"Ako na ang bahala sa kanya Roi." Napakagat labi ako at agad na napalingon sa likuran namin at nakita roon ang ngayong nakahubad na nang damit pang itaas na si Lorenzo. "Mauna ka na roon." Sunod niyang sabi. Napatingin sa akin si Roi. Nagdadalawang isip kung aalis ba o hindi. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Lorenzo. “Nakuh! Hindi po. Okay lang po.” Sabi ko. Nakakahiya. It’s not that ayoko pero its our boss, ayaw kong baka bigyang malisya ito ng mga pinsan niya. Hindi maganda sa paningin ng iba. “No. I insist.” Sabi niya na hinubad ang suot niyang salamin at nilagay sa ibabaw ng upuan sa kilid niya. Tumingin sa akin si Roi dahil roon. Tinanguan ko siya at nginitian, kinukumbinsing ayos lang. Kaya wala siyang nagawa kundi tumalon na rin at sumunod na sa magpipinsan. Nahihi

