Chapter 19 - Leen

1711 Words
"S-Sir Earl..." "Don't leave, please..." pagsusumamo niyang muli sa akin. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang bumalik sa pagkakaupo. Ibinalik ko ang maliit na batya sa ilalim ng kama at tumingin lang sa nakapikit na si Rave. "Come here..." bigla niyang bulong. "Po?" "I said come here..." pag-uulit niya. Tumalima na lang ako at unti-unting inurong ang upuan papalapit sa kanya. "Closer," utos pa niya. At dahil wala na akong maurungan ay inilapit ko na lang ang katawan at mukha ko sa kanya. Napatili ako nang bigla niya akong higitin at iniangat mula sa lupa. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na hinila na pala niya ako at nakapatong na siya sa akin. Ang malambot at mainit na kama ang naramdaman ng aking likuran. "S-Sir..." Nakita ko ang nanghihina na ekspresyon ni Rave ngunit hindi nawala roon ang kanyang kagwapuhan. Nakahilig na ang kanyang ulo sa katabing unan habang hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang nababanaag ko sa kanyang mga mata. "Just stay like this for a while. Nakakapagod nang magtawag sa'yo..." bulong niya. Pagkatapos niyon ay ipinikit na niya ang mga mata niya at nagpatuloy sa pagtulog. Hindi magkamayaw ang t***k ng puso ko sa pagdagundong sa aking dibdib. Nakatunghay lang ako sa maamong mukha ni Rave. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya. Napabuntong-hininga ako. Ngayon na nasa malapitan ko na siya, tila unti-unti ring nanunumbalik ang lahat sa nakaraan. Gusto kong tanungin ang sarili ko. Sa loob ng anim na taon na nagtago ako at kinimkim ang sama ng loob sa lahat ng nakasalamuha ko sa Victoria City, bakit tila unti-unting bumabagsak ang pader na iniharang ko sa aking paligid? Malakas na ako, e. Sigurado na ako na hindi na ako magiging marupok. Pero bakit ganito ang nangyayari? Makita ko lang si Rave ay napapanatag ang loob ko. Nilulukuban ako ng kasiyahan at pagkasabik sa tuwing kasama ko siya. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung paano ito pahihintuin. Litong-lito ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan at pilit na winawaksi ang kaisipan. 'Hindi ka pwedeng makalimot, Leen. Tandaan mo na siya ang dahilan ng lahat ng masasakit na alaala mo sa lugar na ito. Kaya huwag mong bibigyan ng kung anong kahulugan ang lahat ng ipinapakita niya sa'yo!' pagpapaalala ko sa aking sarili. ***** Nagising ako nang may maramdaman akong kung ano na lumapat sa labi ko. Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at ang titig na titig na mukha ni Rave ang bumungad sa akin. Napangiwi ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Namamalik-mata lang siguro ako. Paano namang mapupunta si Rave sa tabi ko at pagmamasdan pa ang mukha ko? Sinubukan kong pumikit muli ngunit mas lumilinaw ang alaala ko sa gabing dumaan. Agad akong napadilat at nanlaki ang mga mata. Nandito nga pala ako nakatulog sa kwarto ni Rave! Nakita ko ang mukha niyang aliw na aliw sa pagkakita sa akin. Abala ang kanyang hinlalaki na sundan ng hagod ang ibabang labi ko. May nababasa pa ako sa kanyang mga mata na na hindi ko mawari. Nagpakabog iyon nang husto sa aking dibdib. "S-Sir! Anong ginagawa ninyo rito?!" Akma akong babangon ngunit mabilis niya akong kinumbabawan. "Did I tell you to move?" "P-pero, Sir..." "Hindi ko pa sinasabi na bumangon ka. Susuwayin mo na naman ba ako, Lena?" Nagtunog sexy ang kanyang boses sa aking pandinig. Nagdulot iyon ng kiliti na unti-unting bumababa hanggang sa pagitan ng aking mga hita. Shit! Hindi ako pwedeng maapektuhan. Hindi maaari! Napailing ako bilang sagot. Napalunok ako. Nakita ko ang pagsilay ang muntik ngiti sa kanyang labi. Hindi. Isa iyong ngisi. He is teasing me! Papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. Doon na ako napapikit at hinintay sa susunod na gagawin ni Rave. "Aray!" protesta ko nang maramdaman ang malakas na pitik sa noo ko. Depunggal naman! "Bumangon ka na. Nagugutom na ako," bigla ay sabi niya saka mabilis na umalis sa ibabaw ko at tumayo. Dumiretso siya ng CR at hindi na ako tinapunan pa ng tingin. Nag-init ang dalawa kong pisngi na tumalima sa kanyang iniutos. Bwisit, sinusubukan ako ng lalaking ito! Umayos ka, Leen! 'Wag kang papalansi sa damuhong na 'yan! Naghanda na ako ng almusal para sa kanya. Nag-request siya ng Arroz Caldo kaya iyon ang inihanda ko para sa agahan. Nakasanayan ko nang sumabay sa pagkain ng aking amo. Hindi na niya ako pinapagalitan. Mas naging maluwag siya sa akin. Unti-unti ring nagiging libre ang kanyang mga ngiti na noo'y malimit niyang iginagawad sa akin. Naging magaan din ang pakiramdam ko dahil sa unang pagkakataon ay nakipagkwentuhan sa akin si Rave. Nakakapagtaka ma'y pinagpaliban ko na lang ang pagtatanong sa kanya. Lumipas ang isang linggo na ganoon ang naging pakikitungo namin sa isa't isa. Naging magaan ang trabaho ko kahit na halos tumira na siya sa loob ng bahay at hindi man lang umaalis. Unti-unti ko na ring tinataniman ang garden na nasa labas ng bahay. Marami nang paso at ilang bulaklak akong binili. Pinagtaniman ko naman ng ilang gulat ang lupa. Pagkatapos ko doon ay sa swimming pool