Kabanata 9

1852 Words
Nilipad ng malakas na hangin ang iilang hibla ng buhok kong nakatakas mula sa pagkakapusod. Nakahawak ako sa railings nang yateng sinasakyan namin habang nakadungaw ako sa mala-asul na kulay ng tubig dagat. Ito ang ka una-unahang besses na nakasakay ako sa isang yate. Para sa akin ay napaka engrande na nito kasi kahit bangka nga noon ay hindi ko pa nasasakyan eh. Siguro ang mga sasakyang nasakyan ko pa lamang ay motor, tricycle, jeep at bus. Malayo talaga kasi yung lugar namin sa dagat na dalawang oras pa ang babyahiin para lang makarating sa pinakamalapit na murang resort. Kaya minsan lang sa isang taon kami nakakapunta. Minsan naman ay hindi na nakapunta kasi walang pera. Hindi mawala sa aking labi ang ngiti. "Ang ganda talaga." Puri ko sa aking mga nakikita. Mabilis ang takbo ng yate at sobrang lalim na rin kaya yung kaninang mga coral reefs na nakikita ko pa sa hindi pa gaanong kalalim na parte ng dagat ngayon ay hindi na mahagilap dahil sa sobrang kalaliman at nag k-kulay dark blue na ang tubig. Papunta raw kami sa sand bar na makikita sa hindi gaanong kalayuan mula sa pinanggalingan naming baybayin kaya sobrang na e-excite ako. Ngayon lang din kasi ako makakaita ng sand bar sa gitna nang dagat. Nakangiti kong sinalubong ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam nang maging malaya, wala kang takot na nararamdaman. Minulat ko ang mga mata sa taas. Ang lawak nang mundo pero parang maliit lamang ito para sa gitna naming dalawa ni Pyeong. Nang mabanggit ng isipan ko ang pangalang iyon ay tila may kung ano akong naramdamang kirot sa puso ko. Yung kaninang pagkamalayang naramdaman ko ay bigla nalang nawala. Ano kaya ang koneksyon ni Lorenzo kay Pyeong? Mahigpit akong napahawak sa tubo. Natatakot ako. Natatakot ako na baka tuluyan na ngang magkrus ang landas namin. Hindi pa ako handa. Ano ba Zoroida. Pwede bang sa pagkakataon namang ito ay piliin mo munang maging malaya? Kahit sa araw lang na ito. Wag mo munang isipin ang tungkol sa mga nangyari noon. Maging masaya ka naman kahit ngayon lang. Maging makasarili ka naman kahit paminsan-minsan lang para sa sarili mo. Sinuot ko na ang kulay puting two piece na ibinigay sa akin ni Weather kanina sa ilalim ng oversized na kulay peach at white short na ibinigay rin nila sa akin kanina. Nahihiya nga ako at nagdadalawang isip kong huhubarin ko ba ito. Maputi naman ang balat ko kaso may malaking peklat kasi ako sa likuran ko na nakuha ko noong bata pa ako. Hindi ko alam kung paano ko nakuha iyon pero ang sabi sa akin ni Nanay ay nakuha ko raw iyon dahil nasabit ako sa alambre habang naglalaro noon mga limang taon pa lamang ako. Di bale na nga lang. Ang gusto ko ngayo'y i-enjoy muna ang araw na ito. Minsan lang ito kaya lulubusin ko na. "Masaya ka ba?" Gulat akong napalingon kay Jame. Sa harapan lang siya nakatingin, ang may kahabaang buhok ay mas ginulo pa ng hangin. "Oo naman Salamat ha." Sagot ko sa kanya at tiningnan siya. Nagtataka namn siyang nilingon ako. “Bakit?” Nahihiyang ibinaling ko ang tingin sa magandang tanawin namin sa harapan. “Ngayon lang kasi ako nakasakay nang yate at makakakita nang sand bar sa gitna nang dagat.” Ngumiti ang kanyang mga mata. Ang ekspresyon nito sa mukha ay tila nagkaroon nang kaunting pagkakamangha.Siguro hindi siya makapaniwala. Lumaki kasi silang may pera kaya halos lahat ng mga bagay ay kaya nilang makuha o mapagmasdan. Eh, ako, lumaki akong kapos kaya halos lahat ng bagay rin ay hindi ko makamtan-kamtan. "Mabuti, mabuti naman at masaya ka." Ani niya. “Lorenzo made this outing