Rave pulled me toward him. Tuluyan na niyang tinanggal ang distansya sa pagitan namin. Hindi na niya ako hinintay pang sumagot. Pinaghinang niya ang aming mga labi. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kung bakit hinayaan ko siyang makalapit at sakupin ang aking labi. Bawat galaw niya ay unti-unting nagpapabaliw sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong ikilos. Awtomatiko lang na sumasabay ang labi ko sa kanyang kapusukan. Naging malikot ang kanyang kamay. Hindi magkandatuto sa paghapit sa aking maliit na katawan. "You wanted this..." tukso ng isipan ko. Ngunit wala akong ibang maapuhap na eksplenasyon. Hindi ko magawang magrason. Tama naman ang utak ko. Ginusto ko ito. Dahil magpahanggang-ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. Wala sa loob na napaungol ako hab

