Kabanata 8

2169 Words
Simpleng resort lamang ang pinuntahan namin. Hindi tulad sa mga resort na nakikita ko sa telebisyon na sobrang bongga. Dito ay tama-tama lamang na kami lang ang tao pero bawing-bawi naman sa kagandahan ng paligid. Kita ko sina Weather at Fajra sa may dalampasigan na kasama si Karina na kumukuha sa kanila ng litrato. Samantala ang mga lalaki naman ay naroon sa mga nakaparadang jetskis sa gilid at may kinakausap na matanda, may-ari siguro ng resort. Lumapit na ako kina Roi para tumulong sa pag aayos nang iilang kakainin namin mamaya para sa tanghalian. "Ang ganda dito no. Ngayon ka pa nakapunta dito Aida no?" "Oo Roi." Sagot ko sa kanya. Nilabas ko ang isang tupperware na puno nang nilagang kamote. "Mamaya punta tayo doon sa swimming pool, lilibre kita sa entrance." Sabi niya nang nakangiti sa akin. "Talaga? Sige!" Excited kong sagot. Parang bata na napapalakpak pa ako dahil sa saya. Hindi pa ako nakakaligo ng swimming pool eh. Sabi nila may chlorine daw yun? Matikman ko nga mamaya, joke. Hehe. "Nakapunta na pala kayo rito Roi?" Tanong ko. Hindi naman sa nangmamaliit sa kanila pero mahal yata rito. May karatola kasi sa labas kung magkano ang entrance at renta sa mga cottages at rooms, libo ang kailangan para makapasok lang rito. "Oo naman. Noon kasi kapag umuuwi ang magpipinsan dito nila napipiling maligo. Marami pang mas may magagandang resorts kapag dumeretso tayo roon." Turo niya sa daanan. "Maraming mas mamahaling resorts doon pero mas maganda kasi ang tanawin rito at kaibigan nila Sir Lorenzo ang may ari kaya napapasirado nila ang resort para exclusive lang para sa mga Timbreza." "Talaga? Wow." Ani ko. Oo nga naman. Timbreza ang mga amo namin, siguro kung iisipin nang mabuti ay baka mas mayaman pa sila sa kaibigan nilang may-ari nang resort na ito.  Nagkwentuhan pa kami ni Roi tungkol sa madalas nilang ginagawa kapag naririto. Nasabi niyang ang swerte nila sa pamilyang Timbreza na masasabi kong totoo. Kahit kami nga ng mga Tiya ay swerte din sa kanila dahil sa palayang ibinigay nila sa mga tiya. "Ang swerte natin sa mga amo natin dahil hindi sila matapobre." "Bilib talaga ako sa pagpapalaki ni Don sa mga apo niya. Napalaki niyang maayos at may mababait na kalooban ang mga anak at apo niya." Singit ni Manong Rodolfo sa usapan namin. Oo nga. Bulong ko habang nakatingin sa mag pipinsang nag p-picture sa dalampasigan.   Masasabi kong maarte minsan si Weather pero marunong itong rumespeto sa kapwa niya tao. Lahat din sila ay hindi matapobre. Kaya hanga talaga ako sa pagpapalaki sa kanila ng mga magulang nila. Siguro kung ibangmga  tao pa yun, sobrang laki na ng mga ulo ng mga ito. Iba kasi talaga ang epekto ng pera sa isang tao, I can say that money is the most evil thing that was existed here in the world. Tapos na kami sa mga ginagawa kaya nagpahinga muna kami nina Roi at Manong sa cottage para bantayan ang mga pagkain habang si Manang naman ay nasa silid at umidlip muna saglit dahil sa sobrang aga nitong nagising kanina para mmaghanda ng mga babaunin namin rito. Si Karina ay naliligo na sa dagat suot ang bikini niyang dahilan sa parating pag-iiling ng Tatay niya at nagpapatawa sa kapatid nitp. "Si Ate no, may pa bikini-bikini pa. Halata namang masikip sa kanya yung bikini ng classmate niya." Humalakhak si Roi. "Hays. Ewan ko ba dyan sa kapatid mo." "Ang init-init. Tignan mo mamaya Tay, para na yang biik na sunog." Sabi ni Roi na nagpatawa din sa akin. Napailing muli si Mang Rodolfo. “Lapitan mo nga roon at pagsabihang magsuot ng mas naka-aayang damit Roi.” Bakas sa mukha niya ang pagkaka-disgusto sa suot na damit ng anak. Natawa kaming dalawa ni Roi. Naliligo na rin ang mga mapigpinsan pero hindi sila roon sa dagat naliligo, doon sa swimming pool. Hindi naman kalayuan yun sa cottage namin pero may mga pader kasi kaya hindi namin makita kung anong ginagawa nila roon at ang naririnig lang namin ay ang mga tawanan at sigawan nila sa isa't isa. "Gusto mong maglakad-lakad muna Aida?" Aya sa akin ni Roi na agad ko namang sinangayunan. Nabuburyo na rin ako sa kakaupo sa cottage, naroon naman si Mang Rodolfo para magbantay sa mga pagkain kaya naglakad-lakad muna kami ni Roi malapit sa dalampasigan. Malaki ang resort at wala namang pader na humahati sa mga karatig resorts nito kaya malaya naming nalalakad papunta sa kabilang mga resorts. May mga batang naglalaro ng buhangin, may mga nasa mababaw na bahagi ng dagat lamang at dala-dala ang kani-kanilang mga salbabida.    