naman ako pumunta. Nilinis ko ang mga dahon na nagkalat. "Hay... Nakaka-miss mag-swimming! Kung nandito lang si Yen-yen ay tiyak na matutuwa iyon. Marami na akong utang doon. Ni hindi ko man lang siya naipapasyal." Napabuntong-hininga ako habang kinakausap ang sarili. Nalulungkot ako para sa anak ko. Gusto ko talagang bumawi sa kanya. Hindi ako maging mabuting ina dahil hindi ko naagapan ang pagkakasakit niya. Sobrang sakit man ay kailangan kong tibayan ang loob ko. Kailangan ko siyang iligtas. Napangiti ako nang may isang ideya na pumasok sa aking isipan. "Hmm... ano kaya kung maligo ako saglit sa pool?" Napahagikhik pa ako sa aking naiisip. Sinabi naman ni Rave sa akin na pwede akong maligo rito anumang oras kong gustuhin basta't natapos na ang mga gawain ko. Pumasok ako sa loob at tinungo ang library ni Rave. Kumatok ako sa pintong nakabukas upang kuhanin ang atensyon niya. May teleponong nakadikit sa kanyang tenga at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Sir, maliligo lang po ako sa pool saglit, ha?" pagpapaalam ko naman. Sinenyasan lang niya akong umalis habang hindi inaalis ang atensyon mula sa kausap. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko. Nagkibit-balikat na lang ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit. Wala naman akong dalang mga sexy na swimsuit. Matagal na rin kasi mula noong huli akong magsuot ng ganoon. Nagbihis na lang ako ng isang hapit na sleeveless at cycling shorts. Ito lang ang nakita kong matino kong damit na proper para sa swimming pool. "Hay nako, Lena! Bakit kasi ang manang mong manamit?" Napailing na lang ako at lumabas ng bahay. Pagkabalik sa swimming pool ay kaagad na akong lumusong doon. Ilang course ang ginawa ko. Mula kasi noong bata ako ay naging swimming athlete ako. Natigil lamang iyon nang tumuntong ako ng kolehiyo at kailangang mag-focus sa kurso kong Electronic Engineering. May ilang pagkakataon na nakakaligo ako ng swimming pool ngunit nangyayari lang ito kung malilibre kami ni Yen-yen tuwing birthday ng anak ni Ellen. Nakailang stroke na ako saka ko napagpasiyahan na ilubog ang sarili sa ilalim nang ilang minuto. Ganito ako sa tuwing gusto kong i-practice ang katagalan ko sa ilalim ng tubig. Ngunit ang alaala ng noo'y mainit naming gabi ni Rave ang biglang bumulaga sa aking isipan. Simula nang hapitin ako ni Rave sa higaan niya ay bigla-bigla na lang sumusulpot sa isipan ko ang mga maiinit na tagpo na pinagsaluhan namin noon. Naaalala ko ang bawat haplos niya, bawat halik, at pagsambit ng pangalan ko habang pinapaligaya ko siya. He is my first everything. Walang sinumang lalaki sa paligid ko ang hinayaan ko nang ganoon sa tanang buhay ko. Siya lang ang bukod tanging lalaki na pinahintulutan ko na kumuha sa aking pagkabirhen. Natatandaan ko pa ang bawat halinghing ko habang siya naman ang walang sawa na binabasbasan ang katawan ko ng kanyang labi at dila. Wala siyang pinalampas na anggulo at parte ng katawan ko. Lahat ay kanyang nilakbay at pinagpapala sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at labi. At aaminin ko, iyon pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko iyon matanggap. Dahil sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot niya sa buhay ko ay heto ako at nananariwa sa mga pinagsaluhan namin 6 years ago. Gusto ko iyong mawala nang tuluyan sa isipan ko. Gusto kong iwaksi ang lahat. Hindi pwede na mahulog muli ang damdamin ko sa kanya. Hindi maaari. Sa sobrang lalim ng aking pag-iisip, hindi ko namalayan na may humaklit na sa aking baywang. Kumawag-kawag pa ako mula sa ilalim ng tubig. Nakita ko ang naka-corporate attire na si Rave habang hila-hila ako paahon sa tubig. Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan lang siya na hilahin ako papunta sa ibabaw. Pagkasinghap naming pareho ay laking-gulat ko nang itulak niya ako sa may gilid ng pool. "Aray! Sir!" Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng likod ko sa tiles ng pool. Doon ay na-corner ako ni Rave habang nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. "What the f**k are you trying to do, Lena? Magpapakamatay ka ba, ha?!" galit na tanong niya. Tila sinaniban siya ng isang demonyo at handa akong sakmalin anumang oras. "Ha?" Ako? Magpapakamatay? Saan naman niya narinig na magpapakamatay ako? "Sir, nagpaalam po ako sa inyo na maliligo, 'di ba?" inosente kong tanong sa kanya. "f**k!" Malakas niyang hinampas ang tubig. Pareho kaming natamaan ng pagtalsik nito. Saka niya ako binalingang muli. Walang sabi-sabi na sinakop niya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Naging mapusok ang paghinang niya sa labi ko. Tila pinaparamdam nito ang pinaghalong pagpipigil, pagnanasa, at takot. Isa iyong matagal at mapusok na sandali. Maya-maya ay humiwalay na siya at ipinagdikit ang aming mga noo. Kapwa kami hingal na hingal. Hindi ako makapaniwala. Talagang hinalikan ni Rave si Lena. Hinalikan niya ako! "You f*****g scared the hell out of me, Lena. I'm f*****g scared! I thought I lost you..." he whispered. Oh, gosh. Please somebody tell me na nananaginip lang ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD