Naging matulin ang panahon para sa akin. Pinapanood ko lang ang mga tao sa paligid ko sa pagluluksa at pagdamay sa akin. I was in total shock. Hanggang ngayong ika-40 days ni Yen-yen ay hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Sobrang sakit pa rin. Si Ellen ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan mula sa pagpapalibing hanggang sa ika-40 days ng anak ko dahil hindi na ako makausap nang maayos. Hindi ko na rin mahagilap si Rave. Pagkatapos ng unang araw ng burol ay hindi ko na siya nakita pa. Tanggap ko naman na hindi na lalawig pa ang aming relasyon. Malamang ay natuloy na ang kasal nila ni Ally. Wala nang balakid sa buhay niya, kaya malaya siyang gawin ang lahat ng nais niya. Pero nasa loob ng puso ko ang hinanakit. Bakit ako lang ang nasasaktan nang lubusan? Bakit tila hindi siya apektad

