"Kahit na nasaktan ako sa mga sinabi mo noong araw na 'yun, gusto pa rin kitang makita. Gusto pa rin kitang makausap. Gusto kong magmakaawa sa'yo na sana ako na lang. Sana ako na lang ang piliin mo. Pero hindi kita mahagilap. Kay ilap mo," mahaba niyang pagtatapat. "And I can't believe that I will be with you in this kind of situation. Sobrang hirap sa kalooban ko na malaman na may anak ako na nag-aagaw-buhay. Kahit ilang yaman na ang ibigay ko ay hindi ko pa rin mapipigilan ang mangyayari. "God must be punishing me, right? Dahil noong araw na iyon ay sinaktan ko ang dalawang tao na mahalaga sa buhay ko. Sinaktan ko kayo ni Yen-yen at hinayaan kayong makawala sa mga kamay ko. I'm so sorry..." Agad kong kinabig ng yakap si Rave. This is the first time that I saw him cried. Hinagod ko ang