Habang may mga Lolo at Lola naman nakaupo lang sa mababaw na parte kung saan hanggang tiyan lang nila ang lalim ng tubig. Nagtatawan kapag malakas ang alon at may cup na dala para kukuha lang ng tubig sa dagat para iligo sa sarili. Napangiti ako. Ito yung mga madalas kong nakikita kapag naliligo kami nang dagat ni Nanay noon. Kami lang dalawa ang naliligo noon pero masaya na ako. Wala man kaming baon pero yung thought na kasama ko siya okay na ako. Napakagat labi ako sa naalala. Ayokong umiyak pero namumuo na ang mga luha sa mga mata ko kaya madali kong pinahiran yun gamit ang mga palad ko. Hindi ko alam, these days ay nagiging emotional ako. I’m a strong women pepro hindi ko alam pag about kay Inay ay dali-dali akong lumalambot. Maybe I just missed her. Umalis ba naman siya ng walang walang paalam. Sinong hindi malulungkot dun? "Aida? Bakit?May problema ba?" Concerned na tanong ni Roi sa akin. Suminghot ako at natawa ng mapait. "Wala may naalala lang ako. Balik na tayo?" Tanong ko sa kanya, avoiding to answer his question. Pagdating namin sa cottage ay naroon na si Karina. Nakatakip ang isang kulay pink na tuwalya sa kanya. Sumama agad ang tingin niya nang malipat sa amin ng kapatid niya ang kanyang tingin. Tuloy ay napahakbang ako pabalik at sa katabing cottage napaupo na sinundan naman agad ni Roi. "Pasensya kana sa kapatid ko." Sabi niya. Napansin niya siguro ang hindi maayos na pakikitungo ng kapatid niya sa akin. Ngumiti ako "Ayos lang." "Nagugutom ka na ba? Kukunan kita ng pagkain." Presinta niya. Nagutom nga ako kaunti kaya nagpakuha ako sa kanya ng kamote. Bago niya binigay sa akin yun ay binalatan niya pa muna iyon. "Salamat" sabi ko nang inabot niya sa akin iyon kasabay ang isang platitong may laman na asukal. Napangiti ako sa kabaitan niya. Siguro kung maayos lang ang buhay ko at nakilala siyang walang binibitbit na hindi magandang pangyayari ay nagustuhan ko na rin siya. Kaso pilit akong inilalayo ng pangyayaring iyon na magtiwalang ulit eh. Gustuhin ko mang maging normal muli ang buhay ko ay hindi ko magawa. Wala akong magawa kung hindi ang mag sorry sa kanya. Hindi ko kasi talagang tubusan yung nararamdaman niya para sa akin, hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kanya. If I could just forced myself to like him siguro ginawa ko na noon pa iyon. Roi is almost perfect. I know he may not have the money, pero hindi naman siguro iyon ang magpapatunay na perpekto na ang isang tao diba? Mabait si Roi, may respeto sa kapwa, mapagmahal sa pamilya, maalaga, hardworking, may takot sa Diyos, matangkad at hindi rin mapagkakaila na gwapo din ito kahit payat ang kanyang pangangatawan. "Andyan ka na naman sa tingin mong yan Aida." Si Roi na agad inilayo sa akin ang mga tingin. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. " Salamat." Bumuga siya nang hangin at umayos nang upo. Alam ko ang nararamdaman niya. Hindi niya naman kailangang magpanggap na masaya. "Pasensya kana. Halata ba?" Tumawa siya. Napakagat labi ako at unti-unting napatango. Halatang-halata. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong sinasadya niya ring nasa hardin siya palagi para abangan ang pagrating at hintayin ang oras ng uwian ko. "Roi... Paano ka makakamove on kung palagi kang sumusulyap sa akin kada minuto? Hindi mo rin kailngang palitan ang tatay mo sa trabaho niya sa pagiging hardinero ng mansyon para mabantayan ang pagdating ko. Kung ipagpapatuloy mo yan, masasaktan at masasaktan ka lang." At ayaw ko nun. Napayuko siya sa sinabi ko. Ang pagnguya niya sa sariling kamote ay napahinto.  