para magsaya kaya magsaya din kayo. Kahit ngayon lang kalimutan niyo muna ang mga responsibilidad na mga gawain niyo sa amin.” Ani niya na nilingon ako at ngumiti. Pagkatapo niyon ay nagpaalam muna siyang tutungo muna papunta sa deck. Tumango ako at nanatili muna ako roon. Ninamnam ko ang pagkakataong nililipad ng malakas na hangin ang aking nakalugay na ngayong buhok. Tsaka naroon sa deck halos ang mga magpipinsan, nakakahiya naman kung pati ako ay makikisabay sa kanila roon. We may be treated like we are a one family by our bosses pero dapat pa rin naming ipanatili sa isipan namin na mga ksamabahay nila kami at kailangang ibigay din namin sa kanila ang kanilang mga karapatang magkaroon ng self space at iba pa bilang mga amo namin. Napangiti ako. Kahit katulong lang kami ay para na rin talaga kaming parte ng pamilyang Timbreza. Hays, ang swerte namin sa mga amo namin. Tuloy ay napaisip ako, pagkatapos ng bakasyon nila ay uuwi na rin sila sa Maynila at ako naman ay babalik na rin sa pag-aaral. Siguro sa susunod na bakasyon ay mag bobuluntaryo pa din akong tutulung sa mansyon para makasama ulit sila. Ito ang unang besses na nakasalamuha ko sila pero malapit na agad ang loob ko sa kanila. "Malapit na po tayo." Sigaw ni Roi sa tabi ng nagmamaniubra sa sinasakyan naming yate. Isa-isang naglabasan ang mga magpipinsan. Nagtagpo ang mga mata namin ni Lorenzo. Nakapolong puti ito na hindi nakabutones ang unang tatlong butones nito kaya kitang-kita ang dibdib niya lalo na’t winawagayway ng malakas na hangin ang suot niya Lumapit sa akin si Roi kaya nawala sa kanya ang tingin ko. Ngumiti ako kay Roi, kitang kita siguro ang excitement sa mukha ko ngayon. "Mula rito ay lalanguyin na natin papunta roon sa white sand." Ani niya at tinuro ang umapaw na puting buhangin sa gitna ng dagat. Wow. Huminto na iyong sinasakyan namin. Napatingin ako sa gilid kung saan klarong klaro ang puting buhangin sa ilalim nang asul na tubig ng dagat. Halatang malalim pa rin iyon. Agad akong napabusangot nang maalalang hindi nga pala ako marunong lumangoy. "May life vest ba dito?" Bulong ko sa kanya. Humalakhak siya at tumango. Hindi niya siguro inasahang hindi ako marunong lumangoy. "Meron naman, teka ikukuha kita." Agad naman siyang nakabalik na may dalang isang life vest. "Hindi ka marunong lumangoy, Aida?" Tanong ni Chester. "Sinong hindi marunong?" Dungaw ni Vince mula sa taas. "Hindi ka marunong, Aida?" Si Leonel. Umiling ako. Nakakahiya. Lahat sila ay marunong lumangoy. Siguro ay hindi nalang ako baba sa yate. Baka mapag-iwanan lang ako. Nakakahiya. "Ayos lang yan." Humagikhik si Roi. "Sasabayan kita." Sabi niya na hinawakan ako sa bewang. "Lah, kayo ha." Si Fajra na nililiitan kami ng mga mata. "May something fishy." Si Weather. "Marami nasa dagat." Sagot sa kanya ni Vince. "Gusto mo kunan kita ng dugong para may lovelife ka rin Weather?" Si Chester pang aasar sa bunsong pinsan. Nakuh! Nakakahiya, namumula na yata ang mukha ko sa hiya. Baka akala nila may something talaga sa amin ni Roi. Namumulang kinuha ko kay Roi ang life vest para suotin pero hindi pumayag si Fajra na hindi ko hubarin ang suot na damit kaya napilitan akong hubarin ang suot na shirt at short. Pero hindi ako pumayag na sa harapan nila maghubad kaya pumuta muna ako sa banyo upang hubarin ang shirt at short ko at doon napatigil nang makita ang sugat ko sa likud. Tiningnan ko sa repleksyon ng salamin ang mataas na sugat ko sa likuran. Sinubukan kong abutin iyon gamit ang aking kaliwang mga daliri. Napabuntong hininga ako. Ang sabi ni Inay ay iniwan