"Ahhhh!" Sigaw nilang dalawa at napatakbo sa isa't isa. Si Vince yung pinsan ni Lorenzo na naging kaclose niya rin. Sa lahat nilang magpipinsan ay dito siya mas naging malapit at magaan ang loob dahil sa pagiging sobrang palakaibigan nito at sobra ding bait. "You knew each others too?" Nagtatakang tanong ni Raffael. Oo nga pala, hindi ko nasabi sa kanila last time na nagtatrabaho ako sa pamilyang Timbreza noon. Si Zoraida sa kanyang isipan. "Yes, we know each other." Masayang sagot ni Vince. "It’s been years. Wow, how are you?" Tanong ni Vince sa kanya na namamangha pa rin. "Maayos naman." Nakangiting sagot ni Zoraida sa kanya. Nakatingin lamang sa kanilang dalawa ang mga magkakaibigan. Hindi alam na si Zoraida pala ay malapit sa isa sa pinakamayamang pamilya sa siyudad. Oo, hanggang