Ilang segundo bago tinaas niya muli ang tingin sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. "Pasensya na. Hindi ko kasi mapigilan." Natahimik kaming dalawa. Ayaw ko nang magsalita at baka ano pa ang masabi ko. Ayokong baka mas masaktan ko pa ang damdamin niya. Hanggang kaibigan lang kasi talaga ang maibibigay ko sa kanya. "Aida." Tawag niya sa akin. Nakangiti at inayos ang kanyang pagkakaupo. "Pwede naman tayong maging magkaibigan diba?" Tanong niya. Napatingin ako sa mga mata niyang sinserong nakatingin rin sa akin. Ngumiti ako. "Oo naman." Nagngitian kami. Nagpaalam muna siyang magbabanyo pero kita kong lumiko ito sa isang banda at hindi sa banyo tumungo. Napabuntong hininga nalang ako. Maya-maya ay napagpasyahan kong pumunta malapit sa dalampasigan para kumuha at mangolekta ng mga shells. Mayroong iba't ibang kulay ng shells ang naroon pero pinili ko lamang yuong mga kulay puti. "What are you doing there?" Tanong ni Lorenzo na nagpalingon sa akin sa kanya. Basa ang kanyang buhok, walang damit pang itaas at tumutulo pa ang iilang butil ng tubig sa kanyang short maging sa kanyang mga buhok pababa sa kanyang katawan. "Ahh. Kumukuha ako ng mga shells." Pinakita ko sa kanya ang mga nakolekta ko nang mga shells sa isang palad. "Kuya!" Tawag ni Fajra na tumatakbo palapit sa amin. Tulad ni Lorenzo ay basang basa rin ito suot ang kanyang floral swim suit. Kitang-kita kung gaano kaganda ang katawan nito. Sumunod sa kanya ang mga pinsan. "Kuya punta tayo ng white sand?" Si Fajra nang makalapit sa amin. Ngumiti ito sa akin bago tiningnan ang pinsan niyang nakatingin rin sa akin bago siya nito lingunin. "Sige we'll borrow a yatch." Pumalakpak sa tuwa si Fajra and signed a thumbs up to his cousins at the back. Dahil doon ay napangiti ang mga ito. Lumihis ng daanan patungo sa cottage sina Chester, Jame at Vince para kumain habang lumapit naman sa amin sina Weather na excited. "Sana pumayag si Lolo Garci." Ani ni Leonel. "Papayag yun." Si Fajra. Nagkatinginan kami ni Lorenzo, pero agad ko namang pinutol iyon at yumuko para kumuha pa ng mga shells. "What will you do sa mga iyan Aida?" Tanong ni Weather sa akin. Ilang taon ang tanda ko sa kanya pero hindi ko pa siya naririnig mag ate sa akin, pero kahit naman kay Fajra ay hindi siya nag a-ate sa akin pa kaya na katulong lang nila. Pansin ko sa mga magpipinsan ay si Lorenzo lang ang kinu-Kuya nila. Si Venancio at Weather ay magkapatid pero hindi niya ito tinatawag na Kuya kahit si Chester din sa Ate niyang si Fajra. Mukha tuloy’ng sobrang laki ng role ni Lorenzo sa kanilang magpipinsan. Thinking na siya ang Kuya ng lahat. "Kokolektahin ko ang mga ito at ilalagay sa garapon Weather." Ani ko sa kanya. "Talaga? That's cute. Can I help?" Tanong niya na hindi ko naman nasagot agad kaya si Lorenzo na ang sumagot. “Just do what you want Weather.” Ani niya kaya agad namang pinalakpak ni Weather ang mga kamay at nagsimulang na ring mamulot ng mga puting shells, kahit sina Fajra ay namulot na rin. Paramihan daw ng shells, kung sinong may pinakamliit na nakolekta ay siya ang maghuhugas ng pinggan sa mansyon sa isang buong araw. Dumating sila Vince at nalaman ang tungkol sa deal kaya nakissali na rin silang tatlo. “Please lang, ayaw ko nang maghugas ng mga pinggan.” Si Vince at napatakbo sa kbilang banda kung saan wala siyang kalaban sa pagpupulot ng mga shells. Lahat kami ay nagpupulot na maliban nalang kay Lorenzo na nakatayo at nakatingin lang sa amin. Hays. Nakaluhod kong kinuha ang isang maliit na shell. Sinulyapan ko magpipinsan isa-isa at nakitang parang mas ginanahan pa dahil sa deal nila. “Psst. Psst.” Paninitsit sa akin ni Jame sa kabilang banda.   “Akin nalang yan.” Nguso niya sa hawak-hawak kong mga shells. I laughed and handed him just five pieces of it. “Lah. Ang boraot mo naman Aida.” “Ayaw mo?” Tanong ko at umaktong kukunin uli ang shells sa palad niya. Tinago niya ang kamay sa likuran niya. “Joke lang. Salamat.” Mahina ang bosses na sabi niya at bumalik sa pamumulot. Nilingon ko si Lorenzo. Dahil nakaharap ito sa dagat ay ang perpektong side view nito ang nakita ko sa kanya. Habang tinitingnan ko siya'y masnarerealize ko na talagang ang taas niya. Ang taas at ang layo niya para maabot ko. Napayuko ako sa hawak na shell. Sobrang layo niya na para sa akin isang simpleng tao lamang ay sobrang hirap niyang abutin. Napakagat labi ako sa naisip. "Ang hirap." Bulong ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD