natapos ang kasalan ay pumunta agad sila sa reception nito. Hindi na sana siya pumunta rito dahil gusto na niyang magpahinga sa sobrang stress na nararamdaman niya noong nakaraang araw. Simula ng nagkita sila ng binata ay puro problema na lang ang kanyang inabot. Kailan kaya matatapos ang magulong buhay niya?
Napabuntong-hininga na lang siya, at naghanap na lang siya ng mauupuan niya. Bawat tingin niya sa mga lamesa ay okupado na ang upuan. Naalala niyang sinabi sa kanya ni Cruisha na umupo siya sa right side na malapit lang sa mauupuan nito, kung saan nandoon ang mga kakilala at relatives ng bagong kasal. Naglakad siya patungo roon. Madali lang siyang nakarating roon. May tatlong bakante pa na agad naman siyang umupo sa may bandang kaliwa, kung saan nandoon ang asawa ni Zeo na si Avery. Nang makita siya ay lumawak ang ngiti nito sa labi kaya nahawa siya sa pagkakangiti ng babae. Napakaganda niya talaga.
Bago pa siya makaupo ay may biglang umupo sa bandang kanan niya. Hindi na siya nag-abalang tingnan ito dahil kinausap siya ni Avery na kung anu-ano na naaliw naman siya rito. Napakadaldal pati ang mga asawa ng kaibigan ni Rough. Lahat sila mabait. Akala nga niya noong una ay may attitude ang mga ito, pero hindi pala. Nagkamali siya dahil lahat sila ay mababait, at palangiti puwera na lang daw kung may kaaway dahil lalabas daw ang mga sungay nila.
Natuon ang atensyon niya sa mga malapit na kaibigan, at pamilya ng bagong ikinasal. Their looks and their eyes are enough to indicate how thrilled they are with the newlywed pair. She is envious and insecure of the lovers that ended up together. Despite their ups and downs, they continue to cling on to each other because their love is worth fighting for.
"Olivia... "
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang tinig ng binata. Napapikit, at napasapo siya sa kanyang noo. Bakit ba ang liit ng mundo? Bakit palagi na lang pinagtagpo ang landas nilang dalawa? Iniiwasan na nga niyang makasalamuha ito, subalit ito siya, nagkita na naman silang dalawa ng ama ng anak niya.
Napabuntong-hininga siya bago siya humarap dito.
"Rough," walang ganang banggit niya sa pangalan ng kaharap.
Kailan ba magiging tahimik ang buhay niya? Kailan niya maramdaman na wala na siyang dapat ipag-alala? How can she escape from his father's greediness?
"What are you doing here?"
Sasagot na sana siya ng may biglang dumating, at sumingit sa pag-uusapan nila. Hindi siya nagpahalatang tumingin siya sa bagong dumating. Kumirot ang puso niya nang makitang kung paano humalik sa labi ang bagong dating na si Katrina. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti ng binata. Napaiwas siya ng tingin, at pasimpleng kinurot ang sarili. Dapat hindi na siya magpaapekto sa kung ano ang mga nakikita niya sa dating nobyo. She should move on from the past, which has caused her distress. She was trying not to cry as she tried to calm down. Not crying in front of others who were staring at them. She could tell that his friends were watching them because of the tension or discomfort. She smiled as if she wasn't in agony. Tumingin na lang siya sa ibang direksyon, at doon ibaling ang atensyon para hindi siya lalong masaktan.
"Why are you late, Katrina? Hindi ka man lang pumunta sa simbahan," pagtatakang narinig na tanong ni Spencer, kung hindi siya nagkakamali pinsan ito ni Ramm.
"May inaasikaso pa kasi akong photoshoot. May deadline kasi akong dapat habulin kaya kailangan kong matapos "paumanhing sabi ni Katrina
"You're such a workaholic. Kung ikakasal na kayo ni Rough, gan’yan ka pa rin ba? Baka magsawa na sa’yo ang kaibigan namin, at palitan ka."
Dahil sa pagkakasabi ni Wayne ay napahalakhak, at kinantyawan si Rough. She tried not to listen to them, but it was too loud and she could clearly hear what they were saying. She tried not to be affected, but she couldn't control her emotions just now. How could they be so insensitive when she's here? They were talking as if she wasn't there, or perhaps she's just bitter and sensitive.
Masaya siyang may nagmamahal sa binata na lubos pa sa pagmamahal niya. Ang akala niya’y kakayanin niyang makitang masaya ito sa iba. Kinaya naman niyang hindi makita, at makasama ito kaya nga lumayo siya ‘di ba? Ngunit, kapag nasa sitwasyon na katulad nito na makikita mo kung paano ngumiti, at naging masaya sa piling ng iba ang lalaki ay sobrang sakit pala. Ayaw mo siyang makitang may ibang kasama o makita man lang. Gusto niyang siya iyong nasa posisyon ng babae, pero hindi na pwede dahil wala na siyang karapatan.