Nanubig ang mga mata ko ngunit hindi ako makagalaw. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa hamba ng pintuan. "It's just a f*****g one-night stand, Ally..." Iyon ang mga katagang paulit-ulit na umuugong sa tenga ko. Papasok na sana ako sa loob ng condo ni Rave ngunit bigla ako napatigil nang makarinig ako ng komosyon mula sa loob. May naririnig akong babae na umiiyak mula sa loob. Ang totoo niyan ay wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko. Wala sa loob na napahawak ako sa aking tiyan. Simula noong araw na iyon ay nagising ako mula sa isang panaginip. Isang panaginip na inakala kong maganda at makatotohanan. Ngunit nagkamali ako. Simula noon ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako kailan man babalik sa lugar na ito. Hinding h