niya raw ako sa kapitbahay noon at dahil malikot daw ako at kung saan-saan naglalaro kaya ayun nasugatan ako ng alambre. Pero ang nakapagtataka lang ay parang sobrang lalim at sobrang taas naman ng sugat ko. Hindi kapani-paniwalang alambre ang gumawa ng sugat na iyon sa akin noon. I shrugged after that at sinuot na lang ang life vest. Lumabas ako ng comfort room ng yate at nilagay sa gilid ang damit ko para hindi mawala. Paglabas ko ay nakahintay na sa akin ang dalawang babae. "Wow! Ang ganda ng katawan mo Aida!" Si Fajra. "Nag g-gym kaba o diet?" "Wala po. Hindi po." Sagot ko sa tanong nila habang panay din ang iling. Hindi naman uso sa akin ang gym at diet, eh. Yung term na mga iyon ay pang mayaman lang naman. We don’t have gym equipments pero mas higit pa sa gym at diet ang mga ginagawa ko. I do householdchores, which requires a lot of strength and energy. Doon pa lang ay na eehersisyo na ang katawan ko, plus mahilih sa gulay ang mga tiya kaya pati ako nasasama sa healthy diest nila.Dahil matanda na ang mga tiya, ako na ang inaasahang gumawa ng mga mabibigat na trabuin tulad ng pag titimba ng tubig, pagsisibak ng kakoy, paglalaba, at iba pang mga gawain na hindi na kaya pang gawin ng dalawang tiya. Tsaka, actually talaga, minsan kasi nung pasukan kapag walang perang pambaon ang mga tiya sa akin ay nagtitiis nalang akong magutom every break time kasi wala naman akong perang pambili. Though, hindi naman ako nagrereklamo, sapat na sa aking nakapag-aral ulit ako atsaka binabawi ko nalang sa haponan namin. "This vest doesn’t look nice. Its destroying your outfit." Si Weather na kinusot pa ang vest na suot ko. I feel sorry, hindi kasi talaga ako marunong lumangoy at nakakahiya naman kung magiging pabigat ako sa kanila na nandito pa naman sila para magsaya. Naglakad na pabalik si Fajra sa mga pinsan niyang lalaki, sumunod naman sa kanya si Weather at ako naman ay nahihiyang pumunta roon. Nakakahiya naman. Hindi ako nakapag handa. Hindi tulad nila na may mga lotion chechebureche pang nilalagay sa mga balat nila ako nito diretso na wala ng lotion-lotion. Patay ako nito baka magka-sunburn ako nito bukas. "Tara na!" Rinig kong sigaw nila sa mga pinsan. "Kuya? Lets go!?" Si Fajra kay Lorenzo. "Mauna na kayo, susunod ako." Si Lorenzo na parang walang balak na maligo. Ngumisi si Fajra kay Lorenzo at sumunod naman ay sa akin ito tumingin. Tila may kakaiba sa mga tingin niya pero hindi ko nalang ito pinansin at tumingin sa gilid. "Roi, ikaw na bahala kay Aida." Sigaw ni Fajra na agad naman itong sinagot ni Roi. "Yes maam!" Narinig ko ang sunod-sunod na ingay dala nang kanilang mga pagtalon sa tubig. Nakita ko kung paano ang mga itong simpleng tinalon ang malalim na tubig at walang takot na nilangoy papunta roon sa sand bar na nasa di kalayuan. "Aida?" Si Roi. Nilingon ko siya. Halata ang paghanga sa mga mata nito nang makita ako sa suot ko. Tuloy ay parang namula na naman ako sa hiya. Hindi ako komportableng na e-expose ang malaking parte ng balat ko lalo na sa harap ng maraming tao. "Bakit? Hindi ba maganda?" Tanong ko at napayakap sa sarili. "Nakuh! Hindi. Bagay. Bagay na bagay sayo." Ngumiti siya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako inaya nang bumaba "Tara?" Hindi pa man ako nakakakilos ay napahinto na ako dahil sa baritonong bosses na nagsalita mula sa likuran ko. "Ako na ang bahala sa kanya Roi." Napakagat labi ako at agad na napalingon sa likuran namin at nakita roon ang ngayong nakahubad na nang damita pang itaas na si Lorenzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD